I spent my first day here in New York sleeping. Pakiramdam ko ito yung unang beses na nakatulog ako ng ganun kahimbing. Walang istorbo, walang gumagambala, walang dapat isipin at alalahanin.
Limang araw na ako dito and I was enjoying this vacation so far. Kinagabihan ay bumaba ako mula sa kwarto ko dito sa hotel na tinutuluyan ko. I went to the restaurant dahil nagutom ako. I haven't ate anything since breakfast dahil busy ako sa paglilibot. At dahil sa gutom, naparami ang kain ko.
Pagkatapos kumain ay napagpasiyahan kong maglakad lakad muna. Masyadong gising ang diwa ko at ayoko namang magmukmok lang sa kwarto.
Napapikit ako habang dinadama ang pag-ihip ng malamig na hangin. Ibang-iba sa Pilipinas.
I went to the bay and seated on a rock. Masyado akong naaaliw sa mga nakikita ko. Ngayon ko lang na-appreciate ang city lights. Masaya sana kung may kasama ako.
I sighed.
I have to be independent.
Nagsimula na naman akong maglakad. Tumingala ako at nakitang masyadong payapa ang langit.
Moonless night.
Sana maging ganyan din kapayapa ang isip ko.
Dahil sumasakit na ang paa ko, I decided to go back to the hotel. Nung malapit na ako, my phone rang.
"How's your first day there my dearest pinsan?" Bungad ni Bea sa Facetime.
"Well, nag-enjoy naman ako kahit papaano." I said.
"Kahit papaano? What's with that answer? And what's with that face?" Maarte niyang tanong.
"For you to know, natulog ako buong araw-"
Then she cut me off.
"Wow ang sosyal. Pumuntang New York para lang matulog. Taray, ang galing!"
I rolled my eyes.
"Anyway, ngayon lang ako nakalabas. Naglakad lakad ako. Medyo malayo ang narating ko kaya medyo napagod din ako." I continued.
"So, have you already found an interesting stranger?" Pilya niyang tanong.
"Sa panaginip? Hindi eh." Pamimilosopo ko. "Hindi naman interesting strangers ang pinunta ko dito." I added.
That made her roll her eyes.
"Pero Bee, natatakot ako." I honestly said.
"Bakit na naman?"
"May lalaking kanina pa sumusunod sa akin."
I thought I'm just being OA, pero hindi. Kanina pa talaga 'to nakasunod sa'kin eh. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano pero hindi ko talaga maiwasang matakot.
"Hey, humanap ka ng lugar na maraming tao. Hwag mo ring ibababa tong tawag. Kung may gagawing masama sa'yo, just ask for help okay?" She ordered.
Tumango ako.
I continued walking until I reached the hotel pero nakasunod parin yung lalaki. Nanginginig na ang kamay at tuhod ko. Bea is still on the other line pero hindi parin nababawasan ang takot ko. She's right masyado kaming malayo, hindi niya kayang magkotse papunta dito.
I was on my way to the elevator nung mapansin kong sa parehong elevator kami sasakay. He's wearing a cap kaya hindi ko makita nang maayos ang itsura niya.
Good thing marami kaming nakasabay kaya medyo nabawasan ang takot ko. But upon opening, parehong nangatog ang tuhod ko at pinagpapawisan na ang kamay ko dahil nakasunod pa rin yung lalaki sa akin.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I used all my force to push him on the wall. Buti nalang tinuruan ako ni Van dati ng konting martial arts. For self-defense daw. Sapat na para mabali ang buto ng lalaking 'to.
Dahil sa gulat, hindi na niya nagawang manlaban. Masyado ding mahigpit ang hawak ko sa kamay niya at nakatapak ako sa paa niya.
"Are you following me?" I asked as I pushed him even harder on the wall.
"Hey! Let go of me! I'm hurting!" Reklamo niya habang napapikit dahil sa sakit.
"Why are you following me?!" I asked again.
"What?! I'm not following you! Are you insane?!" Sigaw niya.
"Then what are you doing here? Same hotel, same floor with me?!"
Hinila nya ang kamay ko at tinulak. I almost lost my balance.
"Fuck! I stay here! I'm occupying room 409!" He exclaimed as he tried to even his breathing.
My eyes widened. Oh my God!
"Are you sure?" Paninigurado ko.
"Of course! Why would I follow you anyway? Don't be such a conceited. You're not that pretty. You're not even my type." He said that made me feel insult.
"You know what? I was about to say sorry. Good thing I didn't. You don't deserve any apology from me." Sabi ko saka tinapakan ang paa niya ng malakas saka mabilis na pumasok sa kwarto ko.
That guy! Bwesit. Hindi ko alam kung mahihiya ako sa kanya dahil napagkamalan ko siyang masamang tao. Well, in some other way, masama nga siyang tao. Hindi ko rin naman siya type. Grabe!
Agad akong pumasok sa banyo at naglinis ng sarili. I opened my facebook and checked kung ano na ba ang latest trending. Ilang buwan ding naka deactivate tong account ko dahil ayokong i-stalk ang profile ni Van everytime na mag surf ako. Napag-iiwanan na ako.
I was busy scrolling my feed when I saw Mona's post.
Ramona dela Vega
I missed the way we used to be.
Ayokong mag-assume na para sa'kin ang post niyang yun. Baka kasi para kay Van yun. The way they used to be? Ha!
Nag scroll ulit ako and another post caught my attention.
Van Antonio was tagged in a photo.
Michael Antonio
I don't know the story behind this so who am I to judge? I don't wanna judge you, anyway. Gising na bro. May misyon pa tayo diba? :(
Then there was a photo attached. A photo of Van. Lying on a hospital bed. Nakabenda ang ulo at leeg niya. The photo was posted three days ago.
Bigla akong nanlamig. Natakpan ko ang bibig ko ng sariling mga kamay. My hands were trembling. Nangingilid na ang luha ko. Anong nangyari? Bakit ganito? Bakit siya nakaratay dyan? Ilang araw na siyang ganyan? Bakit walang nagsabi sa'kin?
The first thing I did after I got back to my senses was to call Bea. She answered after a ring.
"Salamat naman at tumawag ka! Bigla kasing naputol kanina and I wasn't able to contact you na! God, I was so worried! Ano, okay ka na? Sinaktan ka ba? Ano?!"
Instead of answering her, I cried. Looking at the photo at the screen of my laptop.
"Are you crying? Teka ano bang nangyari? Sinaktan ka ba niya ha? Gusto mo sumunod ako dyan, ha?!" She asked. I know she's panicking.
"Si Van.." Was all I could say. Iyak pa rin ako ng iyak.
The other line became silent. Ilang segundo pa bago siya nagsalita.
"How did you know?" She asked.
"Ano nangyari sa kanya?"
"Anne, si Van.. Naaksidente siya nung araw ng alis mo."
YOU ARE READING
A Lonely Broken Heart (COMPLETED)
Fiksi UmumNakakapagod umiyak. Nakakapagod masaktan. I feel like drowning but no one can save me.