Chapter 13

2K 40 2
                                    

The next days were hell for me. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Gusto kong magtrabaho para naman hindi masayang yung pinag-aralan ko. Gusto kong sabihin kay Mama na gusto kong mag-apply sa firm nila. Ayokong maging tambay for life.

"Talaga bang gusto mo 'to?" Mama asked.

"Opo. Sayang naman po yung pinag-aralan ko if I wouldn't put it into action." I replied.

"Okay then, you can start next week." She smiled.

"Thanks, Ma." I gave her a hug.

At dahil sa susunod pa na linggo ako magsisimula, susulitin ko na muna ang mga natitira kong araw bilang isang tambay. Agad akong nagpunta sa mall para mamili ng mga bagong damit. Para na rin may magamit ako sa office pag nagsimula na ako. I wanted to look normal and formal pag nagtrabaho na ako.

Pagdating sa mall ay agad akong pumasok sa salon. Nagpagupit ako ng buhok na hanggang balikat ko na lang ang haba and dyed it. Nagpalagay din ako ng side bangs.

"Good job." I said then smiled at the girl na naggupit sa'kin.

"Thank you po ma'am. Mas lalo kayong gumanda."

Mas lalo namang lumapad ang ngiti ko.

Nang makalabas sa salon ay agad akong pumasok sa department store at namili ng mga bagong damit at sapatos. Habang namimili ay hindi ko maitago ang excitement. Sana naman makasundo ko lahat ng mga magiging katrabaho ko.

Bigla naman akong nakaramdam ng gutom kaya matapos mamili ay naglakad na ako papunta sa isang restaurant dito sa loob ng mall. Mukhang naparami yata ang nabili ko kaya medyo nahihirapan akong bitbitin lahat.

"Ate Anne?" I heard a familiar voice.

Agad kong hinahanap ang may-ari nung boses at nagulat.

"Omg Ate Anne! It's you nga!" She said then lumapit sa akin. "Let me help you." She offered then kinuha ang ibang paper bags na dala ko.

"Vanessa." I uttered then gave a small smile.

"Sabi na nga ba ikaw yan eh! Kailan ka po nakabalik? Ang tagal nating hindi nagkita. Na-miss kita!" She joyfully said.

"Last week lang. Ang laki na ng pinagbago mo ah!"

"Ganun po talaga. Inspired eh." Sabi niya saka natawa.

"Ano nga palang ginagawa mo dito?" I asked her.

"Ah, may bibilhin lang. Nautusan ni Kuya eh. Kayo po?"

"May mga binili lang din." I answered. "Are you in a hurry?"

"No po. Why?" I laughed. This girl is so conyo talaga.

"Na-miss mo ko di'ba? Tara, libre kitang lunch." I told her.

"Oh, I'd love that." She said then we headed our ways to the nearest reataurant.

"Kumusta ka na pala, Ate?" She asked as our food arrived.

"Okay lang." Sagot ko saka ngumiti.

"Ate, yung ano po.. yung sa.." Natawa ako nang mapansing nag-aalangan siya kung itutuloy ang sasabihin o hindi.

"Yung ano?"

"Yung nangyari po sa inyo ni Kuya." Huminga siya ng malalim pagkatapos.

"Eto, maayos naman na ako." I honestly replied.

"Paanong maayos po?"

"Hmm. Yung kaya ko ng maging masaya without being dependent to others, to him. I can now stand on my own. Hindi na ako umiiyak sa t'wing maaalala ko yung nakaraan. Yung mas naaalala ko yung masasayang nangyari kaysa sa sakit na pinagdaanan ko." I said.

A Lonely Broken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now