Chapter 6

2.4K 53 4
                                    

I cried in front of my parents. Aaminin kong nakakahiya pero it helped me. Medyo gumaan ang pakiramdam ko, pero nananatili yung sakit.

Sa tuwing maaalala ko ang mga nangyari, gusto ko nalang magpakamatay.

Oo, ganun ako kaapektado.

Anong magagawa ko? Hindi madali ang pinagdadaanan ko. Niloko ako ng boyfriend at ng best friend ko.

Mabuti nalang hindi ako iniwan nila Mama at Papa. Sa bahay ako natulog. They stayed at my room hanggang sa makatulog ako. Kahit hindi nila alam kung ano talaga ang pinagdadaanan ko, they never forced me na umamin.

They just stayed with me and never let me feel I'm alone. Kahit papaano eh masaya ako.

Kinabukasan ay nagising akong mugto ang mata. Ang gulo ng buhok ko. Ang payat ko na. Ang panget panget ko na.

Sino ba ang broken hearted na maganda? Sasaksakin ko.

Pero kahit anong tindi nitong pinagdadaanan ko, dapat akong lumaban. Just what Papa said, I needed to be strong. Kailangan kong bumangon at magpatuloy.

Hahayaan ko nalang ang sakit na dumaloy sa sistema ko. Araw-araw ko siyang dadalhin hanggang sa masanay na ako at mamanhid.

"Girl, konting push nalang ga-graduate na tayo." Kairo said.

Nasa library kami. Tinatapos ang mga reports at projects namin. Alam na rin nila ang nangyari between Van, Mona and me. Sa dami ba namang nakiusyuso nung araw na nag-usap kami ni Mona. Or more like, sigawan. Pero kahit ganun, they didn't dare to open such topic na ipinagpasalamat ko.

"Anong plano nyo after?" SS asked.

"I don't know. Bakasyon na muna siguro. Ilang buwan din akong stress ha!" Si Kairo.

"Eh ikaw Anne?"

"Plano namin na mag family vacation sa Japan. Pero hindi pa settled. Pareho kasing busy sina Mama at Papa." I honestly replied.

"Taray! Tag-lamig sa Japan ngayon. Bagay na bagay sa nanlalamig mong puso." Biro ni Kairo.

Pero hindi ako natawa. Nakalimutan ko na kung paano tumawa sa loob ng ilang linggo.

Pag-uwi sa bahay ay agad akong nakatanggap ng tawag mula kay Mark. Ang bestfriend ni Van.

"Pwede mo ba siyang puntahan?" Tanong niya.

"Ayoko."

"Anne naman. Para na siyang baliw dito. Hindi na pumapasok, hindi na kumakain-"

"Wala akong pakialam." Pamumutol ko sa pangongonsensya na.

"Maawa ka naman sa kaibigan ko, please?" He said after seconds of silence.

"Bakit? Sa akin ba naawa siya?"

I ended the call and wiped my tears.

Hindi naman ako tanga. Alam kong palihim niya akong sinusundan. Minsan ko na siyang nahuli. Aaminin kong miss na miss ko na siya. Miss na miss ko na yung Babe ko. Yung Van ko.

Naniniwala naman akong mahal niya ako. Sa loob ng tatlong taon, walang araw na hindi niya pinaramdam sa'kin yun. Ganun din naman ako sa kanya. I love him. I still do. Pero ayoko ng saktan pa ang mga puso namin. Hindi ko na kaya.

* * * * *

I'm on my way to Bea's pad nung biglang tumirik ang sasakyan ko. Ang malas naman! Ngayon pang umuulan. Wala ding taxi na dumadaan. I reached for my phone to call Bea or otherwise grab an Uber nalang. Pero lowbat na ang cellphone ko.

"Talagang ngayon pa!" Bulalas ko.

Kinuha ko ang payong ko sa bag at lumabas. Natatakot ako. Hindi kasi ako sanay mag-isa. Lalo na ngayon na sira ang kotse ko. Naalala ko na naman si Van. Dati hindi ko kailangang matakot. Dati hindi ko kailanman naramdamang nag-iisa ako.

A Lonely Broken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now