Chapter 19

1.5K 29 1
                                    

"Talaga?" Nakataas kilay na tanong ni Van habang naghuhugas ako ng plato.

We just finished eating dinner when I decided to tell him when and where I met Zach. Sinabi niyang hindi pa siya kumakain kasi gusto niyang sabay kami kaya kahit busog na ako ay sinamahan ko pa rin siya.

"We're both broken back then and had no one. It was just a plain coincidence na nagkita kami. Baka nga nabaliw na yo'n kung hindi ako nakilala eh." I said habang nagpupunas ng kamay at umupo sa tapat niya.

"So, you saved him? Buti hindi kayo nagkadevelopan?" Tanong niya saka ininom ang canned beer.

Sinamaan ko siya ng tingin. "What I've been through was never easy. Masyado akong nasaktan. You think may oras pa akong makipaglandian?"

"I don't know."

Nasaktan ako sa sinagot niya. Para namang hindi niya ako kilala. Akala ko were totally okay, hindi pa pala. Kailangan parin ba naming mag-usap ng masinsinan tungkol sa past para magkalinawagan? Akala ko kasi once na nagkaayos na kami, everything will follow. I know we're just avoiding to talk about it just to pretend that everything is fine, and it's not helping fix everything that ruined. Siya 'tong may nagawa kaya nangyari yung mga nangyari, and now he's accussing me of something I never did.

"Look. I am being honest with you. Sinasabi ko 'to sa'yo para hindi mo bigyan ng malisya yung pagkakaibigan namin ni Zach." I calmly said.

He smiled. Trying to lighten up the mood. Siguro napansin niyang hindi ko na gusto ang takbo ng usapan namin. He knows how much I love him and how much I treasure him kahit pa grabe yung sakit na naramdaman ko dati ng dahil sa kanya. He's still my Van afterall, and will always be.

He held my hand and pressed it. "Thank you for being honest. Hwag mo ng isipin yung mga sinabi ko earlier. Labas sa ilong ko yo'n. You have my full trust. Hindi naman ako nag-aalala na mahulog ka sa iba. Gusto lang kitang inisin. Alam mo namang na-miss kita diba? Saka 'yang kamalditahan mo. Yo'n lang yo'n. So don't worry, okay?" He explained.

"It's not funny kaya tigilan mo na."

"Sorry na." Sabi niya saka lumapit sakin at inakbayan ako. "Kahit hindi mo na ipaalam yung sa inyo ni Zach. He's not an issue anyway. You're worth my trust, babe." He said then kissed my cheek.

Hinarap ko siya matapos maupo sa tabi ko. "Kahit ayaw mo na ipaalam ko, sasabihin ko pa rin."

"If that's what you want."

I smiled. This man is really worth all the pain.

"Isa lang naman yung ayaw ko eh." Kunot noong dagdag niya.

"Ano?"

"Ayaw kong lagi mo nalang isisingit yung nakaraan. Moved on na nga tayo diba? Hindi ko naman hinihiling na kalimutan natin yung mga nangyari dahil kahit nasaktan tayo, it taught us lessons. Let's just leave it all behind. Okay?" Pakiusap niya.

Tinitigan ko pa muna siya. Siguro nga hindi makakatulong sa'min kung palagi kong ipapaalala yung nagawa niya.

"Sorry." I sincerely apologized. "From now on, we'll just focus on the present." I promised.

"Good."

"By the way, tinatanong ni Mama kung pwede ka bang kunin bilang model namin para sa fashion show next week." Pag-iiba ko sa usapan.

"Sorry babe, may out of town appointment kasi ako next week." He replied and gave me an apologetic look.

"May bago kang project?" Tanong ko. Liscensed engineer na nga pala 'tong boyfriend ko. Pagkatapos nung mga nangyari, buti nalang napag-isipan niyang magpatuloy and now, he succeeded. I am so proud of him.

A Lonely Broken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now