Lumipas ang mga araw.. linggo.. at buwan. I enrolled myself to a culinary class. Suportado naman ako ni lola since mahilig din siyang magluto. Cooking was just once my hobby pero habang tumatagal, it bacame my passion. Pero syempre ibang usapan na ang pagiging fashion designer ko.
Kilala ako ng iba kong mga kaklase since they're in to fashion, too. Hindi sila makapaniwalang kaklase nila ako, pero tinawanan ko lang sila.
Papauwi na ako galing sa restaurant ni Zach. Paminsan-minsan ay dumadalaw kami para e-check kung maayos ba ang accommodation ng mga crew sa mga costumers and guests. Naaaliw ako sa mga bago kong ginagawa pero hindi ko maiwasang maging malungkot sa tuwing mag-isa na lang ako. I missed my family. I missed Van. Ilang beses ko na siyang muntik tawagan. I was wondering kung hinahanap niya na ako. Kung nag-aalala ba siya akin? Was he mad because I left him with no proper good bye? Nababaliw na ba siya kakahanap sa'kin? Pananagutan na ba niya sina Mona? Kung mahal pa ba niya ako? Pakiramdam ko mababaliw na din ako.
Gusto kong bumalik. Gusto kong humingi ng tawad dahil naduwag na naman ako. Gusto kong sabihin na hindi ko na siya ulit iiwan. Pero hindi ko kaya. Hindi pwede. Pahihirapan ko lang ang mga sarili namin kaya pinili ko nalang na manatili kung nasaan ako ngayon.
Ang alam ko ay may pinuntahan si Lola kaya ang mga kasambahay lang ang nasa bahay. Derederetso akong naglalakad paakyat sa kwarto nang may tumawag sa'kin mula sa receiving area.
"Anne.."
Natigilan ako sandali at napahinto sa paglalakad at nilingon ang pinanggalingan ng boses.
"Ma.." I uttered.
She smiled sadly at me kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. Patakbo ko siyang niyakap saka ako humagulgol ng iyak.
"We already know." She said as she kept on patting my back.
I never said anything. I just cried while hugging her.
"Bakit hindi mo sinabi?" Tanong niya matapos lumipas ang ilang minutong nakakabinging katahimikan. I lowered my gaze. "That's not what I'm expecting from you."
"I'm sorry, Ma." I'm starting to cry again.
Matagal niya akong tinitigan saka pinisil ang kamay ko. "You're smart, strong, and fearless. Pero hindi naman ibig sabihin nun eh kaya mo nang solohin lahat ng problema." She cupped my face and she made me look at her. "Alam kong ilang beses na naming sinabi sa'yo na respetado namin lahat ng desisyon mo but that doesn't changed the fact na mag-aalala kami sa'yo. You're our daughter. Mahal ka namin at ayaw ka naming nahihirapan." Naiiyak na din si Mama.
"I just don't know how to tell you. Ayokong kaawaan niyo ako. I thought I can handle everything. I thought being strong was enough." I cried again.
"Sweety.. Kahit anong mangyari, anak ka namin. Lahat ng pwede naming maramdaman eh mararamdaman namin. Hindi ka namin pinalaki, para lang saktan at e-take for granted." She sighed. "Alam mo bang galit na galit ang Papa mo?" Tanong niya ngunit nanatili lang sa mga paa ko ang paningin ko. "Muntik na niyang mabaril si Van. Diyos ko! Alam nating lahat kung gaano sila ka-close pero dahil sa nagawa niya eh muntik na niyang mapatay 'yung tao."
I never spoke. I just cried. Because for a long time, it has always been like that. No matter how strong I may thought I am, I still end up crying. Akala ko nga ubos na eh. Na wala na akong maiiyak pa. But again, I was wrong. Dahil kahit ilang balde pa ang iiyak ko, hindi parin ito nauubos. At hindi nun nababawasan ang sakit na nararamdaman ko. It just keep on slapping me the reality how miserable I am. How messy my life is.
"Hinahanap ka niya." She said after a moment of silence. "Araw-araw siyang pumupunta sa bahay para humingi ng tawad at nagmamakaawang sabihin kung nasaan ka. Hindi na siya makapagtrabaho ng maayos. Naaawa na nga ako eh. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyong pagdaanan 'to."
YOU ARE READING
A Lonely Broken Heart (COMPLETED)
General FictionNakakapagod umiyak. Nakakapagod masaktan. I feel like drowning but no one can save me.