My next destination was Paris. Ewan ko ba. I wanna spoil myself. Kahit sa ganitong paraan lang. Dati pangarap ko na talagang libutin ang mundo. Gumawa pa nga ako ng itenerary eh. This vacation feels so right. Unti-unting gumagaan yung pakiramdam ko.
After reading Mona's letter, I've realized I've been very dependent to them. Masyado akong nasanay na palagi silang nandyan kaya nung nawala sila, lugmok na lugmok ako. Kaya ngayon, I want to give time for myself. Hahayaan kong mag-enjoy ang sarili ko nang hindi nakadepende sa kanila. Natututo na ako.
Matapos maglibot buong maghapon, bumalik na ako sa hotel. Sa makalawa pa ang alis ko papuntang Paris kaya susulitin ko na ang mga araw ko dito sa Hong Kong. I was on my way to my room when I saw a familiar face. Wala na bang ibang hotel sa lugar na to? Minsan gusto ko na talagang isipin na stalker ko 'to eh.
Nakaupo siya sa labas ng isang siradong kwarto. Nakayuko siya kaya di niya ako napansing papalapit.
"Hey." I greeted and he looked up at me.
"Stop stalking me." He said.
Pero hindi ako nainis sa kanya. Ang lungkot kasi ng mata niya. Nag-eemote.
"I just wanna thank you do'n sa shirt." I said smiling.
"May bayad yun." Tapos yumuko ulit siya.
"Okay." I replied tapos babalik na sana ako sa kwarto ko nung bigla niya akong tawagin.
"Hey, Anne." Tawag niya na nagpakunot ng noo ko.
"How did you know my name?" I asked paglingon ko.
"Sa pendant ng kwintas mo. Madalas ka bang mawala at kailangan mo pa ng name tag?"
Tumaas ang kilay ko.
"Kung hindi ko lang pansing may pinagdadaanan ka, malamang tinadyakan na kita." I told him.
Natahimik siya. Still looking at me with a sad face. Parang kagagaling lang niya sa iyak.
"Gusto mo magkape? He asked.
Hindi ako mahilig sa kape pero tumango ako.
"You're funny." I stated matapos maihatid ng crew ang order namin.
"Why?" Bored niyang tanong.
"Sa mga napapanood ko kasi, sa bar madalas pumupunta ang mga problemado. Tapos ikaw, sa coffee shop." I laughed.
"Wala tayo sa palabas. Be realistic." He replied as he sipped his coffee. "Saka nilalamig ako, kape ang kailangan ko, hindi alak." He added.
"Bakit? Nangyayari naman talaga sa totoong buhay yung mga nasa palabas ah!" Depensa ko.
"You're nonsense." He said in disbelief.
I rolled my eyes.
"Bakit mo ba ako inaya dito?" I asked after a moment of silence.
"Bakit nung tinanong kita, pumayag ka agad? Hindi ka ba nag-alala na baka masama akong tao at may gawin akong masama sayo?" He asked at napaisip ako.
"Sa totoo lang mukha kang constipated kanina! You could have seen your face!" I laughed then he became serious. Hindi ata ito ang tamang oras para magbiro. "Saka, ikaw na din nagsabi diba na hindi mo ko type." Sabi ko sabay subo ng chocolate cake.
"Ang hilig mo sa chocolate." He commented.
"Favorite ko kasi. Hindi ba obvious?"
He sighed. Deep inside I'm arguing whether to ask him this question I have for him or not. Pero nakakahawa kasi yung lungkot sa mata niya.
"You looked sad. Are you okay?" I asked pero hindi siya sumagot. Yumuko siya habang nasa mesa ang kamay.
"Sabi ko nga hindi ka okay. Wanna spill the beans?" Tanong ko para naman malaman niyang willing akong makinig.
"Chismosa." Sabi niya ng nakangisi.
Aba?!
