Agad na lumapit si Tita May sa gawi namin at patakbo naman siyang hinabol ni Mona.
"Bakit po kayo nandito?" Deretsong tanong ko. Kahit ilang taon na kaming hindi nagkita ay hindi ko na siya nagawang batiin. Naramdaman ko namang humigpit ang pagkakahawak ni Van sa'kin.
"Mom, let's go. Please!" Pakiusap ni Mona at napatingin ako sa kanya. Ang laki ng ipinagbago niya. Hanggang balikat na lang ang buhok niya'ng dati ay hindi niya magawang ipagupit dahil ayaw ng Mommy niya. Mas pumayat din siya kesa sa huli kong kita sa kanya at mas pumuti pa siya.
Hinarap ni Tita ang anak. "At ano?! Hayaan silang mabuhay nang walang alam?!" Sigaw niya rito at napayuko si Mona.
"Mona.. Ano ba'ng nangyayari? Bakit ba bigla kayo'ng napasugod dito? Akala ko ba nasa malayo ka na?" Mahinahon na tanong ni Van. Hanggang ngayon ay hindi ako binibitawan.
Nanatiling tahimik at nakayuko si Mona kaya pinagtaasan ulit siya ng boses ni Tita. "Aren't you going to tell them?!"
"Para saan pa ba Mom?! Para masaktan ko na naman si Anne?! Sobra na 'yung sakit na idinulot ko sa kanya noon. She had enough! Hindi ko kayang wasakin ulit ang best friend ko!" Mona shouted back that left me dumbfounded.
Nagpalit palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Ano ba talaga ang dahilan ng pagpunta nila dito? Bakit bigla nalang silang sumugod dito at nagsisigawan?
"I told you we're fine! Kayayanin ko naman 'to eh. Ayoko ng manggulo pa." Dagdag pa nito.
"Just spill it! Ano ba talaga ang ipinunta niyo dito?! Magsisigawan na lang ba tayo dito?!" Sigaw ni Van. Hinawakan ko din siya ng mahigpit upang huminahon.
"Ayaw mo talagang sabihin?" Tanong na naman ni Tita sa anak. "Alam nating pareho na ikaw dapat ang magsabi nito pero dahil nagmamatigas ka, you left me with no choice because they have to know the truth, Mona." Matigas na sabi pa nito.
"What truth?" Mahinahong tanong ni Van.
I remained silent, still waiting for them to tell us what is really going on.
"May anak ka na, Van. Kaya hindi kayo pwedeng magpakasal." Deretsong sagot ni Tita na muntik 'ko ng ikinatumba. Mabuti na lang at mabilis akong inalalayan ni Van. "Four months na ang bata at kailangan mo 'yung panagutan. Ayoko namang lumaki ang apo ko na walang ama--"
"Can you please stop?!" Sigaw ni Van dito. Nanatili naman akong tulala. "Ano'ng pinagsasasabi mo? Ano'ng klaseng biro ba 'to?" Gigil na tanong niya pa saka bumaling kay Mona. "Mona? Ano na naman ba 'to?" Pero iyak lang ang nakuha niyang sagot mula dito.
Nag-aalala naman niya akong tiningnan. "Babe.." Naiiyak nang aniya. Wala sa sariling napaupo ako habang patuloy sa pag-agos ang luha ko. "Babe.." Tawag niya ulit sa'kin at tiningnan ko siya. "Hindi ko alam 'to. Promise. Walang akong alam dito." Ramdam ko ang pagmamakaawa niyang paniwalaan ko siya. Ramdam ko ang pagmamakaawa niyang h'wag ko siyang iwan.
Hindi ako sumagot at nanatili akong nakatingin sa kanya hanggang sa may marinig kaming babae na papunta sa gawi namin at may dalang bata.
"Yaya? Ba't kayo lumabas? Diba I told you to stay inside the car?!" Sermon ni Mona dito habang nagpupunas ng luha.
"Eh Ma'am, sorry po. Ayaw po kasing tumigil ni Isla sa pag-iyak eh. Kahit anong gawin ko ayaw tumahan." Depensa naman niya.
"Akin na nga 'yan." Binigay naman niya ang bata kay Mona.
Nanatili ang tingin namin ni Van sa isa't-isa.
"Ano? Ayaw mo pa ring maniwala?" Rinig naming sabi ni Tita kaya napayuko si Van.
Nanatili siyang tahimik kaya tumayo ako. Aligaga naman siyang sumunod sa'kin. "Babe.. Saan ka pupunta?"
"Uuwi na ako." Sabi ko saka nagpunas ng luha.
"Sasama ako sa'yo." Sabi niya saka hinawakan ako sa kamay at sumabay sa'kin sa paglalakad. Hinarang naman kami ni Tita May.
