Chapter 20

1.5K 35 2
                                    

Kinabukasan ay late na akong nagising kaya nagmadali akong bumangon. "Oh my God! Ang dami mo pang gagawin, Anne!" Bulalas ko habang patakbong pumasok sa banyo. Kung dati ay 30 minutes akong naliligo, ngayon 10 minutes nalang. I am really running out of time at ang dami ko pang designs na kailangang tapusin dahil kailangan na ito by the end of the week. Lima naman kaming designers pero pipiliin lang yung best designs kaya kailangan naming galingan sa paggawa, and honestly, out of five na natapos ko nung isang araw eh dalawa lang yung pumasa sa taste ko. Kaya nagsimula na naman akong gumawa ng bago. Kailangan kong makatapos ng apat dahil twenty designs ang ifi-feature namin sa fashion show.

Tapos na akong magbihis nang maalala kong dito nga pala natulog si Van kagabi. Sinilip ko ang couch and saw no one. Nakatupi na ang comforter na ginamit niya. Maayos na rin ang pagkakapatong ng mga unan sa ibabaw nito.

"Babe?" Tawag ko pero wala akong narinig na sagot kaya pumunta ako sa sala.

"Babe?" Tawag ko ulit at nung wala na namang sumagot ay sa kusina naman ako pumunta dahil baka naisipan niyang magluto.

Naikot ko na pati ang dirty kitchen pero wala talaga akong Van na nakita.

"Nasaan naman kaya yo'n?" Tanong ko sa sarili. Nang mapasulyap ako sa ref ay may nakita akong sticky note.

Good morning beautiful. :) masyadong mahimbing ang tulog mo kaya hindi na kita ginising. I forgot we have an early visit sa site today. Nagluto na nga pala ako. Pancakes lang yung nakayanan ko, Babe. Hehe. Kainin mo 'yan ha. I made it with love. I love you!

Natawa ako. Kahit sa sulat ang kulit niya. Agad akong kumuha ng plato at nagsimulang kainin ang ginawa niya. Pagkatapos kumain ay nag-ayos na ako ng sarili at naghanda para pumasok.

Dumeretso na ako sa mesa ko pagdating at mabilis na nagtrabaho. I was busy highlighting the details when I heard my phone rang.

"Hello?" Sagot ko. I was wearing my earphones dahil ayokong tumigil sa ginagawa.

"I miss you." Napangiti ako.

"Kaninang umaga lang tayo huling nagkita ah?"

"I wanna see you every moment of my life, Babe." Malambing na aniya. "Saka tulog ka kanina kaya hindi ako nakapuntos. Hehe."

"Sa landi mong 'yan? For sure ninakawan mo na naman ako ng halik."

"Hala grabe siya!"

"Sabihin mong hindi." Hamon ko.

"Isa lang naman eh!" Sagot niya. Nagpipigil naman ako ng tawa.

"Talaga? Isa lang?"

"Oo na! Tatlo na!" Amin niya kaya tuluyan na akong natawa. "Nabasa mo yung iniwan kong note?"

"Oo. Ang sarap nung pancake." Sabi ko.

"Talaga? Nagustuhan mo?" Excited niyang tanong.

"Oo. Sa sobrang sarap eh isa lang ang nakain ko."

"Ang sama."

"Biro lang." Maya maya pa ay may narinig ako mula sa kabilang linya na tinatawag siya. "Nasa site parin kayo?" Tanong ko.

"Oo eh. Mamaya pa kami matatapos."

"Hala. Magtrabaho ka d'yan."

"Nagtatrabaho naman talaga ako. I just called to hear your voice para mas lalo akong ganahan na magtrabaho."

"Sus. Bola." Sabi ko.

"Totoo yo'n!"

"Oo na, sige na. Magtrabaho ka na d'yan para matapos na kayo agad."

A Lonely Broken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now