Chapter 23

1.4K 25 1
                                    

"Ma?" I asked nung mapansing may katabi na ako paggising. Sa pagkakaalala ko kasi ay sa condo ako hinatid ni Van kagabi.

I sighed. Naalala ko na naman yung kagabi. Tears started to stream down my face. "Morning, sweety." Sabi ni Mama habang nakapikit kaya mabilis kong pinahiran ang luha ko.

I gave her a kiss on the cheek. "What are you doing here, Ma? Si Papa?" Tanong ko.

"I just missed sleeping beside you and naalala kong may duplicate key ako nitong condo mo. You know, we've been very busy lately para sa fashion show." She said then went to the bathroom.

Kumunot ang noo ko. I felt something was wrong. She went out from the bathroom after a few minutes and turned to me. "Tumayo ka na dyan at maligo. I'll just prepare our food."

"Hindi po ba kayo papasok?"

She shook her head. "I don't feel working today. I already texted Corrine. She already know what to do."

I just nodded my head then went straight to my bathroom. It just took me less than twenty minutes to clean myself. Ayokong magtagal dahil baka maalala ko na naman yung nangyari kagabi. Ayoko ng mag-isip. Nakakapagod na kasi. Pagkatapos maligo ay agad akong nagbihis at nag-ayos. Maya maya pa ay dumeretso ako sa kusina at naabutan si Mama na nagtitimpla ng kape.

"Nag-away po ba kayo ni Papa?" Tanong ko matapos maupo. Pero hindi niya ako sinagot. She just gave me a weak smile. "Let's eat." Sabi niya habang nilalagyan ng bacon ang plato ko.

"Ma.." I held her hand. Nag-angat naman siya ng tingin sa'kin. "Gusto mong pag-usapan?" I offered pero umiling siya.

"I'm fine. Don't worry about me."

I know this one is serious. Kung simple misunderstanding lang kasi yung dahilan ng pag-aaway nila ay agad na magsusumbong si Mama sa'kin. She's like that, that's why I'm bothered and worried at the same time. Tapos ngayon hindi pa siya papasok kahit alam niyang kailangan na kailangan siya sa office dahil malapit na ang pinakahihintay naming event. Kahit may sarili akong problema at pinagdadaanan, I will do everything just to keep my family. Even if that means I have to set aside my own issue.

Pagkatapos kumain ay agad akong nagpaalam at mabilis na bumiyahe patungong opisina.

"Hala, pa'no na 'yan?" Rinig kong tanong ni Corrine kay Mika nang mapadaan ako sa kanila.

Lumapit ako at nakitang nag-aalala ang mga mukha nila. "Good morning." I greeted.

Lumingon sila sa'kin at ngumiti ng pilit. "Good morning, Anne."

"Is there a problem?" Tanong ko.

"Yung na-contact namin na photographer para sa event eh nagback-out!" Sabi ni Corrine.

"Tapos 'yung dalawang model natin eh nasa ospital ngayon. Naaksidente kahapon. Magjowa pa naman 'yun. Jusko bakit naman kasi nagsabay pa?!" Paliwanag naman ni Mika.

Nasapo ko ang noo. The fashion show will happen three days from now. Ayoko namang abalahin si Mama dahil alam kong hindi rin siya makakapunta. She needs her time alone to think.

"Nasabi n'yo na ba kay Mama?"

"Hindi pa nga eh."

"Okay, ako na ang bahalang magsabi. Sa ngayon, gawin na muna natin ang mga kailangan gawin. Let's see what I can do." Sabi ko.

They thanked me and I just nodded. Agad akong dumeretso sa office ko at kinuha ang phone ko sa bag. Upon opening, I saw a text from Van.

From Van

Good morning my babe. I'm on my way to Palawan. Napaaga ang site visit namin eh. Uuwi din agad kami bukas. I love you my future wife. Be safe.

A Lonely Broken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now