Chapter 18

1.5K 31 1
                                    

Hindi ko maipaliwanag ang kabang sumibol sa dibdib ko. Natatakot ako sa maaaring sabihin sa'kin ng mga magulang ko. I don't want to be judged. Lalo na nila.

Ilang minutong nangibabaw ang katahimikan sa aming lahat. Napatingin sa isa't-isa sina Mama at Papa. Pareho namang nakatingin sa'kin si Zach at Bea habang si Mike ay nasa asawa ang paningin.

"Kelan pa?" Tanong ni Mama.

"Nung isang araw pa po." Nakayuko kong sagot.

"Pinag-isipan mo ba 'tong mabuti?" Tanong ni Papa and I slowly nodded.

Muling nangibabaw ang katahimikan kaya nag-angat ako ng tingin at bahagyang nagulat ng makitang may sumilay na ngiti sa kanilang mga labi.

"Does he really makes you happy?" Tanong ni Mama nang nakangiti. Nakangiti rin akong tumango. "Hindi niya lang ako pinapasaya, Ma. He also makes me feel complete." Naiiyak kong sabi.

"Kung gano'n," Biglang sabi ni Papa. "Wala kaming tutol ng Mama mo sa inyo." I smiled with tears starting to fall. "You knew wala kaming problema kay Van. Mabait ang batang yun. Alam naming mahal ka niya. Ilang beses niya ng napatunayan sa amin yun and you knew how much we support your relationship." Dagdag niya.

"You're all grown up now anak. Wala kaming pagdududa sa mga desisyon mo dahil confident akong napalaki ka namin ng maayos. We always want the best for you." Sabi naman ni Mama.

"Thank you po." I said as I reached for them to give them a hug.

"I'm really blessed to have you as my family." I added as I tried to tighten the hug.

"And we're more than blessed for having you." Papa said then smiled.

Matapos ang madramang eksena ay sinabihan ako ni Mama na imbitahin si Van sa bahay. Miss na kasi daw nila. More than a year silang hindi nagkita kaya paniguradong makakapag-over night kami sa bahay nun.

"Happy?" Tanong ni Bea matapos kumain. Nag-iinuman ang mga lalaki sa kabilang mesa. Nandun naman si Mama para bantayan si Papa dahil baka mosobrahan sa inom. Masama pa naman sa kanya yun.

"Oo naman." Sagot ko habang iniikot ang baso sa kamay ko.

"Eh kay Mona? Handa ka ng makipag-ayos?"

"Bakit ako ang makikipag-ayos? Hindi naman ako yung nagkasala."

"Akala ko ba naka moved on ka na? Na napatawad mo na sila?" Kunot noong tanong niya. Bumuntong hininga ako saka siya tiningnan.

"Napatawad ko na sila Bee. Pero hindi ako nakakalimot." Seryoso kong sabi saka sinubo yung marshmallow. "Saka wala na din akong balita sa kanya. Hindi na din siya nagpaparamdam." Dagdag ko.

"Wala ka ba talagang balak sabihin sa magulang mo yung totoong nangyari?"

"Para saan pa? Maayos na kami. Maayos na lahat."

"Akala ko pa naman.." Binitin niya ang sasabihin saka tiningnan si Zach sa kabilang mesa.

"Can you please drop that idea, Bee? Mahal ko si Van."

Tiningnan niya ako with those naughty eyes. "Wala naman akong sinabi ah?" Inosenteng aniya kaya umiling nalang ako.

"He had a long time girlfriend. Seven years na nga dapat sila." Maya maya ay kwento ko.

"Sino? Si Zach?" She asked and I nodded.

"Nung 6th anniversary nila, napagdesisyunan niyang magpropose. Kinuwento niya yung mga naging paghahanda niya kasi gusto niya daw na maging espesyal para sa kanila ang gabing yun. He did everything to make his girl happy. But she rejected him. Hindi niya tinanggap ang marriage proposal." Nakita ko ang gulat at panghihinayang sa mga mata ni Bea habang nagkukwento ako.

A Lonely Broken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now