Chapter 5

2.4K 55 1
                                    

Paano ba mag move on?

Nakakapraning naman. Sa tuwing may heart broken, laging sinasabi ng mga tao sa paligid nila na mag move on.

Hindi naman alam kung paano. May procedures ba ang pag mo-move on?

Sino ba kasing nagsabi na madali lang mag move on? Sasakalin ko.

Mag-isa lang akong naglilibot sa mall. Wala pa akong nabibili na kahit ano. Nakalimutan ko kung ano ang pinunta ko dito.

Binalot ako ng lungkot. Dati kasi, lagi kong kasama si Van sa tuwing aalis ako. Pwera nalang kung may ibang lakad siyang pwedeng puntahan. Clingy kasi yun eh. Gusto lagi akong nakadikit sa kanya saka holding hands kami palagi.

He always treated me like a queen. Spoiled nga ako dun. Nasanay akong lagi lang siyang nandyan. We've been very dependent to each other.

Kaya ngayon nahihirapan pa rin ako.

"Anne?" I heared someone called me.

Nagulat ako ng paglingon ko, nakita ko si Tita Marie. Nakangiti habang papunta sa'kin.

Bakit ba pakiramdam ko sobrang liit ng Pilipinas para sa'min?

"Hi, Tita." I smiled and kissed her cheek.

Napangiti siya.

"Na-miss kita. Ang tagal mo na 'kong di binibisita." She said.

"Busy lang po sa school. Saka nagkasakit po ako these past few days." I honestly answered.

Hinawakan niya ako sa braso. "Bakit? Hindi ka ba inaalagaan ng anak ko? Pansin ko nga pumayat ka. Lokong bata yun."

Napakuyuko ako. Hindi niya pa ata alam.

"Ah, Tita kasi.."

I wasn't able to finished my sentence because her phone rang.

"Ay wait. Van's calling." She said.

Humigpit ang hawak ko sa bag ko. Iba pa rin pala talaga ang epekto niya sa'kin. Kahit pangalan niya pa lang, naiiyak na naman ako.

"Hello?" Sagot ni Tita sa tawag. "Oo nandito na ako. Ang tagal mo naman! Good thing I saw Anne here. Yes, I'm with her. Okay sige. Oo nga! Drive safely, okay? Bye." Then she ended the call.

"Hintayin daw natin siya. Let's have lunch together. Pakakainin ko kayo ng marami. Pumapayat na din kasi yung Van mo eh. Stress daw siya. Para namang ang daming ginagawa." Natatawang kwento niya.

Hindi ako sumagot. I don't want to disappoint her. Hindi pa ako handang sabihin na tapos na kami ng anak niya.

"Hey, are you okay? You look pale." She asked. Worried.

"Tita can I go first? Sorry hindi ko muna kayo masasamahan ngayon. May pupuntahan pa kasi ako." Palusot ko.

Gusto ko ng umalis. Ayoko siyang makita. Hindi ko pa kaya.

"But Van is expecting you'll join us sa lunch. He's on his way."

"Sorry po talaga. Babawi nalang po ako sa inyo next time." Sincere kong sabi.

"Okay, pero pa'no si Van? Magtatampo yun. Alam mo naman yun pagdating sa'yo, sobrang sensitive." She asked.

"I know he'll understand." I replied with a weak smile.

We bid goodbyes at nagmadali na akong umalis.

Naiintindihan ko kung bakit hindi niya pa masabi sa Mommy niya na break na kami. Close kami ni Tita Marie. Ganun din si Van kay Mama. Buti nga hindi niya ako tinanong ng tungkol kay Van nung nasa condo siya.

A Lonely Broken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now