Chapter 14

1.9K 37 3
                                    

"Hello, I'm Anne Venice Marie Alonzo. I hope we could all be friends." Pakilala ko.

"But you can call her Anne." Nakangiting sabi ni Mama. "Anyway, she will start working with us today. She will be our new designer. And Cora?" Baling ni Mama sa isa niyang empleyado.

"Yes Ma'am?" Sagot nito.

"Can you assist her muna? Ikaw na muna ang bahalang sabihin sa kanya lahat ng gagawin niya." Utos ni Mama.

"Okay po Ma'am." Magalang din nitong tugon.

"Si Cora na muna ang bahala sa'yo ah?" Baling ni Mama sa'kin. "I'm sorry I can't accommodate you today, Sweetie. I have a client meeting kasi."

"Its okay, Ma. No problem. I can handle myself. And besides, alam ko namang mababait tong workmates ko eh." I smiled then she patted my back.

Nagsimula nang bumalik sa trabaho ang lahat nang lapitan ako ni Cora.

"Ma'am Anne? Sasamahan ko po kayo sa magiging office n'yo." Cora said.

"Nah. Just call me Anne. We both work here naman so drop that Ma'am." I told her then smiled.

She smiled back. "Sige, Anne."

Sinamahan niya nga ako sa magiging office ko. First time ko dito kaya hindi ko alam na may kanya-kanya pala kaming office. Hindi kasi ako sumasama kina Mama dati pag nagtatrabaho sila. Mukha namang mababait ang mga nagtatrabaho dito.

"If you need anything, just call me, okay?" She told me.

"Okay." I answered.

Lumabas na si Cora at nagsimula namang gumala ang mata ko sa loob ng opisina. I smiled. Dati pangarap ko lang 'to. Pangarap kong magdesign ng mga damit at magkaroon ng sariling opisina. At ngayon, natutupad na siya. Tumayo ako at inayos ang mga gamit ko. At dahil wala pa naman akong ibang gagawin, nagsketch na muna ako ng bagong design. May boutique din si Mama at lahat ng binebenta doon ay galing dito. Magaling na designer ang Mama ko. Kilala din siya sa fashion industry. Bata pa lang ako nakahiligan ko ng mag drawing ng mga damit. Particularly, gowns. Nakitaan ako ng potential ni Mama kaya fashion desinging ang kinuha kong course sa college.

Afternoon came at pinuntahan ako ni Cora sa office ko. Ang sarap lang pakinggan. Office ko.

"Uhm. Anne, your Mama called. May mga bagong requests kasi. Pwede bang ikaw na muna ang bahala dito?" Tanong niya saka may envelope na iniabot sa akin. "Yan kasi ang mabenta ngayon kaya nagkakaubusan. Your Mama said you can make your own version naman as long na the same silk ang gagamitin." She added.

"Okay." I smiled.

"Kailangan na 'yan by the end of the month. Pero hwag kang ma-pressure okay?" Biro niya saka pareho kaming natawa.

"Sige salamat." I said.

I can feel the excitement. This is the start, Anne. Show them what you've got.

* * * * *

"Here's your order Ma'am."

"Thank you."

Nasa isang fast food ako at kumakain nang mag-isa. Ngayon ko naramdaman ang lungkot. Nakaka-miss pala talaga ang may kasama.

I got my phone and started surfing the net. I logged in my facebook and started scrolling habang kumakain. Nakita kong nagpost na si Bea ng pictures nila from Palawan. Island girl talaga tong babaeng 'to. Buti nga hindi beach wedding ang ginawa nila eh. Mahilig kasi siya sa dagat. No wonder bata pa lang siya pangarap niya ng maging sirena. Crazy. I scrolled again and saw a post from Vanessa. Litrato namin nung kumain kami sa mall. Dalaga na talaga siya. Time really flies so fast.

A Lonely Broken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now