CHAPTER ONE: I Want To Meet Her

947 35 12
                                    

Tahimik akong nakaupo sa swivel chair ko habang nakatutok sa laptop ko. Napapalibutan ako ng maraming libro at kung pagmamasdan ang paligid ko, hindi mukhang pang-office ang kwartong ito. More like of a library. Ito ang hiniling kong setup sa loob ng kwarto ng office ko dito sa bahay. Gusto ko yung napapalibutan ako ng libro since simula nung bata ako ay wala akong ibang naging hobby kundi ang magbasa ng mga libro at madalas ito ang ginagawa ko ngayon.

Hindi nilubayan ng mga mata ko ang aking binabasa kahit na naririnig ko ang katok sa pinto ko.

"Ma'am Kidrea." Rinig kong tawag sa'kin ni Manang Laura, isa sa mga katulong namin dito sa bahay.

"Manang, bukas po 'yan." Sabi ko nang hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa laptop ko.

Narinig kong bumukas ang pinto at yapak ni Manang Laura na papunta sa mesa ko. Nag-angat naman ako ng tingin at bumungad sa'kin ang nakatayo na si Manang Laura na naniningkit ang mga mata sa pagngiti. Hawak niya ang isang tasang kape na nakapatong sa isang platito.

"Ito na po yung pinatimpla niyong kape." Nilapag niya sa mesa ko ang tasa na may kape.

"Manang," nagtuwid ako ng pag-upo at ngumiwi kay Manang, "Ilang beses ko po bang sasabihin sa inyo na h'wag niyo na kong i-po?"

"Ah e, Ma'am Kidrea—"

"Oh, isa pa po 'yan Manang." Huminga naman ako ng malalim. "Kidrea na lang po, Manang. And please, wala na pong 'po'. Ako lang po ang pwedeng mag 'po', okay?" nangingiti kong sabi at napangiti na lang din si Manang Laura.

"Oh siya, tawagin mo na lang ako pag may kailangan ka pa, Ma—I mean, Kidrea." Humagikgik naman si Manang Laura nang muli ko siyang nginiwian dahil muntikan na naman niya kong tawaging 'Ma'am'.

Sumimsim ako ng kape at ibinalik muli ang tingin sa'king binabasa.

"Every word I say is true... This I promise you... Ooh, I promise you."

Ito ang mga katagang huli kong nabasa sa laptop bago tumunog ang cellphone ko dahilan upang bumaling ako doon. Nakita ko ang isang pamilyar na pangalan na tumatawag sa'king cellphone, si Gem.

Masigla kong kinuha ang cellphone ko at sinagot ang tawag.

"Hello Gem!" masaya kong bati.

"Kidrea!" nagtititili naman sa kabilang linya si Gem kaya napalayo ako ng konti at natawa. Ano bang tinira ng isang 'to at sobrang saya niya?

"Calm down, girl! Ano bang nangyari sayo 'te?"

"Ateng! Nabasa ko na 'yong natapos mong story!" si Gem.

"Oh! So how was it?" nangingiti at excited kong tanong.

"Grabe 'te! Ang ganda sobra! Sobrang nakakakilig! Halos mamatay-matay ako sa sobrang kilig 'te! Imba sa imagination!" hindi ko alam kung saan humugot ng ganitong kataas na energy 'tong si Gem. Grabe yung saya niya ah? Parang hindi lang isang bote ng Enervon ang nilaklak niya.

"Ang galing kasi talaga 'te! Ang lakas talaga ng dating sa'kin 'te! Feel na feel ko yung character doon ah?"

"Oo nga 'te. Hindi halata e 'no? Hindi ka na nakaget-over sa boyfriend mo." Umirap naman ako na parang kaharap ko lang siya. "Speaking of Floyd, kumusta naman kayong dalawa?"

"Well, we're okay. Still sweet as fuck." Humalakhak naman siya, "Oo nga pala, nabalitaan ko kay Tita Paula na uuwi ka raw this Monday ah! Ba't hindi ka man lang nagsasabi ha, ha?" sa tono ng boses niya para niya naman akong babanatan pag uwi.

Ngumuso naman ako kahit hindi niya nakikita, "Hay nako talaga si Mommy oh! Hindi talaga marunong magtago ng sikreto." Naiiling kong sabi.

"So you don't plan to tell me talaga ha?" si Gem.

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon