Chapter 15

1.9K 43 3
                                    

I was busy the whole week. Hindi ko naman akalaing ganito kadami ang gagawin kong designs. Pero masaya ako. I am happy with what I am doing. Kahit pagod na pagod na ako pagkauwi, kahit nawawalan na ako ng free time para sa sarili ko, ayos lang. This is what I want. To do what I love.

Malapit nang matapos ang buwan nang matapos ko ang lahat ng designs. Sobra akong proud sa sarili ko after seeing my work.

"Para sa isang baguhan, masyadong magaganda ang mga ito." Puri sa akin ni Mika. Ang bakla naming kasama.

"Salamat." Sabi ko nang may malawak na ngiti.

"Maganda ang anak n'yo Madam, pero hindi siya maganda lang. May talent din!" Dagdag niya pa.

"Of course. Saan pa ba magmamana, diba?" Sagot naman ni Mama saka ako niyakap.

"Keep up the good work, okay?" Paalala niya sa'kin.

"Yes, Ma." I confidently replied.

Nagkaroon kami ng konting celebration pagkatapos. Nagustuhan kasi ng clients ang mga products namin. Nagpakain si Mama sa office. Masaya ang lahat dahil sa success. Our hard works and sleepless nights were paid of, but we can feel the pressure at the same dahil paniguradong they'll expect more sa susunod. Hindi naman pwedeng sa simula lang kami magaling. Dapat ay mahigitan pa namin ang previous works namin for us to stay on top and para hindi madisappoint ang tao sa'min.

We were busy chatting when Corrine, Mama's secretary approached me.

"Miss Anne, may naghahanap po sa inyo." Sabi niya.

"Sino daw?" I asked.

"Hindi po sinabi eh. Pero he's waiting downstairs."

Lumapit sa'kin si Mama. "You go. Baka importante 'yung sadya sa'yo."

I excused myself and went down.  Habang naglalalad ay pilit kong inaalala kung sino ang posibleng maghanap sa'kin.

Pagdating ko sa baba ay wala akong nakitang maaaring maghanap sa akin. I didn't even saw someone who was probably waiting for someone else. Hindi naman siguro ako niloloko ni Corrine.

Is this some kind of a prank? April fools ba ngayon?

After checking the whole place ay umakyat na ako pabalik. Napatingin si Mama sa'kin pagkatapos kong buksan ang pinto.

"Sino iyong naghahanap sa'yo?" She asked but I just shrugged.

"Ewan. I didn't saw someone there."

Mukhang narinig ni Corrine ang sagot ko kaya lumapit siya sa'min.

"Really Miss Anne? He even asked me to tell you that he wants to talk to you." She defended.

"It's okay. Baka umalis na." I just told her.

Dahil buong buwan kaming pressured and stressed, maaga kaming pinauwi ni Mama para na rin daw makapagrelax kami kahit papaano dahil paniguradong magiging busy kami sa susunod na linggo.

I bought a new condo. It was quite far from the office kaya minsan hassle papuntang work lalo na kapag traffic. But it's okay since I got used to it. Routine ko na 'to everyday, eh. Maybe for some my life is boring but not for me because this is what I want for now. To live a peaceful life. Di bale ng boring, at least hindi magulo.

No more complications.

No more heartbreaks.

Nung malapit na ako sa unit ko ay may napansin akong lalaking nakaupo sa harap ng pinto. Nakayuko ito kaya hindi ko siya makilala.

I stopped from my tracks.

Ayoko mang aminin, alam kong sa kaibuturan ng puso ko, kilala ko siya. Kilalang-kilala. Kahit saang anggulo.

A Lonely Broken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now