Chapter 34

1.4K 26 2
                                    

"Ano, kaya pa?" Natatawang tanong ni Zach matapos ilatag ang kape sa harap ko.

Napailing ako saka sumandal sa upuan. "Tingnan mo nga 'yung ulo ko."

"Bakit?"

"Baka kasi may crack. Feeling ko talaga mabibiyak na."

He laughed.

"See? Sabi ko naman kasi sa'yo diba?"

"Ugh! That was my first time and probably will be the last. Ang bigat bigat ng ulo ko."

"Inumin mo mamaya ang gamot na binigay ko." Sabi niya. "By the way, luluwas ako ng Manila bukas."

Hindi ako sumagot at patuloy lang sa pag-aalog ng ulo ko. God! Bakit ko ba naisip na makakatulong sa'kin ang alcohol? Bakit 'yung iba naman ginagawa lang na tubig ang alak? Ang weak ko talaga.

"Birthday ng anak ni Emi and she's inviting me."

Napahinto ako and gave him a look.

"And you're coming?" I asked and he nodded. "Seriously?" Hindi makapaniwalang dagdag ko.

"Wala namang problema do'n diba?"

I arched a brow. "Again, seriously? Ayos ka lang?"

"Why? I told you I don't have any problem with that."

"She's your ex. She's the woman you've been dreaming about. Siya 'yung kasama mong nagplano ng future niyo'ng hindi naman natupad. Hindi ka naman siguro obliged na pumunta. Ninong ka ba?"

"Kapag hindi ako pumunta, they'll think that I'm not yet over with her." He explained.

"Because that's the truth, Alfreds." I smirked and he just looked at me. "Alam naman nating pareho na may feelings ka pa rin para sa kanya. Hindi basta basta mawawala sa memorya mo ang mga pinagsamahan niyo. You've been in love with her for a long time and I don't think that'll be easily forgotten just because she's married and got a child."

Now, it's his time to smirk. "Looks like hindi mo lang sa'kin sinasabi 'yan. Parang sa sarili mo rin."

I rolled my eyes.

"You know what? Ba't hindi ka nalang sumama?" He offered.

I shook my head. "Ikaw na lang magpakamasokista no. Idadamay mo pa ako."

He laughed as I sipped my coffee.

"Wala ka bang ibang gagawin ngayon?" I asked.

"Wala."

"Aba, himala. Nagkaroon din ng bakanteng araw si Zach Alfreds." Natatawang sabi ko kaya natawa din siya.

"You wanna go somewhere?"

Umiling ako. "Mas gusto kong magpahinga ngayon. Ang sama na ng pakiramdam ko."

"Wala ka bang pasok ngayon?" I shook my head. "Umuwi ka nalang kaya? I'll drive you home."

"Mamaya nalang." Sabi ko saka pumikit.

Nang magtanghali ay nagpahatid na ako kay Zach dahil masama talaga ang pakiramdam ko. Ang bigat bigat ng ulo ko at pakiramdam ko ay mabibiyak na ito sa sobrang sakit.

Pagdating sa bahay ay dumeretso kaagad ako sa kwarto. Wala si Lola dahil may zumba session sila ngayon kasama ng mga kaibigan niya.

Nang mahiga ako ay hindi ko na naman naiwasang hindi maging malungkot. I just felt so alone. Mas lalo ko lang namimiss ang presensya niya. Isang taon na ang lumipas pero parang nung isang araw lang nangyari lahat. Niyakap ko ang unan at muling umiyak. For the past months, I never cried. Totoo iyon. Gusto ko kasing ipakita sa kanila na kaya ko. Na okay lang ako, kahit hindi naman talaga. I don't want them to pity me.

A Lonely Broken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now