Chapter 35

1.5K 27 1
                                    

"What are we doing here?"

"Lahat ng bagay nadadaan sa dasal." Sagot niya saka naunang pumasok sa simbahan. Maaga pa lang ay sinundo na niya ako sa bahay at sinabing may pupuntahan kami. I wasn't really expecting that he'd bring me here.

Nakita ko siyang umupo sa may harapan kaya sinundan ko siya. Umupo ako sa tabi niya at nagkatitigan kami. "What?" Tanong ko.

"Now, pray."

Tumingin ako sa harapan saka dahan dahang lumuhod. Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ang sariling ipaubaya sa Kanya lahat. I silently prayed and asked for His guidance. I prayed for my family, friends and for my happiness.

"You're such a cry baby." Komento niya pagkatapos naming magdasal.

"Nung nakaraan sabi mo gusto mo 'kong makitang umiyak. Tapos ngayon lalaitin mo 'ko." I pouted as I reached for the handkerchief he handed me.

"Alam ko kasing masakit 'yung pinagdadaanan mo pero hindi kita nakitang umiyak. You're trying to be strong , I know. Pero hindi masamang umiyak paminsan minsan."

I looked at him. "That's what I'm doing."

He laughed. "Hindi naman paminsan minsan lang 'yang pag-iyak mo eh. Inaaraw-araw mo na. Ginagawa mo ng hobby."

"Bakit? Hindi mo ba iniyakan si Emi?"

"A real man cries." He shrugged.

Tumayo siya at nagsimula ng maglakad palabas. I followed him. Hindi ko siya tinanong kung ano ang ibig sabihin niya nung sinabi niyang tutulungan niya akong makalimutan si Van because honestly, I don't want to forget him. I just love him with every piece of me. Ayokong makalimutan lahat ng alaala namin. I want to remember every detail of him even though it hurts so bad realizing that he's not mine anymore. I want to remember him everyday and the love we had for each other but at the same time, I want the pain to fade. 'Yung sakit ang gusto kong makalimutan. Hindi ang taong nagdulot sa'kin nun.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko nang nasa sasakyan na kami at ibang daan ang pinupuntahan namin.

"Don't worry. Hindi naman kita kinikidnap." He chuckled and I rolled my eyes.

"Akala ko ba uuwi ka ng Manila ngayon?" Maya maya ay tanong ko.

"Nagbago na ang isip ko." Sagot niya nang hindi ako tinitingnan.

"Bakit?"

Stucked kami sa traffic kaya sumandal muna siya sa upuan at tiningnan ako.

"Sabi mo huwag akong pumunta."

"Bakit?"

"Because she's my ex."

"Hindi naman yun yung ibig kong sabihin. Hindi ka pupunta dahil lang sa sinabi ko?"

"Wow. Feelingera mo talaga." Natatawang sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "I have my reasons, tsaka may narealized lang ako."

"Na ano? Na magmumukha ka lang tanga dun?" Natawa ako.

"Na mas kailangan mo ako dito."

My lips parted.

"Ha! At ako pa ang feelingera ngayon?"

"Bakit? Hindi ba? Ako lang ang meron ka ngayon. Nasa malayo ang parents mo at busy silang pareho. Bea, which happens to be your only cousin, is also busy with her own family. Hindi mo naman maikwento kay Lola Mia lahat ng problema mo dahil ang sabi mo nga ay matanda na siya at ayaw mo siyang mag-alala sa'yo. So, you see? Ako lang ang karamay mo ngayon." Paliwanag niya at hindi na ako sumagot.

A Lonely Broken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now