Chapter 25

1.4K 26 1
                                    

Napapangiti akong tinitingnan ang sariling repleksyon sa salamin. I never thought I could be this beautiful. Well, marami namang nagsasabi na maganda ako pero hindi ko naman dinidibdib. Hindi naman sa napapangitan ako sarili ko. It's just that nature na sa tao ang mambola at pumuri kahit hindi naman totoo. I think it's for the sake of pakikipagkapwa-tao or they just wanted to flatter others. At ngayon ako na mismo ang magsasabing maganda ako. Big thanks to our make-up artist. Marunong naman akong maglagay ng kolorete sa mukha pero hindi ako pinayagan ni Mama dahil kailangan din akong asikasuhin dahil isa ako sa mga magdadala ng damit mamaya.

Naramdaman ko namang may yumakap sa'kin mula sa likod ko at inamoy ako. "Stunning as always." He said that brought a curve on my lips.

Lumuwag ang yakap niya kaya hinarap ko siya. "Thank you." Sagot ko saka sinuri ang kabuuan niya. "Ang gwapo talaga ng boyfriend ko. Feeling ko may kaharap akong hollywood actor." Dagdag ko pa saka siya natawa.

"Mas gwapo pa ako sa kahit na sinong hollywood actor, babe."

I just rolled my eyes while smiling. Nasa dressing room parin kami at naghihintay nalang ng signal na lumabas. Ako ang panghuli sa babae at si Van ang sa lalaki. I was wearing a pink tube ball gown. Fit na fit ito sa akin kaya kitang-kita ang kurba ng katawan ko. Ako ang nagdesign nito at ang ginamit kong silk ay 'yung kikinang kapag naiilawan. Si Van naman ay suot ang design ni Marjorie. Isa din sa mga designer namin.

"Hey." Napalingon kami sa likod nang may tumawag sa'min. It was Zach. I smiled at him while he was heading towards us.

Tinanguan lang siya ni Van kaya nginitian niya 'to. "Hindi maayos ang pagkakalagay ng tie mo, Zach." Sabi ko nang mapansin ang blue tie niyang wala sa ayos.

"Oh, sorry. Nahihirapan kasi akong ilagay eh. Alam mo namang hindi ako sanay dito." He said while trying to fix his tie.

I looked up at Van as if trying to ask permission at nginitian niya ako. Lumapit ako kay Zach na busy sa tie niya. "Ako na nga." I said then hinayaan niya na akong mag-ayos nito. "Bakit kasi hindi ka nagpatulong kanina?" Tanong ko.

He shrugged. "Everyone was busy. Wala akong makitang pwedeng tumulong sa'kin kaya I did it myself. Hindi ko naman alam na mali pala 'yung pagkakalagay ko." He laughed.

"May mga naka-assign naman to assist you." Naiiling na sabi ko. "Ayan. Tapos na." I smiled then looked up at him. Nakita ko siyang nakatitig sa'kin kaya kinunutan ko siya ng noo. "May problema ba?" I asked.

Para naman siyang natauhan kaya ngumiti siya saka ako pinasalamatan. "Nice hair." Dagdag niya pa.

"Thanks. Bagay ba?" Pagkatapos kasi ng rehearsal namin kahapon ay pinakulayan ko ang buhok ko ng kulay pink na magma-match sa kulay ng susuotin ko. Pinagupitan ko din ang full bangs kong humahaba na.

"Perfect." He said. "No wonder isa ka sa mga fashion icon ngayon."

"That's too much, Zach." Natawa ako.

"He's right babe. There's no words that can express how proud boyfriend I am." Sabi naman ni Van then kissed the side of my head.

"Guys.. Attention please! We will start in less than fifteen minutes now so please get ready. Don't forget where your positions are." Anunsyo ng organizer namin.

Agad naman kaming pumunta sa kanya kanya naming pwesto.

"Babe."

Agad akong nag-angat ng tingin sa katapat kong si Van nang tawagin niya ako. Cool na cool lang siyang nakatayo habang nasa bulsa ang kamay. "I can see your hands trembling. Relax, okay? Everything will be under control." He smiled and so did I. Alam na alam niya kasing kinakabahan ako sa mga malalaking event na involved ako--kagaya nalang nito.

A Lonely Broken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now