Chapter 28

1.3K 29 2
                                    

Ipinatong ko sa mesa ang cellphone. Nag-set ako ng timer dahil sinabi kong limang minuto lang ang ibibigay ko sa kanya. Pagkatapos no'n ay pwede na siyang umalis at hwag ng magpakita pa sa amin. Gano'n ko siyang kinamumuhian.

"Hwag mong kakalimutang limitado lang ang oras mo kaya sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin." Seryosong sabi ko nang hindi siya tinitingnan.

Hindi na ako nagulat nang bigla siyang lumuhod sa harap ko. "Alam ko kahit ilang sorry na ang hingin ko sa'yo, hindi nun mabubura lahat ng kasalanan ko sa'yo." Nagsimula na siyang maging emosyonal. Nanatili namang deretso ang tingin ko. "Hindi ko hihilinging mapatawad mo 'ko. Maniwala ka, hindi ko ginusto na saktan ka. Alam mo kung gaano kita kamahal dahil kapatid na ang turing ko sa'yo. Sorry kung sa tingin mo ay inagaw ko si Van sa'yo. Tao lang din naman ako, kami! Nagkakamali rin, nadadapa, natutukso." Bahagyang kumot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Hindi ko rin sinasadyang may mabuo. Naging maingat naman kami." Galit akong bumaling sa kanya. Ang lakas ng loob niyang sabihin sa akin lahat ng ito.

"Nagsisisi ako sa lahat ng mga nagawa ko pero hindi ako nagsisisi na may isang Isla na dumating sa buhay ko."

Tumunog ang cellphone ko kaya tumayo ako. "Tapos na ang limang minuto mo. Pwede ka ng umalis." Sabi ko at naglakad papunta sa kwarto.

"Kailangan ng anak ko ang tatay niya, Anne.." Hindi na niya napigilan ang pagbuhos ng emosyon. Napahinto naman ako sa paglalakad. "Hindi namin 'to kaya ng kami lang.. Kailangan namin si Van.."

Naramdaman kong nag-unahan na sa pagtulo ang mga luha ko. Galit ko siyang hinarap. "Bakit mo ba 'to ginagawa sa'kin ha?" Lumapit ako sa kanya habang umiiyak. Naninikip na din ang dibdib ko dahil sa pagpipigil ng emosyon. Dinuro ko siya. "Ang kapal ng mukha mo, Mona! Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sa'yo, ito ang igaganti mo sa'kin? Ha? Lahat naman ng gusto mo ginawa ko ah? Suportado kita sa lahat ng gusto mo dahil kaibigan kita! Anong masama kong nagawa sa'yo para ganituhin mo 'ko?"

"Anne.." Umiiyak ding aniya.

"Buong buhay ko ikaw lang ang itinuring ko ng ganito. Pinagkatiwalaan kita!"

Tumayo siya at hinarap ako. "Bakit si Van ang bilis mo lang mapatawad? Bakit ako, hindi? Pareho naman kaming nagkasala sa'yo ah?"

"Akala mo ba madali lang para sa'kin na mapatawad siya? Hindi mo lang alam kung gaano kahirap na magpanggap na maayos ka na. Na tanggap mo na ulit siya at wala ka ng pakialam sa nakaraan. Hindi mo alam kung gaano kahirap manatili kahit ang totoo ay gusto mo ng bumitiw dahil araw-araw mong naaalala lahat. Gustuhin ko mang lumayo ay hindi ko magawa dahil mahal ko siya! Di bale ng mahirapan ako, makasama lang siya. Di bale ng husgahan kami ng mga tao sa paligid namin, hwag lang siyang mawala." I was crying my heart out and so was she. "Alam mo ba kung bakit para sa'yo eh ang bilis ko lang siyang patawarin? Dahil nag-e-effort siya! Bumabawi siya, Mona! He's doing everything just to win my trust back. Everyday, he's proving to me that he's still worth it. Hindi tulad mo na wala ng ginawa kung hindi saktan ako at sirain ang buhay ko! Ayaw mo ba talaga akong maging masaya?!"

She looked at me with red eyes from crying. Tears were unstoppable. "Magsisinungaling ako sa sarili ko kung sasabihin kong hindi niya ako napasaya. Na hindi ko ginusto na may mangyari sa amin." My knees were trembling hanggang sa mapaupo ako sa sahig.

"Gusto ko lang naman maintindihan kung bakit nangyayari sa'kin 'to.. Kung paano n'yo ako niloko.. Kung bakit sa lahat ng tao, ikaw pa? I trusted you!"

Lumuhod siya sa harap ko. "Kahit naman ipaliwanag ko hindi mo maiintindihan.."

Napayuko ako. Talagang hindi ko maintindihan. At kahit kailan hinding hindi ko maiintindihan ang rason niya.

"Alam mo kung ano 'yung naiintinihan ko? Inahas mo 'yung taong alam mong mahal na mahal ko. Niloko n'yo ko! Kinamumuhian kita.."

A Lonely Broken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now