Chapter 4

2.6K 58 3
                                    

"Ano na naman ba kasi ang mga pinaggagawa mo lately?" Tanong ni Mama sa'kin.

Nasa condo ko siya and interrogates me. Bea is also here. Hindi pa siya umuuwi sa sarili niyang bahay mula nung araw na yun.

"You looked so wasted. Halata ring bumaba ang timbang mo." Dagdag niya.

Hindi ako sumagot. Para akong naubusan ng lakas.

"Busy yan sa school works, Tita. Ang tagal ngang matulog eh kaya ayan, mas healthy pa sa kanya yung eyebags niya." Bea said.

Natawa si Mama habang iniirapan ko siya. Tutulungan na nga lang akong makalusot, lalaitin pa ako.

"Busy ka din naman ah? Bakit blooming ka pa rin naman?" Pambobola ni Mama.

"Inborn, Tita." Sagot niya.

Sabay silang natawa. Napailing ako. Mga baliw.

"Maliligo lang ako." Paalam ko. Hinayaan ko lang silang magbolahan.

Ilang araw din akong hindi pumasok. Sabi ng doctor kailangan kong magpahinga. Ilang araw ding nakapatay ang cellphone ko kaya biglang napasugod si Mama dito. Ilang araw ding iniiwasan ko sina Van at Mona. Those wounds they brought were still fresh.

Parang kahapon lang nangyari.

"Alis na po ako." Paalam ko.

Nag-uusap parin sila nung madatnan ko.

"Akala ko ba kailangan mo pang magpahinga?" Mama asked.

"Ma, it's been three days. Saka magpapasa lang ako ng report." I replied weakly.

"Ang tamlay mo. Kumakain ka pa ba? Umuwi kang maaga at magluluto ako." Utos niya.

"Yehey! Sali ako. I missed cooking with you, Tita." Bea said happily. Pumalakpak pa.

"Si Papa po?" I asked.

"He's out of town. Business trip as usual." Bored niyang sagot.

Sandali pa kaming nag-usap at umalis na rin ako pagkatapos. Nag taxi nalang ako. Hinang hina pa rin ang pakiramdam ko. Gabi gabi ba namang umiyak.

Tama nga si Bea, mas healthy pa sakin yung eyebags ko. Buti nga natapos ko parin tong report ko eh.

Pagdating ko sa school ay dumeretso agad ako sa faculty at pinasa sa professor ko yung report.

Bigla akong nagutom kaya pumunta akong canteen. Habang kumakain, naramdaman kong may tumabi sa'kin.

"Girl! Long time no see." It's Sunshine. But I prefer call her SS. She's my classmate.

"Hi." I greeted.

"Three days kang absent, why?" Kaira said. Actually, Kairo is the name. Kaso bakla, kaya naging Kaira.

"Nagkasakit lang." Maikli kong sagot.

"Okay ka na? You still looked sick."

I nodded.

"Hmm. Uuwi na rin ako nito pagkatapos."

"Oh sige, mauna na kami ng bakla at may observation pa kami mamayang 10." Paalam ni SS.

"Sige, ingat!" I waved.

"You too, girl!" Kaira replied.

Pagkatapos kumain ay plano kong pumunta sa mall. Gusto kong bumili ng bagong damit. And to unwind na rin. Yayain ko nga si Bea na mag out of town. Tutal, bakasyon na rin naman next week.

I was on my way to the exit nung makasalubong ko siya. Ang taong tinrato kong kapatid for years.

Halatang nagulat siya nung makita ako. Ako rin naman. God knows how much I wanted to hug her pero lamang ang urge kong sampalin siya.

"Anne.." Sabi niya.

I didn't move. I didn't say a thing, either. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya with a blank expression.

"Can we talk?" She asked.

Hindi pa rin ako sumagot. Hinayaan ko siyang magsalita.

"I miss you.." Panimula niya. Simula pa lang umiiyak na siya. Naiiyak na rin ako. I hate seeing her cry. Pero mas masakit yung ginawa nilang pagtatraydor sa'kin.

"I'm sorry. I'm sorry for being a bitch, for being a traitor. Tinuring mo kong kapatid tapos ito yung ginanti ko. You've always been there. You've always been true and honest to me. God knows how much I regret doing such thing with Van. Naging mahina ako. Pero Anne, alam mong mahal kita di'ba? Di'ba lagi ko namang sinasabi yun sayo? You're my bestfriend." She explained herself.

Hindi maiwasang hindi matawa sa statement niya.

"Oo nga eh. Kung sino pa yung matalik kong kaibigan, siya pa ang unang magtataksil sa'kin! Sana naisip mo yun habang nagpapakasarap kayong dalawa! Mahal mo ko? Ha? Mahal mo ko, pero bumukaka ka sa kanya! Sa boyfriend ko na alam mong mahal na mahal ko!" Sigaw ko. Ramdam kong may mga matang nakatingin na sa amin. Pero wala akong pakialam.

"Yes! I've been very true and honest, sayo. Sa inyo! Pero bakit hindi nyo magawa sa'kin yun?! Bakit hindi mo magawang maging honest sa'kin tungkol sa feelings mo kay Van?!" Dagdag ko.

"Anne.. May pagkukulang ka rin." Giit niya.

"Talaga?! Alin do'n? Yung hindi ko maibigay yung gusto niya? Kaya ikaw yung nagbigay? Kaya ka bumukaka kasi yun yung naging pagkukulang ko?! Proxy kita gano'n? Kasalanan ba na mas minahal ko yung sarili ko kaya hindi ko naibigay lahat ng gusto niya?!" Sigaw ko. Nanatili lang siyang tahimik habang umiiyak.

"Tatlong taon na kami ni Van at ten years na tayong magkaibigan. Pinagpalit mo yung isang dekada natin sa isang araw! Alam mo matagal na 'kong may naririnig pero hindi ako naniwala. Ayoko silang paniwalaan kasi mas kilala kita kesa sa kanila. Pero dahil sa ginawa mo? Ang baba baba na ng tingin ko sa sa'yo. I don't want to judge you pero masakit yung ginawa nyo eh! Hindi ko inaasahang magagawa mo sakin to. Alam mo lahat di'ba? Mona naman.. Bakit naman si Van?" Hindi ko na napigilan ang luha kong nag-uunahan na naman sa pagpatak.

"Gustong-gusto kitang saktan ngayon pero pasalamat ka't may konting respeto pa akong natitira sa'yo." Galit kong sabi saka binangga ang balikat niya saka dumeretso palabas.

Agad kong pinara ang taxi na dumaan. Iyak lang ako ng iyak.

Bakit ba lahat sila sinasabing mahal nila ako but still ends up hurting me.

Pagdating sa condo ay wala na si Mama. Wala din si Bea.

I went to the kitchen and saw a sticky note at the refrigerator.

Cous,
Umalis na si Tita. Emergency meeting daw. She wasn't able to text you coz she's in a hurry. Nasa office naman ako. I have some revisions to make pa kasi. Kumain ka ha! Love you!

-Bea Ganda.

Napailing ako. Tss. Baliw talaga yun.

Dahil busog pa ako at wala naman na akong ibang gagawin, I decided to go shopping.

I've realized wala akong mapapala kung magmumukmok lang ako at iisipin ang mga taong nagdulot sa'kin ng matinding sakit.

I got my bag and my car keys.

Life must go on, Ann. And so as you.

A Lonely Broken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now