Chapter 33

1.4K 22 2
                                    

Napapikit ako habang nagbabasag siya ng mga gamit. Pareho kaming umiiyak pero ayoko siyang lapitan. Pa-ulit-ulit siyang nagmumura. Ilang beses siyang nagmakaawa pero ayoko na talaga.

"Bakit mo ba 'to ginagawa sa'tin?!" Sigaw niya matapos ibato ang baso na hawak niya. "Bakit ba palagi na lang ikaw ang nagdedesisyon para sa ating dalawa?! We're in a relationship, for heaven's sake, Anne!" Sigaw niya pero patuloy lang ako sa pag-iyak.

Kalalabas lang niya ng hospital kahapon dahil sinubukan niyang magpakamatay. He knew me too well. Alam niyang magpapakita ako oras na malaman ko na may nangyari sa kanyang hindi maganda.

"Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan dito sa ginagawa ko?!" I shouted back.

Hinarap niya ako. "Pero bakit ginagawa mo pa rin? Kung nasasaktan ka, bakit itutuloy mo pa rin?"

"Because that's the best thing to do!"

"Because for you, that's the best thing to do but it's not! Hindi ito 'yung sulosyon. Pinapatay mo lang ako, eh!"

"Anong gusto mo'ng gawin ko?"

"Come back to me. It'll be easier for me kung nasa tabi lang kita."

"Paano naman ako?" Tanong ko habang hindi parin tumitigil sa pag-iyak. "May anak kayo ni Mona! Ano'ng gusto mo? Magpakamartyr ako?!"

He remained silent.

"Nakita ko ang DNA result niyo sa sasakyan mo."

I saw how his eyes widened.

"Babe.." Lumuhod siya sa harap ko.

"Hindi mo alam kung paano akong nasaktan nung nagsinungaling ka sa'kin.."

"I'm sorry." He cried.

"Let's end this." Matigas na sabi ko.

"Anne.. Huwag naman ganito.. Lahat gagawin ko. Lahat, babe. Huwag mo lang akong iwan." He begged.

Tinanggal ko ang singsing mula sa kamay ko at inilagay sa kamay niya pero pilit niya itong ibinabalik sa'kin.

"Mas lalo lang tayong mahihirapan kung ipagpapatuloy natin 'to. Parang awa mo na, Van.. Itigil na natin 'to."

"No." Pagmamatigas niya. "I won't let go. I won't give-up. Sorry pero ayoko. Hindi ko kaya."

Iyak lang ako ng iyak habang patuloy siya sa pagmamakaawa. Hindi ko na alam ang sasabihin para lang matapos na 'to.

"Susuportahan ko naman ang bata. Hindi namin kailangang magsama ni Mona. Ikaw ang mahal ko. Ikaw ang pipiliin ko."

"May sakit sa puso ang anak mo, Van! Naiintindihan mo ba?! May butas sa puso yung bata!"

"Bakit? Mapapagaling ba siya ng presensya ko?"

I slapped him.

"Bakit ka ba ganyan?! Anak mo 'yun! Maawa ka naman sa kanya!"

"Pero iiwan mo 'ko!" Sagot niya. "Kung papipiliin mo ako ngayon? Alam mong ikaw at ikaw lang ang gusto kong makasama. Para na nga akong baliw kakahanap sa'yo eh!"

Napabuga ako ng hangin habang umiiyak. "Hindi ko din naman gusto 'to eh. I know I promised that I'll be forever by your side pero iba na kasi ang sitwasyon ngayon eh. Intindihin mo naman ako."

"Ang sakit lang."

"Sobrang sakit." I cupped his face. "Kung may ibang option lang, hindi naman tayo uuwi sa ganito. Pagod na din kasi akong masaktan."

"Pagod ka na din bang mahalin ako?"

"Hindi," I immediately replied. "It has been and will always be you. Ikaw lang ang minahal ko ng ganito. Mahal kita kahit ang sakit sakit na. Pero pagod na ako. Pagod na akong umiyak. Pagod na akong masaktan."

A Lonely Broken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now