Chapter 31

1.4K 24 1
                                    

I watched him as he sleep beside me. Tumingala ako sa kisame habang nakayakap siya sa'kin. Wala akong maramdamang kahit anong pagsisisi sa pagpapaubaya ko. We just made love and I never regretted giving my all to him. Wala akong ibang pagbibigyan na sarili ko kung hindi siya lang. I can't imagine myself being with someone else.. pero nakapagdesisyon na ako. I came up to a decision na alam kong magpapahirap sa amin pareho.

I hugged him as tears started to fall. Pinipigilan ko ang hikbi para hindi siya magising. Ilang minuto ko pang dinama ang presensya niya sa tabi ko bago ko dahan dahang tinanggal ang braso niya sa ibabaw ng tiyan ko. My body was still soring from last night pero pinilit ko ang sarili kong tumayo. Paika-ika ako habang naglalakad at kinuha ko ang damit kong naiwan sa veranda ng kwarto. I dressed up and got the letter I have for him from my bag. Ipinatong ko ito sa bedside table at pinataob ko dito ang picture naming dalawa.

Umupo ako sa gilid niya. He was sleeping soundly. Natakip ko ang kamay sa bibig ko nang mapahikbi ako. I know I don't want to do this but I have to. Alam kong maaari niya akong kamuhian dahil sa gagawin ko. We're happy now. Tinanggap ko siya kahit na ilang beses na niya akong niloko. Tinanggap ko siya kahit puro sakit nalang ang naramdaman ko sa piling niya. Tinanggap ko siya kahit nagkaroon sila ng ugnayan ng bestfriend ko.

I love him and all I want is to spend the rest of my life with him. Pero may pananagutan na siya sa iba. Responsibilidad niya ang anak nila. I want to keep him by myself but that's not right. Pahihirapan ko lang ang sarili ko. I'm not giving him up. I'm just letting him go because the more that we hold on, the more our wounds will go deeper and it will not heal.

I can go through it. I can endure all the pain. I'm just scared. Natatakot akong pareho kaming maubos. Natatakot ako na baka dumating ang isang araw na makalimutan ko kung paano ang sumaya dahil puro sakit na lang ang nararamdaman ko.

Mahal ko siya. At mas minamahal ko pa siya sa bawat araw na dumadaan. Natatakot ako na baka sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, makalimutan ko na 'yung sarili ko.

I love him that sometimes it hurts. I love him but I have to let him go.

I whispered 'I love you' while silently crying in his ears before leaving his house. Nagmadali akong lumabas ng bahay nila dahil baka magbago pa ang isip ko kapag tumagal pa ako ng ilang sandali.

I saw Zach's car parked outside the house. I immediately went in and there, I cried my heart out.

Wala akong ibang maisip na pwedeng tawagan. Hindi pwede si Bea dahil paniguradong magsusumbong 'yon kina Mama. Hindi naman pwedeng si Mike dahil baka kung anong isipin ni Bea. Buntis pa naman 'yun. Hindi din pwedeng si Kuya Nilo na family driver namin dahil baka malaman pa 'to nila Mama. And besides, Zach's the only male friend I have.

He handed me a box of tissue and started driving. He never said anything throughout the ride. He didn't comforted me, either. He just let me cry inside his car.

Pumunta kami sa condo ko at tinulungan niya akong kunin ang nga gamit ko. Pagkatapos ay dumeretso kami sa bahay. He stayed inside his car while I went into my parents' room. I kissed their cheeks and put the letter beside the lampshade.

Dahan dahan akong bumaba at sumakay ulit sa kotse niya and went on our way.

"Sigurado ka ba talaga dito?" Tanong niya nang mapansing kanina pa ako nakatitig sa litrato namin ni Van na kuha mula sa date namin kahapon.

I hate myself for leaving. Pero buo na ang desisyon ko. There's no turning back.

"Nasa airport na tayo. Ngayon mo pa itatanong 'yan?" I weakly replied as I turned my phone off.

Tinabihan niya ako. "Hindi pa naman tayo nakakasakay ng eroplano."

Tiningnan ko siya. "Naghahanap ka ba talaga ng business partner?" I tried to laugh to lessen the pain inside my chest. But it's not effective. Napayuko nalang ako.

A Lonely Broken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now