Chapter 21

1.5K 30 1
                                    

"Oh my God." Was all I could say. Nakatingin lang ako sa kanya. How could he handle such thing? Paano nagawa ni Emi 'yun sa kanya? I mean, kay Zach na nga mismo nanggaling na perfect na para sa kanila 'yung relasyon nila. "Tapos?" I eagerly asked.

"Anong tapos?" Tanong din niya.

"Anong sabi mo?"

"Wala."

"Anong wala?"

"She apologized. She told me how sorry she was, and that it's not her intention to hurt me." Sagot niya.

"Tapos? Ano ngang sabi mo?"

Wala na akong pakialam kung magmukha akong chismosa sa paningin niya. Atleast, in my own way I can make him feel better by listening and by making him feel that he's not alone.

"She could've told me. Hindi naman masyadong makitid yung utak ko para hindi pakinggan yung paliwanag niya. Masasaktan ako, oo. Pero pakikinggan ko siya at pipilitin kong intindihin lahat ng sasabihin niya." Pag-amin niya.

I sighed. This guy. Sayang 'to. 'Yung mga ganitong uri ng lalaki ang dapat minamahal ng lubos.

"Ano ng gagawin mo?" Maya maya ay tanong ko. Baka kasi tulad ko, handa niya ulit papasukin si Emi sa buhay niya. Kahit pa alam ko namang hindi niya talaga ito sinubukang kalimutan.

"Wala. Kahit naman anong gawin at sabihin ko, huli na ang lahat. May pamilya na siya. Ayokong manggulo."

Tiningnan ko siya. Marami pa sana akong gustong itanong. Gusto kong malaman lahat ng iniisip at nararamdaman niya pero baka maging kalabisan na.

"H'wag mo nga akong tingnan na parang naaawa ka sa'kin." Bigla ay sabi niya nang mapansin ako.

Nginitian ko siya. Sa iniaasta niya ngayon, parang ayos na siya. Tanggap na niya 'yung mga nangyari.

"Siguro nga kahit anong perpekto ng mga bagay sa paningin natin, if it's not meant for us, it will never be." Sabi ko.

"You know what? I have this strong faith on a saying na kung may umaalis, may dumarating." Nakangiting sabi niya but I wasn't able to hear it clearly because my phone rang.

"Hello?" Sagot ko rito.

"Nasaan ka na? Lagpas lunch time na girl. Inutusan ako ng mudra mong tawagan ka. Kailangan na 'yung designs mo saka andito nga din pala 'yung jowa mo." Sabi ni Mika mula sa kabilang linya.

Agad akong napatingin sa wrist watch ko at binaba ang tawag.

"Mauna na ako ah? Hindi ko namalayan ang oras eh. Just text or call me if you need a shoulder to lean on, okay? Bye!" Natatawang paalam ko.

"As if that's gonna happen." Natatawa niya ding sagot.

Hindi na ako sumagot at mabilis na bumalik sa office. Pagdating ko ay agad akong sinalubong ni Mika.

"Saan ka ba galing? Kanina ka pa hinahanap ni Ma'am."

"Bakit? Eh hindi pa naman ngayon 'yung deadline ah?" Takang tanong ko.

"May changes kasi sa schedule 'nung fashion show. Hindi kasi makakasama ang M Line." Tukoy niya sa isa sa mga kilalang clothing line sa bansa.

"Bakit daw?"

Nagkibit-balikat lang siya. Mabuti nalang at natapos ko lahat kanina. Agad kong kinuha ang folder na pinaglagyan ko ng mga ginawa ko.

"Nga pala, yung boyfriend mo nandun sa office ng Mama mo." Pagbibigay-alam niya.

"Sige pupunta na ako dun."

Pagkaalis niya ay inayos ko na muna ang sarili ko at nag-retouch. Kapag talaga si Zach ang kausap ko ay hindi ko namamalayan ang oras. Ang daldal kasi. Lagot ako kay Mama nito. Kahit pa anak ako ng may-ari ay wala dapat special treatment. She should be fair to everyone. Ayoko namang masabihan ng mga katrabaho ko na ayos lang na hindi ko seryosohin yung trabaho ko dahil lang sa anak ako ng amo namin.

A Lonely Broken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now