CHAPTER THREE: Habulan at Patintero

626 28 0
                                    

Nakaupo na ang lahat. Natahimik ang buong VIP Room sa pagdating ni RB. Kakaiba ang atmosphere na bumabalot sa VIP Room at hindi ko alam kung ako lang ang nakaramdam nun. May kung anong tensyon ang unti-unting nabubuo sa paligid namin. Hindi naman ako matigil sa paglalaro ng mga daliri ko na nasa lap ko. Kabado much ang lola niyo.

Okay kalma, Kid. Tao lang siya. Lalaki lang yan. 'Di naman siya siguro nangangain ng tao 'no? May pagka-biyernes santo lang talaga siguro ang ekspresyon niya ngayon.

"So," Jake gulped and clasped his hands before talking further, "RB, meet Kidrea Natalie Romualdez. She's the only daughter in the family of Kyle Drean Romualdez."

"Kidrea, meet RB." Nakangiting pagpapakilala ni Baste sa'kin sa lalaking tumabi sa kanya at hindi inaalis ang mga naniningkit nitong mga mata sa'kin.

"Bru, siya yung sinasabi kong kaibigan ni Gem na-"

Hindi naman natapos sa pagsasalita si Floyd dahil nagsalita bigla si RB.

"So, you're the one who messed up my life." Humalukipkip siya at nag-angat ng kilay na nakatingin sa'kin.

Messed up? Me? When did I mess up someone's life? Hindi ko gawain 'yang binibintang sa'kin ng parrot na 'to.

"E-Excuse me?" Kumunot naman ang noo ko at bigla siyang tumayo na ikinabigla ko.

"What an achievement, Miss! Thanks to you, my life is fucked up!" Nakalahad ang mga kamay niya na nag-iigting ang panga sa galit at matalim ang tingin sa'kin. Tumayo naman ang mga kasama niya at hinawakan siya sa braso para pigilan. Mukha kasing walang konsepto ng wag-pumatol-sa-babae 'tong lalaking 'to.

Hindi ko maintindihan kung paano niya nasabing nasira ko ang buhay niya. Ano bang problema niya sa'kin? E wala naman akong ginagawang masama. Hindi ko talaga makuha ang gusto niyang sabihin. Ni hindi nga kami close at hindi rin nagkakausap so paano ko nasira ang buhay niya?

"What the heck are you talking about, Mr. RB Cabrera? How can you say na sinira ko ang buhay mo? Ni hindi nga kita kilala personally."

"That's the idea, Miss! We don't know each other but you have the guts to use me for your fucking fame!"

What the heck is this guy saying? For fame? Ako ba pinaglololoko niya? E siya nga 'tong sikat e!

Hindi ko siya ginamit for fame at isa pa, wala akong pakialam sa fame na yan. I'm just a simple woman having a big responsibilty of managing our family's company. Yes, sikat ang pamilya ko pero wala akong pakialam kung sikat kami kaya naiinis ako sa mga taong iniisip na puro pagpapasikat at pagpapaganda lang ang alam ko.

Lalo na sa lalaking 'to na nasa harapan ko at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa'kin. I don't even know why I'm still here talking to a narrow-minded person like him.

"Kung hindi dahil sayo, e di sana kami pa rin ng girlfriend ko!" bulyaw niya na tinuturo-turo pa ko.

"Oh? Anong kinalaman ko sa relasyon mo with whoever your girlfriend is?" nagtaas na rin ako ng boses. Aba syempre! Hindi naman ako papatalo sa parrot na 'to!

"That stupid book of yours ruined my relationship!" sigaw niya at nag-igting ng panga ulit.

"RB!" pagbabawal ni Floyd pero hindi naman nagpaawat si RB.

"H'wag kang makialam dito, Floyd!" RB warned him.

"Oh? Anong kinalaman ng libro ko dito? Ano bang ginawa ng libro sa inyong dalawa ha?" naiinis kong tanong at lalong kumunot ang noo ko. Napatayo na rin ako sa inis.

"Nabasa ng girlfriend ko 'yang libro mo and she thought that it's based on a true story! Akala niya talagang mayroon tayong relasyon and she thought that I cheated on her!" aniya na nakasigaw at nag-aalburuto ng husto.

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon