Chapter 7

2.2K 49 1
                                    

"CONGRAGULATIONS!" Mama and Papa both greeted me.

"Thank you po."

Kakatapos lang ng graduation namin and they threw me up an after party. Halos lahat ng kapamilya ko nandito.

"Naks naman pinsan! Cum Laude! Edi ikaw na matalino!" Biro ni Bea sa'kin.

"Wala namang love life." Pabiro kong sagot.

"As if you're worried." She said and we both laugh.

Ilang linggo din akong busy dahil sa mga requirements. Ang hassle talaga pag graduating. Nakaka-haggard.

"So Anne, anong plano mo after?" Tanong ni Tita Mia.

"Hindi ko pa po alam, Tita. Baka magbakasyon na muna ako outside the country."

"Oh by that.." Papa interrupted. "I really don't think we can make it to Japan. Busy sa firm. May mga investors na dadating. I need to be there."

Aaminin kong nalungkot ako. Akala ko pa naman magkakaroon na kami ng quality time ulit.

"I am really sorry, baby. Promise I will make it up to you. Babawi ako next time. Just tell me, okay?" He added.

I forced a smile. "It's okay, Pa. I understand."

I turn to Mama.

"I think you should go alone." She said na ipinagtaka ko. "I think you need some time alone. Right Bee?"

"Of course! After all the hard days, you need some fresh air to breath. Masyadong naging polluted ang Pilipinas para sayo pinsan." Sabi niya habang taas-baba ang kilay.

Baliw talaga.

Pagkatapos ng party ay kinausap ako nina Mama at Papa. Siguro nga tama sila. I need a break. These past months has been very hard for me.

"Hindi pa ba kayo nag-uusap ni Van?" Papa asked.

Umiling ako. Hanggang ngayon hindi parin nila alam ang tunay na nangyari. Ayokong sabihin sa kanila. Nahihiya ako. Nahihiya ako para kay Van. Para kay Mona.

"Mukhang hindi lang 'to simpleng LQ ah. Umabot ng ilang buwan eh. Hindi rin ba siya nag-eeffort na kausapin ka?" Mama asked.

Napabuntong hininga ako.

"Ma, Pa, break na po kami." Panimula ko. "What was done, was done. Wala na pong chance na magkabalikan kami. Nagkaroon na po ng end point sina Van at Anne. Nahirapan po ako nung mga nakaraang buwan. Hindi ko akalaing sa ganito kami magtatapos. Thankful po ako sa inyo kasi tinanggap nyo po siya bilang boyfriend ko. You treated him like your own. You've been very supported to our relationship and I've been very grateful for that. Sana po hwag mag-iba ang turing nyo sa kanya kahit wala na kami. Sana po hwag po kayong magalit sa kanya kasi nasaktan niya ako. Dahil po sa kanya, marami akong natutunan. Kaya kahit humantong kami sa ganito, he will always have a special place in my heart." I said. Trying to control my emotions.

"Kahit hindi namin alam ang tunay na nangyari, we understand your decision. Masaya ako kasi matured na mag-isip ang baby ko. Masaya ako kasi napalaki ka naming mabuti. Napakabait mo. Kahit anong mangyari, nandito lang kami ng Papa mo. Dont hesitate to call us. Kahit busy kami, ikaw parin ang nasa top priority namin. Got that?" She said as she hugged me and kissed my cheek.

I nodded.

"Your Mama is right. Lagi mong tatandaan na proud na proud kami sa'yo." Papa added. Then we made a group hug. A family hug.

After all what happened, I'm still blessed with my family.

* * * *

"Wala ka na bang nakalimutan?"

"Wala na nga."

"Check your bag first. Baka may makaligtaan ka."

"Five times ko nang nai-check."

"Ang passport mo nandiyan na ba? Yung wallet mo? Your cards? Baka mawala. Keep it safe."

"Teka nga! Mas malala ka pa sa nanay ko eh! Kalma okay? Everything's ready." I said.

"I'm just worried about you! Paano kung maligaw ka dun tapos ma-snatch ka tapos wala kang kakilala dun!"

Natawa ako sa sinabi ni Bea.

"Grabe naman."

"Anong grabe naman?! Malayo ang New York sa Pilipinas baka hindi mo alam?! Hindi ko kayang magkotse papunta do'n pag kailangan mo ako."

"Alam mo OA ka." I said laughing.

"Excuse me?! I'm just worried nga lang!"

"I will be fine." I assured her.

"Mami-miss kita." She said then hugged me.

"I'll miss you, too."

"Don't forget to text me, okay? Update me always."

I nodded.

"Oh tama na drama. Let's go. Baka ma-late ka sa flight mo."

Malapit na ang oras ng flight ko pagdating namin sa airport. I've decided na sa New York na lang pumunta. May nabasa kasi ako from the internet na maraming pwedeng pasyalan doon. I refused to go to Japan dahil doon kami nag Christmas last year. Pumayag lang ako dati kasi akala ko kasama sina Mama at Papa. Kaya ngayong ako lang mag-isa, I want something new.

"Mag-iingat ka do'n, okay? Magtext ka palagi. May Facetime naman." Si Mama.

"Always make sure your safe sa mga lugar na pupuntahan mo. Hwag mong hahayaang malowbat ang cellphone mo, in case of emergency." Si Papa.

"Don't ever talk to strangers, okay?" Si Bea.

"Pa'no pag gwapo yung stranger?" Inosente kong tanong.

"Well, you knew we always loved to talk to interesting strangers." She said. Naughty bitch!

Nagpaalam na ako sa kanila matapos ang ilang habilin. I waved at them as I enter the departure area.

Nung nasa eroplano na ako, hindi ko maiwasang maging malungkot. Hindi kasi talaga ako sanay mag-isa. Pero sisimulan kong sanayin ang sarili ko. Lalo na ngayong wala na siya.

Matapos naming mag-usap sa ulanan nung gabing yun, wala na akong balita sa kanya. Hindi niya na ako kinulit. Hindi na rin nagpaparamdam si Tita Marie sa'kin. Sa loob ng ilang buwan, I tried not to think of him. Masyadong mahirap pero kinaya ko. Kailangan ko nang masanay.

About Mona, balita ko nasa London siya. Nandoon yung family niya. Kaya lang naman siya nandito dahil dito niya gustong mag-college. Gusto niya lagi akong kasama.

Simula sa araw na to, pinangako kong hindi na ako magpapaapekto sa nakaraan. Gusto ko ng umusad. Pagod na kasi akong parusahan ang sarili ko sa pag-iyak gabi-gabi. Ayoko ng umiiwas sa mga tanong na ayokong sagutin. Pagod na akong masaktan. Kailangan kong matuto. Kailangan kong maging matatag. Kailangan kong lumaban. Kailangan kong bumangon at magpatuloy.

I need a change that will make me a better vision of myself.

A Lonely Broken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now