Chapter 12

1.9K 46 0
                                    

"Are you ready?" Tanong ko sa katabi ko.

"Kinakabahan ako." She answered.

I held her hand and smiled.

"You don't have to. This is your day. Wala kang ibang iisipin kundi kayo lang ni Mike. Okay?"

She nodded with tears starting to fall.

"Hwag ka ngang umiyak! Masisira ang make-up mo nyan eh!" Saway ko sa kanya.

"Kapag ikaw kinasal, tingnan lang natin kung hindi ka rin maging ganito ka-emosyonal." Sabi niya habang pinupunasan ang sariling luha.

I just smiled at her and went out from the bridal car.

Nagsimula ng pumosisyon ang lahat. Isa ako sa mga brides maid and I smiled at my partner when it's already our turn to walk down the aisle. Ngayon ko lang siya nakita kaya hindi ko alam ang pangalan niya. Hindi ko pa din nakikita ang invitation kaya wala talaga akong ideya kung sino-sino ang mga bisita. Basta na lang din akong sinabihan nung organizer na siya daw ang partner ko.

When Bea was already making her way to the altar, hindi ko napigilang maiyak. I am really happy for her. Masaya akong nahanap na niya ang taong para sa kanya. I've always dreamt about getting married to the man I truly love. Masyadong makasaysayan para sa'kin na makakita ng pag-iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan.

Then the mass went through. Ramdam na ramdam ko ang saya ni Bea at Mike. The way they looked at each other, you'll really see in their eyes that their in love.

Hanggang sa matapos ang kasal ay mamasa-masa parin ang mata ko. They were busy taking pictures when someone hit my arm. Yung mahina lang. I looked at him with confusion all over my face.

"Kung makaiyak ka dyan parang ikaw yung kinasal ah?" Tukso niya.

"What are you doing here?" I asked him.

"Attending my brothers' wedding I think?"

My eyes went round. Seriously?

"Kapatid mo si Mike?" Hindi makapaniwala kong tanong.

He slowly nodded.

"And for your information, I'm the best man." He added.

"Like I care." Inirapan ko siya saka siya tumawa.

Bakit di ko napansin kaninang siya yung best man?

Masyado yata talagang maliit ang Earth para sa aming dalawa.

* * * *

Pagkatapos ng pictorial sa simbahan ay dumeretso na kaming lahat sa reception. Aaminin kong medyo naiinggit ako sa pinsan ko. She already found her partner for the rest of her life. She already found her match. Natawa ako. Bea is 25 and I'm 21. Ang bata ko pa para isipin ang mga ganung bagay. Pero nagawa ko naman na yung ultimate dream kong makapaglibot sa iba't-ibang bansa. Lahat ng gusto kong puntahan ay napuntahan ko na. Pati yung mga lugar na hindi pamilyar sakin, napuntahan ko na rin.

"Inggit ka no?" Bigla ay komento ni Zach.

Natawa ako. "Sa akin mo ba sinabi yun o sa sarili mo?"

Umarte siyang nasasaktan. Kung hindi ko lang to nakasama ng ilang buwan, malamang na-guilty na ako.

"Ba't ba ang prangka mo?" He asked.

"Mas mabuti na yun, kesa maging plastik." I told him.

"Sabagay."

Hindi na ako sumagot at itinuon ang atensyon sa bagong kasal.

Tumingin naman sa gawi ko si Bea. I smiled at her and she smiled back. Maya-maya pa ay may binulong siya kay Mike at tumango naman ito. Seconds after ay papunta na sila sa table namin. Tumayo ako.

"Congrats newly weds!" I said then I gave them a hug.

"Best wishes." Sabi ni Zach matapos tumayo saka nginitian si Bea at ang kapatid niya.

"Thank you." Sagot ni Bea saka ngumiti.

"Thanks bro." Sagot naman ni Mike saka bumaling sa'kin. "Syanga pala, Anne this is Zach, my brother, Zach si Anne. Pinsan ni Bea."

"Magkakilala na kami." Sagot ni Zach.

Binigyan naman ako ni Bea ng nang-iintrigang tingin.

"We met when I was in New York." I told her.

Nanatili lang ang tingin niya sa'kin. Paniguradong marami na naman tong tanong mamaya.

"Really?" Mike asked.

"Yeah. We stayed at the same hotel nung nasa New York pa kami." Si Zach.

"Ang liit naman pala talaga ng mundo no?" Bea said. I can sense that she's being sarcastic.

"Para sa amin? Oo." Zach laughed.

"Akala ko ba walang interesting stranger?" Bulong ni Bea.

Hindi ko nalang siya pinansin saka kumain nalang. Bahala nga siya dyan. Masyadong malisyosa.

"Wala bang chocolate cake?" I asked her.

"Oh please you know how much I hate chocolates." Maarteng sabi niya.

"Bawasan mo nga pagkain ng chocolates. Kaya ka tumataba eh." Komento ni Zach.

"Pakialam mo ba? Manahimik ka na lang dyan." I said then rolled my eyes.

"Hindi ka pa ba nauumay? Ang laki na kaya ng utang mo sa'kin dahil sa katakawan mo."

"Excuse me?! Sabi mo libre mo yun. Aba? Pasalamat ka nga sinamahan kita nung mga oras na nag-eemote ka."

"I already said thanks!"

"Oo nga pero bakit mo sinasabing ang laki ng utang ko sayo? Sinabihan mo pa akong mataba!"

"Totoo naman."

"Porke't gwapo ka, ha?"

"Oh, don't mention it."

"Ang kapal mo ah!"

"Oh? Ikaw na nga nagsabi diba?"

"Aba't sumasagot pa!"

"Teka nga!" Sabat ni Bea. "Kung mag-asaran kayo parang ang dami na ng pinagdaanan nyong magkasama ah!"

Hindi na ako sumagot at kumain na lang. Ganun din si Zach. Nakita kong palihim na tumatawa si Mike.

Natapos ang araw na puro asaran lang kami ni Zach. Okay naman kami nung naghiwalay kami sa airport. May saltik ata talaga yung mokong na yun.

Nung makarating na ako sa bahay ay agad akong nagpalit. Wala na akong condo dahil pinabenta ko nung umalis ako. Dahil sa pagod ay agad akong inantok. Kakapikit ko pa lang nung mag-ring ang cellphone ko. I tried to ignore the call but it keeps on ringing.

"Buti naman at sinagot mo na!" Sabi niya.

"Bakit ba kasi?!" Naiirita kong sagot.

"Anong meron sa inyo nung kapatid ni Mike?"

"Seriously, Bee? First night nyo ni Mike ngayon bilang mag-asawa tapos ako yung kukulitin mo?"

"Sagutin mo nalang kasi!"

"Wala!" Sagot ko upang matapos ang usapan.

"Akala ko ba walang interesting stranger?" Pangungulit niya.

"Wala nga!"

"Eh ano pala si Zach? Pinaglololoko mo ba ako?"

"Hindi naman kasi ako interesado sa kanya." I told her.

Napabuntong hininga siya.

"Siya pa rin ba?" Kahit hindi niya sabihin, alam kong iisang tao lang ang tinutukoy niya.

Hindi ako agad nakasagot.

"Anne.." Pagtawag niya sa akin.

"No." Sagot ko sa tanong niya.

Nasaktan niya ako, oo. Pero mananatili siya sa puso ko. Kahit hindi na kami, he'll always have a special place in my heart. Hindi ko makakalimutang minsan sa buhay ko ay may dumating na tulad niya at pinasaya ako.

At pinaramdam sa akin kung paano magmahal at mahalin.

A Lonely Broken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now