"Pwede po bang hindi ako sumama?" Tanong ko kay Mama matapos niyang i-anunsyo na magkakaroon kami ng three day celebration sa isang water park dahil sa success ng event namin.
"Bakit? Around Pampanga lang naman. Hindi naman tayo masyadong lalayo." Sabi niya habang nasa laptop ang paningin. Matapos niyang isara ito ay tiningnan niya ako ng may pagtataka. "First time mo atang tumanggi sa mga ganito?"
"I have plans na po kasi." I bit my lower lip.
"Okay. If that's what you want. Pero kapag nagbago ang isip mo, pwede kang sumunod anytime."
I just smiled and slowly nodded my head.
"Nakapag-usap na po ba kayo ni Papa?" Maya maya ay tanong ko.
I heard her sighed. "Yeah. He explained everything. Hindi ko lang lubos maisip na hahantong lahat sa ganito. Matagal na silang walang komunikasyon nung babae pero pakiramdam ko niloloko niya parin ako." Sabi niya pero hindi ako sumagot. "Ang hirap pala talagang masanay sa isang bagay na akala mo walang katapusan. Masyadong malaki ang tiwala ko sa Papa mo kaya malaki din 'yung sugat na nabuo sa puso ko." Napatitig siya sa ballpen niya. Her voice were shaking. "I know he's sorry. Hindi ko na mabilang kung ilang sorry na ang natanggap ko mula sa kanya. Ang sakit lang kasi lahat akala ko perpekto. Akala ko kapag wala na silang komunikasyon, matatapos na lahat. Hindi ko naman naisip na maaring may magbunga. Mas masakit 'yun eh."
Napayuko ako. Hindi ko kasi masabing pareho kami ng pinagdadaanan. Na pareho kami ng nararamdaman. Ayoko kasing kaawan nila ako. At baka paghiwalayin nila kami ni Van para maalis sa gusot na 'to.
"But it's all in the past now." Sabi ko habang may inaalala. "Someone told me that at the end of a long day, ikaw parin ang magdedesisyon para sa sarili mo. Dalawa lang kasi 'yan eh. It's either you'll go or you'll stay. If you want to hold on or let go." Mapait akong ngumiti.
"Sa tingin ko wala akong ibang magagawa kung hindi tanggapin nalang."
Kumunot ang noo ko. "Bakit? Nanggugulo ba sila?"
She shook her head. "May sariling pamilya na 'yung babae. Kaya ko lang naman nalaman 'yung tungkol sa nakaraan ay dahil nakita namin sila ng hindi sinasadya. The girl recognized him and greeted us. Your Papa didn't had the chance to introduce me because she was talking and talking until the man beside her spoke and said he was their accidental baby."
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Walang na akong maramdamang galit, inis o sakit dahil sa narinig. Parang normal lang sa'kin ang nangyari. Ang dali lang para sa akin na tanggapin lahat. Siguro dahil mas masakit pa dito 'yung napagdaanan ko at matagal na din 'yung nangyari. Mabuti pa nga si Mama dahil hindi niya bestfriend ang nabuntis ni Papa. At hindi na siya ginugulo nito.
Matapos ang gabing 'yun ay hindi na muling nag-krus ang landas namin ni Mona. Hindi ko alam ang plano nila. At wala din akong balak na alamin. Gusto ko lang na hayaan na nila kaming maging masaya ni Van.
Nakita ko si Mama na nakatingin sa picture naming tatlo na nasa mesa niya.
"He just can't lose you." Mahina kong sabi. Sapat na para marinig niya.
"I know." She said then reached for my hand. "I love you and your Papa so much that I am willing to do everything just to keep you. Handa kong isuko at tanggapin lahat. Hwag lang kayong mawala."
"I love you, Mama." I said with watery eyes.
"I love you, sweety. Come, give Mama a hug."
Tatlong araw sila Mama sa Pampanga kaya tatlong araw na wala kaming pasok. Napatingin ako sa wall clock ko at nakitang alas-dyes na ng umaga. Mula ng magising ako kaninang umaga ay hindi pa ako bumabangon kaya hindi pa ako nakakakain. Kasabay ng pagtunog ng tiyan ko ay ang pagtunog ng alarm sa cellphone ko. I reached for it from my bedside table.
YOU ARE READING
A Lonely Broken Heart (COMPLETED)
General FictionNakakapagod umiyak. Nakakapagod masaktan. I feel like drowning but no one can save me.