Dati sa tuwing maglalakad kami, lagi niyang hinahawakan ang kamay ko. Kahit maraming nakatingin, hindi siya nahihiya. Lagi siyang may baong joke. Kahit corny or waley, natatawa pa rin ako.
Kaya lagi siyang ginaganahang magpatawa.
Kahit nung nililigawan niya pa ako. He was very persistent na mapasagot ako. Wala siyang pakialam kung magmukha siyang tanga, mapatawa lang ako.
He never just let me feel that I was loved but he let me feel that he loves me.
Kaya ngayon, sobra akong nasasaktan. Dahil hindi ko inakalang magagawa nila sa'kin to.
Nung nasa baba na kami ng building, agad kong hinanap ang kotse niya.
"Buksan mo." Utos ko nung nasa tapat na kami.
"Dito talaga?" Tanong niya.
"Pwede namang hindi." Cold kong sagot.
Napabuntong hininga nalang siya at pinagbuksan ako ng pinto.
Ngunit hindi pa man ako nakakapasok ay may nakita ako sa sahig na nakadagdag sa paninikip ng dibdib ko.
Isang bra. At hindi akin yun. Hindi naman ako ganun katanga para isiping kay Van yun.
Iisang tao lang ang agad na pumasok sa isip ko na pwedeng may-ari ng bra na yun.
Nagbabadya na namang tumulo ang luha ko.
"Ah, shit! Tangina talaga!" Mura niya at kinuha ang bra saka sinilid sa plastik.
Naaalala ko, ako mismo ang naglagay ng mga plastic cellophane sa kotse niya para doon niya ilalagay ang mga bottled water na nakakalat sa sasakyan niya sa tuwing susunduin niya ako.
Napayuko ako. Grabeng torture sa damdamin naman to.
Pagkatapos niyang magligpit ay pumasok na ako. Hinintay ko din siyang makapasok muna bago magsalita.
"Let's talk here." Sabi ko.
"Pwede naman sanang doon nalang sa unit mo." Sagot niya.
Oo nga sana doon nalang. Para hindi na nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko dahil sa nakita ko kanina.
"Nandun si Bea."
"She can stay inside the room." Giit niya.
"Hwag mo nga akong diktahan!" Sigaw ko. "I'm just giving you 5 minutes."
"Ang ikli naman!" Reklamo niya.
God knows how much I missed him. Yung ganitong ugali niya. Yung makulit na reklamador.
Hindi na ako sumagot dahil sigurado akong iiyak na naman ako.
"I'm sorry.." Pinimula niya. "Alam kong kasalanan ko naman talaga pero I want you to listen to me. To my explanation. Alam mong mahal kita diba?" Tanong niya.
Pero hindi ako sumagot. Deretso lang ang tingin ko sa labas. Hindi ko na din kasi alam kung mahal niya ba talaga ako.
"Babe.." Malambing na aniya.
Doon na tumulo ang luha ko.
"Sabi ko naman sayo di'ba na kahit anong mangyari, ikaw pa'rin yung mahal ko." Pagpapatuloy niya. "I know you were hurt and still in pain. Pero hwag naman ganito please. Kasi hindi ko kaya. Sorry kung naging mahina ako. Lalaki lang din naman ako eh. Sorry kung nasaktan kita. Nasasaktan din naman ako eh." Umiiyak na sabi niya.
Hindi parin ako sumasagot. Nanatili lang akong tahimik habang nakatingin siya sa'kin. Ayoko siyang tingnan. Habang umiiyak. Baka kung anong kagagahan na naman ang magawa ko.
Naghintay pa akong ng ilang sandali bago akmang bubuksan ang pinto.
"Sa'n ka pupunta?" He asked.
"Tapos na ang 5 minutes." Sagot ko.
"Wala ka man lang sasabihin?" Kunot noong tanong niya.
"You said you just want me to listen to you. Wala kang sinabing dapat may sabihin din ako." Pamimilosopo ko.
"Babe naman!" Giit niya.
"Stop calling me that!" Sigaw ko. I feel like exploding any minute now.
Siguro makakatulong sa'kin 'to.
"Tayo pa naman di'ba? Hindi naman tayo nag break, di'ba?" Tanong niya na ikinatawa ko.
"Gano'n ba talaga katanga ang tingin mo sa'kin, ha? Na after what I saw talagang tayo pa rin? Gago ka ba?!"
"Talagang ipagpapalit mo yung tatlong taon natin sa isang araw na pagkakamali?" Tanong niya. Hindi makapaniwala.
Pero mas hindi ako makapaniwala. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa kanya. Parang wala siyang ideya kung gaano akong nasasaktan ngayon.
Sinampal ko siya. Masakit sa'kin na saktan siya. Pero mas masakit yung ginawa niyang panggagago sa'kin.
"At sa'yo pa talaga nanggaling 'yan ha! Wow lang Van! Ako talaga yung tumalikod sa three years natin?! Bakit?! Ako ba ang nanloko?! Ako ba yung nahuli kahapong nakapatong sa ibabaw ni Mona?! Ni Mona na bestfriend ko ha?!" Sigaw ko. Walang akong pakialam kung mapuno ng sigawan tong kotse niya at mabingi kami.
"Anne.." He uttered
"Can you please stop calling me?" Irita kong tanong. "Feeling ko sobrang pangit ng pangalan ko pag sa bibig mo nanggaling!" Dagdag ko pa.
"Sabi mo your name sounds special pag sa'kin nanggaling." Disappointed na sagot niya.
"Wala ka ba talagang ideya kung gaano kasakit yung dinulot ng nakita ko kahapon, ha?" I asked. "Paano kung gawin din namin ni Mark yun?!"
"I know you can't do that." He said.
"Why?" Tanong ko.
"Because he's my fucking bestfriend!" Sigaw niya.
"Yun nga yun eh! Pero kay Mona nagawa mo! Akala ko nga hindi mo magagawa yun eh! Kasi bestfriend ko yun! Wala ka na bang ibang babaeng makita?! Siguro matatanggap ko pa kung bigla ka nalang manghihila ng babae dyan sa kanto eh o kahit prostitute pa eh. Bakit naman si Mona pa?!" Sigaw ko din.
"You think I'm that desperate to have sex with someone?" Tanong niya
"Oo! Kaya nung wala kang napala sa'kin, sa iba mo ginawa. Ano, masarap ba? Does she satisties you?!" Tanong ko.
"Hindi naman ganun yun." He replied. Parang hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Kung paano e-explain ang sarili niya
"Ganun yun, Van!" Giit ko. "Hwag ka nang umarte na nahihirapan at nasasaktan dahil wala kang karapatan. Tapos na tayo. Magsaya ka na dahil malaya ka ng makipaglandian sa babae mo." I said and opened the door with tears running down my face.
Mabuti nalang at wala masyadong tao sa hallway.
Pagkasarado ko ng pinto ng unit ko ay agad akong napaluhod. Hawak yung dibdib ko. They were my least expected person na sasaktan ako ng ganito.
Siguro nga masyado akong naging bulag. Masyado akong naging tanga.
Narinig kong tinatawag ako ni Bea but I didn't response. Nanatili akong umiiyak and then everything went black.
YOU ARE READING
A Lonely Broken Heart (COMPLETED)
General FictionNakakapagod umiyak. Nakakapagod masaktan. I feel like drowning but no one can save me.