Chapter 9

2.1K 48 1
                                    

Hindi ko alam kung anong naging kasalanan ko para parusahan ako ng ganito. Naging mabuting tao naman ako. Wala akong inaapakang tao at hindi ako nanlalamang ng kapwa.

Do I really deserve this pain?

"Sinubukan ka niyang habulin sa araw ng alis mo. He's drunk when he called me. Sinubukan nga siyang pigilan nina Tito at Tita eh, pero ayaw niyang papigil." Paliwanag ni Bea.

"Bakit hindi pa siya nagigising?" I asked. Still crying.

"Nacommatose siya, Anne."

Napapikit ako. Bakit kailangang humantong sa ganito ang lahat?

"So limang araw na din siyang hindi nagigising?"

"He had an internal bleeding. Masyadong malakas ang pagkakabagok ng ulo niya."

She explained everything. Everything that she knew. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak.

Nag-aalala ako. Totoo. Kahit sobrang sakit ng dinulot niya, hindi ko itatangging mahal na mahal ko pa rin siya. Na siya pa rin ang laman ng puso't isip ko.

Tangina. Nagpunta nga ako dito para makalimot. Para mahanap ulit yung sarili ko. Pero bakit ganun? Pilit akong sinusundan nitong nararamdaman ko. Ayaw akong lubayan.

Nakatulog akong may luha sa mata. Paggising ko ay agad kong hinanda ang mga gamit ko. Ayoko na munang isipin ang mga problema. Ayoko na munang magpaapekto sa lahat ng sakit na nadarama ko. I just wanna escape from reality. Even just for a while.

* * * * *

"Welcome to Disneyland, Anne." I said to myself. Excitement is evident on my tone.

After my tour sa New York, I decided to go to Hong Kong. Ever since when I was young, pangarap ko ng makapunta dito. It's always been the happiest place on Earth.

"Pasayahin mo 'ko." I whispered as I looked at the signage.

I went inside and tried all the rides. Truth is, may fear of heights ako pero hindi ako nagpapigil. Hindi ako nagpadala sa takot. Sabi nga nila, "face your fears." Masyadong luma, pero effective.

I had fun kahit mag-isa ako. Friendly din kasi ang mga nakakatabi ko. May makakasama akong tumili.

Bigla akong nakaramdam ng hilo dahil sa sunod-sunod na rides na sinakyan ko. Few more minutes, I felt hungry so I decided to buy food.

Plano kong gumala dito buong araw. Gusto kong makita yung fireworks display nila dito tuwing gabi. I've seen videos of it before. Naiinggit nga ako kaya pinangako ko sa sarili ko na someday, pupunta ako dito. Kanina nga bumili pa ako ng headband na may malaking tenga ni Minnie Mouse kasi magpapapicture ako kasama siya saka nila ni Mickey saka ni Donald Duck, ni Pooh, ni Donkey, at sa lahat ng Disney Princesses. Kahit sinong Disney character pa yan, magpapapicture talaga ako. Para complete experience!

I was busy enumerating all the Disney characters that I knew--para wala akong makaligtaan mamaya sa picture taking--nung may lalaking biglang bumangga sa'kin at natapon ang chocolate drink ko. Sa damit ko.

Oh my God! Paano pa ako makakapagpapicture nito kung ang dungis na ng damit ko. I felt sticky. Yuck!

I was about to punch this jerk in front of me when recognition shot my face.

"Ikaw na naman?!" We both shouted.

Siya! Siya yung lalaking napagkamalan kong masamang tao. Yung lalaking sinabihan akong hindi pretty! Anong ginagawa nito dito? At, nagtagalog siya?!

"Pinoy ka?" Sabay ulit kami.

"Pinay." I corrected him.

"Are you stalking me?" He asked.

A Lonely Broken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now