ALBH Epilogue

2.7K 43 14
                                    

"Miss, sorry pero nauna ako." Sabi ko sa babaeng may hawak din ng libro na hawak ko.

Nasa isang sikat na bookstore ako at naghahanap ng librong pwedeng mabasa. May isang libro akong noon pa hinahanap and everytime na bibili ako, lagi na lang akong nauubusan. And now, may nakita ako pero isang piraso nalang. Unfortunately, may kahati pa.

"But I saw it first." Sagot naman nung babae.

"Ako ang unang kumuha kaya sa akin na lang 'to." Magalang kong sabi.

She looked kind naman. Wala naman akong nasesense na maldita aura sa kanya.

She smiled. "Do you really want it? Favorite ko kasi ang author eh."

I nodded. "Matagal ko ng hinahanap ang librong 'to. Lagi nga akong nauubusan sa tuwing bibili ako. Best seller kasi."

"Paano ba 'to?" She asked confused pero hindi pa rin binibitiwan ang libro.

"Love?"

I heard a familiar voice behind me kaya napalingon ako--nang hindi binibitiwan ang libro syempre.

"Zach?"

"Anne?"

"You know her, love?" Tanong nung babae'ng kaagaw ko sa libro.

Love?

Agad na lumapit si Zach sa'min at tumabi sa babae.

"Oo. Siya 'yung sinasabi ko sa'yong kasama ko nun sa Davao at kasosyo ko sa isang business ko." He explained.

She looked at me and smiled.

"Ikaw pala 'yun!" Natawa siya. "I am sorry ah? I didn't know naman. Here," binitiwan na niya ang libro kaya kumunot ang noo ko.

"I thought you liked it, too?"

"Yeah, but since your my boyfriend's friend naman, I'll just give it to you nalang."

Boyfriend?

Zach cleared his throat. "Anne, this is Jerra, my girlfriend. Love, si Anne. Kilala mo na naman siya diba?" Pagpapakilala ni Zach.

Jerra nodded. "It's so nice to finally meet you, Anne."

"Nice to meet you, too." I smiled. "Hindi mo naman nasabing may girlfriend ka na." I turned to Zach.

"You're too busy. We both know that. It's been what? Three years?"

"Yeah. Quite long, huh?" I laughed a little.

"So, nasa church ka pa rin?" He asked.

"Yeah."

"You're a nun?" Tanong ni Jerra.

Zach and I smiled.

"Are you guys busy, or in a hurry?" I asked instead.

"Hindi naman. It's our free day from work kaya pasyal pasyal muna. To unwind na rin. Why?"

"Let's have lunch together, my treat." Anyaya ko at agad naman nilang pinaunlakan ang imbitasyon ko.

Binayaran ko muna ang libro at agad na dumeretso sa restaurant.

"So, how long are you guys been together?" Tanong ko habang hinihintay ang order namin.

"Isang taon na din." Sagot ni Zach saka tiningnan ang girlfriend niya.

"Pero six months niya akong niligawan kaya all in all, we're one year and six months na." She laughed.

"Good for you." I smiled sincerely.

A Lonely Broken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now