"Where do you think you're going? Hindi mo man lang ba titingnan at kukumustahin ang anak mo?"
"How can you be so sure na anak ko talaga 'yan?" Tanong ni Van nang hindi siya tinitingnan.
"Gusto mong may ipaalala ako sa'yo?" Sarkastiko naman nitong sagot kaya gigil siyang tiningnan ni Van. "Ayokong lumaki sa broken family ang apo ko Van Anthony kaya ipagpipilitan ko siya sa'yo. Ayokong magtaka ang apo ko paglaki kung bakit iba ang asawa ng Daddy niya." Matigas na sabi nito.
Napabuntong hininga ako. Ayokong ipakitang nanghihina ako. Ayokong ipakitang bumabalik lahat ng sakit na kahit kailan ay ayaw ko na sanang maramdaman ulit.
"Edi sabihin mo'ng hindi ko mahal ang nanay niya at bunga lang siya ng pagkakamali ko. Hindi naman siguro mahirap 'yun--"
Hindi niya natapos ang sasabihin nang bigla siyang sampalin ni Tita.
"Mommy!" Sigaw ni Mona sa likod niya.
"How dare you! Binuntis mo ang anak ko, so, you should take the responsibility! H'wag kang duwag. H'wag mong talikuran ang mag-ina mo."
Gusto kong maglupasay sa sahig. I never imagined this day would come. Akala ko worst na 'yung nakita ko sila sa hotel. Mas may worst pa pala na sakit akong pwedeng maramdaman.
"Sige na Van. You stay here. Ako na ang uuwi." Sabi ko saka nagsimula ng maglakad pero huminto ako sa tapat ni Mona. "Ang laki ng nasira mo." Pigil ang galit na sabi ko sa kanya kaya napayuko na naman siya. "Thank you for ruining my life. Sana sumaya ka na." Matigas kong sabi saka pigil ang luha'ng naglakad. Naramdaman kong sinundan ako ni Van pero hindi ako tumigil. Hindi ko siya nilingon.
"Pwede mo ba akong ihatid?" Tanong ko kay Mark matapos kong makarating sa kotse niya. Nandito pa rin pala siya.
Tiningnan niya ako nang may-awa sa mga mata. "Sorry, hindi ko sila nagawang pigilan." Hinging paumanhin niya pero binigyan ko lang siya ng malungkot na ngiti.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at akmang sasakay na sana ako sa passenger seat ng bigla akong pigilan ni Van.
"Anne naman.. H'wag mo naman akong iwan." Pagmamakaawa niya.
Tiningnan ko siya at nagsimula na namang mag-unahan ang mga luha ko.
"Van.." I uttered while crying.
"I am sorry.." Umiiyak ding aniya.
"Sshhh.. Lets go home." Sabi ko saka medyo nagliwanag ang mukha niya.
Tahimik lang kami habang nasa biyahe. Ngayon ko lang napansin na medyo malayo ang pinuntahan namin. Tahimik namang nagmamaneho si Van. Alam kong pinapakiramdaman niya lang din ako. Nasa labas lang ng bintana ang paningin ko. Hindi ko siya magawang lingunin. I sighed. We're supposed to be celebrating. Dapat masaya kami. Kung iiyak man kami, iy should be tears of joy. We should be enjoying the night but it ended up like this.
"Salamat sa paghatid." Sabi ko matapos makarating sa condo at akmang bababa na sana ako ng pigilan ako ni Van sa braso.
"Anne.. About earlier--"
"I'm tired. Let's just talk about it some other time." I cut him off. Agad akong bumaba ng kotse niya at walang lingon-lingon na umakyat sa unit ko.
Pagkasarado ko ng pinto ay agad akong napaupo sahig.
Ano ba'ng ginawa ko upang parusahan ako ng ganito? Bakit ba lahat ng masasayang nangayayari sa buhay ko ay parang temporaryo lang? Hindi ko ba deserve na magkaroon ng lifetime happiness? 'Yun lang naman 'yung hinihiling ko eh. I just wanted to be happy with the one's I love. Is that too much to ask?
Lumipas ang ilang minuto ay tumayo ako at dumeretso sa banyo. Matapos maglinis ng katawan ay umupo ako sa kama saka tinitigan ang cellphone kong kanina pa nag-ri-ring. Kanina ko pa nakikita ang pangalan at mukha ni Van sa screen hanggang sa pamansin ko ang bagong singsing na nakasuot sa daliri ko.
Siguro nga hindi kami ang para sa isa't-isa. Maybe Anne and Van are not meant to happen.
YOU ARE READING
A Lonely Broken Heart (COMPLETED)
Ficción GeneralNakakapagod umiyak. Nakakapagod masaktan. I feel like drowning but no one can save me.