"Congrats, you're four weeks pregnant." Pagbibigay-alam ng doktor sa amin.
Napuno naman ng kasiyahan ang kwarto. Mike was sitting right next to Bea. I almost freaked out when Bea passed out earlier but I still managed to brought her to the nearest hospital. Tinawagan ko naman si Mike pagkatapos.
"And please do remember na bawal kang ma-stress. Naninibago pa ang katawan mo sa mga pagbabago na nangyayari sa'yo. May mga irereseta din akong vitamins for you." Sabi niya and handed a piece of paper to Mike. "Mauna na muna ako."
We thanked her before she left the room. Patakbo ko namang niyakap si Bea. "Congrats, cous! Magiging Tita na ako!"
"Lumayo ka nga. Ang baho mo." Sabi niya saka ako bahagyang itinulak.
"Grabe! Buti na lang understanding ako. Naiintindihan kong dala 'yan ng pagbubuntis mo." Sabi ko kaya natawa si Mike. Inirapan naman ako ni Bea.
Nagpaalam akong lalabas muna nang makita kong tumatawag si Van.
"Hello?"
"Nasa labas ako ng office niyo. Nasa'n ka?" He asked.
I told him where I was. Natawa pa ako nung magpanic siya nang malamang nasa hospital ako. He thought something bad had happened. Pero huminahon din nung sinabi kong buntis si Bea. She passed out that's why we rushed her here.
I turned my head when I heard a familiar voice. She was talking to someone over her phone and she didn't notice me. Hanggang dito ba naman?
Hindi ko alam pero sinundan ko siya. I followed her until she enter a room. The door wasn't totally closed. Curiosity is eating me up. Unti-unti ako pumasok--not making any sound.
I saw Mona's daughter lying on the hospital bed. May nakakabit na oxygen dito. Nakita ko kung paano siyang umupo sa gilid ng bata at hinalikan ang noo nito.
"Hanggang kailan ba magdurusa ang anak ko, Mommy?" Naiiyak na tanong niya.
"Sabi ko naman kasi sa'yo. You should tell Van para may makatulong ka. Alam mong hindi ako magtatagal ng Pilipinas, anak." I heard Tita May's voice.
"She's still young. If only I could take all the pain away. Kahit ako nalang sana.. Huwag lang 'yung anak ko.."
Kahit hindi ko aminin ay naaawa ako sa bata. She's still five months old but she's here. At may nakakabit na oxygen. I felt sorry.. Hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong kasalanan. Maybe because malapit ang loob ko sa mga bata.
My knees were shaking as I walked slowly towards them. Halata namang nagulat si Mona nang mag-angat siya ng tingin sa'kin.
"Anne.. What are you doing here?" She asked but I didn't spoke. My eyes were still fixed at the baby.
I heard Tita May sigh. "May butas sa puso ang apo ko."
My lips parted.
"Bata pa lang siya ay pinaalam na 'yon sa'min ng doktor. Labas pasok siya sa hospital dahil lagi siyang nahihirapang huminga." Paliwanag niya pa.
"Mommy.." Mona said helplessly. Pakiramdam ko ayaw niyang sinasabi ito sa'kin ni Tita.
"She needs to know." Nagmamatigas na sabi naman nito.
Ibininaling nalang niya ulit ang atensyon sa anak. She started stroking her hair.
"Pero bakit nandito kayo? Mas maraming magagaling na doktor sa ibang bansa na pwedeng gumamot sa kanya." I managed to ask.
"May kaibigan akong magaling na doktor. Dito siya nakaduty. Were also here for her father. Limitado lang ang pananatili ko dito, Anne.. I'm flying back to UK soon. That's why Van needs to know the condition of his child. She needs him. They need him. Hindi kaya ni Mona nang mag-isa 'to."
YOU ARE READING
A Lonely Broken Heart (COMPLETED)
General FictionNakakapagod umiyak. Nakakapagod masaktan. I feel like drowning but no one can save me.