"Hey! I'm just being friendly and approachable here!" Sabi ko habang nakataas ang dalawang kamay. May sayad ata talaga tong taong to eh! Siya nga tong bigla biglang nag-aya mag-kape tapos concern citizen ka lang kaya ka sumama tapos pag tinanong mong okay lang ba siya, pagbibintangan ka pang chismosa! Grabe lang!
"Pangit ba ako?" He asked. Gusto kong matawa sa itsura at sa tanong niya kaya lang mukhang seryosong usapan na to.
Tinitigan ko siya.
"Feelingero, oo. Pero di ka pangit." I honestly answered.
"Bakit ba pati mga bagay na di na dapat sinasabi ay sinasabi mo pa rin? Can't you just keep it to yourself?" He asked irritated.
"Ang suplado mo din." Amin ako habang masama ang tingin sa kanya. "Para lang malaman mo na feelingero ka. Baka kasi di ka aware. Tsk! Conceited jerk!"
"Stalker ka naman." He said.
"Hindi sabi ako stalker. Ikaw nga tong nakabunggo sa'kin eh!"
"My girlfriend broke up with me." Bigla ay sabi niya.
"Hwag ka ngang umarte na parang ikaw lang yung naka-experience na hiwalayan." Nakataas labi kong sabi.
"She rejected my marriage proposal."
Napanganga ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. I don't know how to react. Kagagaling ko lang din sa ganyang state. I've been in pain too, but in different situation.
"We've been together for six years. She's my first love. I did everything for her to be happy. I knew she loves me. Hindi naman kami aabot ng anim na taon kung hindi di'ba?"
"Ilang taon ka na ba?" I managed to asked. Feeling ko magka-edad lang sila ni Van. Mas matagal sila ng tatlong taon sa'min ni Van. Fourth year high school naging kami. So, ibig sabihin freshman years palang sila na?
"Does it matter?" He replied. "Sa kanya lang ako naging ganito kasigurado. Ang lakas ng kumpiyansa ko sa sarili kong papayag siya. Na tatanggapin niya yung proposal."
His eyes went wet. But still, he continued. Wala ba siyang friends na pwedeng pagsabihan ng mga ganito kasakit na bagay? Kawawa naman pala talaga to.
"Ayos naman kami eh. We've been into fights but hindi kami natutulog sa gabi nang hindi nagkakaayos. We're both happy back then. Kaya hindi ko matanggap na nireject niya ako. First time niya tong ginawa. She even left me there without explaining her side. Handa naman akong hintayin siya kung hindi pa siya handa. I'm more than willing to wait. Ang sakit maiwan sa ere."
I really don't know the right words to say. Ayokong sabihin na everything's gonna be fine. Wala naman kasing kasiguraduhan. Hindi ko naman siya ganun kakilala saka yung ex niya.
Kung nagpropose din noon sa'kin si Van, I would surely say yes. Ganun ako kasigurado sa kanya.
"Does she occupy that room?" Tukoy ko sa kwarto sa hotel kung saan ko siya naabutan kanina.
He slowly nodded. "I thought she's in New York but then a common friend said she's here in Hong Kong. I tried to beg. Nagmakaawa akong balikan niya ako. Ayos lang kahit hindi niya muna tanggapin ang alok ko. Kahit habang buhay maghihintay ako. Gusto ko lang ng assurance na may hihintayin ako."
Napabuntong hininga ako. I don't want to judge them both. I never knew their story.
"Kahit ganun yung nangyari, I don't want to be mad at her. I just can't. Sa kabila ng sakit, mas nangingibabaw sa'kin yung pagmamahal ko para sa kanya kaysa sa galit." He said. Umiiyak na talaga siya.
One of the moments I can treasure is seeing a man cry for his girl.
"Pero mukhang wala na talaga eh. I just made my heart break twice."
YOU ARE READING
A Lonely Broken Heart (COMPLETED)
General FictionNakakapagod umiyak. Nakakapagod masaktan. I feel like drowning but no one can save me.