"Oh, there she is." Nakangiting sabi ni Mama nang makita akong papalapit sa kanila. "Come here, sweety." Dagdag niya pa saka ako dinala sa tabi niya.
Nag-angat ako ng tingin sa mga kasama niya at para akong nalula. Dati sa TV at magazine ko lang sila nakikita. Pero ngayon nasa harap ko na sila. They're just inches away from me and I can see they're smiling.
"Siya 'yung tinutukoy ko sa inyong nag-iisa kong anak." Pakilala ni Mama sa'kin. "I'm sure kilala niya na kayo." Natatawa pang aniya.
"Good evening po." Nakangiti kong bati sa kanila.
"Ang ganda ng anak mo Venus." Puri ng babaeng nakasalamin at ngumiti lang si Mama. "Balita ko iha eh, ikaw ang nagdisenyo ng suot mo kanina." Tanong niya pa.
Tumango ako.
"Hindi nga maipagkakailang anak mo 'to Alonzo. May pinagmanahan eh." Sabi naman nung lalaki pero may pusong babae na kulay abo ang buhok.
"She got the looks and the talent. I'm sure gagawa din siya ng sarili niyang pangalan sa fashion industry." Sabi nung babae na kulot ang buhok at halatang galing sa ibang bansa dahil sa tono ng pananalita nito. "Ilang taon ka na ba?"
"Twenty three na po." I answered politely. Kanina pa ako nakatitig sa kanila. Hindi parin kasi ako makapaniwala na nasa harap ko sila.
"Wow. Very young and fresh. Nako, iha. Hwag ka munang mag-asawa, payo ko lang sa'yo. Ang dami mo pang pwedeng gawin sa buhay mo."
"She's right. Grab every opportunity that may knock on your door. We can never can tell, baka mas malayo pa ang marating mo sa'min."
"Thank you. I will keep that in mind." Sabi ko saka tumango.
"Yeah, you should." Nakangiting sabi nung bakla kaya ngumiti nalang din ako.
Lumingon ako kay Papa at nakita ko siyang nakatingin sa'kin kaya nginitian ko siya saka pasimpleng sumenyas na hintayin ako.
Habang busy sa pag-uusap ang mga bisita ni Mama ay bumulong ako sa kanya. "Pwede n'yo po ba akong samahan?"
Hindi na siya nagtanong pa at tumango. Agad naman kaming nag-excused sa kanila at magkasama kami ni Mama na papunta sa mesa kung nasaan si Papa. Naramdaman kong huminto si Mama.
"Anne.." Sabi niya habang nasa kay Papa ang paningin. "I have my guests right now. Hwag ngayon."
That's why I'm doing this. Alam kong hindi niya kayang gumawa ng eksena sa harap ng maraming tao kaya ko napagdesisyunang ngayon sila kausapin.
"Ma, please? Pagbigyan n'yo naman ako. May sasabihin din po ako sa inyong importante." Pakiusap ko pero hindi siya umimik. "Ma.. Kahit para sa'kin nalang po. Mag-usap naman kayo, please?"
Tiningnan niya ako saka bumuntong hininga. Naupo siya sa tapat ni Papa at naupo ako sa gitna.
"I know this is not the right time and place to talk about family issues. Sa ngayon, hindi ko kayo pipilitin kung ayaw n'yo talagang mag-usap.." Sabi ko saka tumingin kay Van na nakatingin na din sa'kin at sinenyasan siyang lumapit. "Pero may sasabihin po ako sa inyo. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa inyo na hindi kayo magkasama. Tutal, nandito naman na tayong lahat kaya ngayon ko nalang po ipapaalam sa inyo." Sabi ko at pareho silang seryosong nakatingin sa'kin.
"Good evening po, Tito." Bati ni Van kay Papa at tumango lang ito sa kanya. Tumayo naman si Van sa likod ko while his hands were on my shoulders.
Nasa may bandang likod ang mesa namin kaya hindi kami masyadong nakikita ng mga tao. Nanatili namang tahimik si Mama habang si Papa ay parang gusto ng yakapin ang asawa. Hindi parin kasi umuuwi si Mama sa bahay. Nasa condo ko parin siya hanggang ngayon.
YOU ARE READING
A Lonely Broken Heart (COMPLETED)
General FictionNakakapagod umiyak. Nakakapagod masaktan. I feel like drowning but no one can save me.