CHAPTER FORTY-FIVE: Save

477 24 33
                                    

Inulan ng mga tanong si RB na nagmula kay Draze. Ni isang tanong, walang pinalagpas si RB. Pinapakinggan ko lang din silang mag-usap at ganoon din si Zaber. Minsan, tatango-tango at nangingiti rin sa mga pinag-usapan ng kakambal at ama niya. Pero hindi siya nakikisama sa nga biruan ng dalawa.

By now, unti-unting nadi-distinguish ni RB kung sino si Zaber at Draze. RB and Draze got along with each other. As for Zaber, I don't know if it's just me or... he's being distant.

It's usual for Zaber to have a serious demeanor. Sanay na ko sa mood niyang 'to. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit nakakapanibago ang katahimikang 'yon?

Something tells me na may hindi tama. Na parang may problema.

I watched him for some moment. Hindi nakatakas sa'kin ang matamlay nitong kilos sa hapag-kainan. I rested my hand on his shoulder, making him lift his gaze to me.

A timid smile crossed his face. Medyo napakunot noo ako dahil do'n at napaisip kung bakit ganoon na lamang ang ekspresyon ni Zaber. May problema ka ba, Zave?

Sumulyap naman ako kina Draze at RB. Busy ang dalawa sa pagkukwentuhan. My gaze went back to Zaber and he looked away and gazed over his food.

"Can you teach me some cool dance moves, Dy?" Si Draze na nagpout lips kay RB.

"Why not?" RB chuckled then disheveled Draze's hair.

"What's wrong, Zave?" I murmured as I made a light squeeze on his shoulder.

He shook his head without gazing away from his food. "Nothing, Mom..."

Hinaplos ko naman ang buhok niya, hindi na muling tinanong pa.

Maybe, he's still adjusting. Though, he's confusing me. Parang nung kamakailan lang, excited din siyang makita ang daddy niya. Pero ngayong ilang dipa't nasa harapan na niya, hindi niya mangitian ito. Seryoso lang siyang nagmamasid na para bang pinag-aaralan niya ang bawat galaw ni RB.

Then, bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Si Draze lang ang kumakausap kay RB no'ng nasa parking lot kami. Nanatili lang na nakatingin si Zaber kay RB na parang inoobserbahan niyang maigi ang ama niya.

Hindi kaya... nagtatampo siya rito dahil sa natagalan bago sila magkita? If that's the case, hindi dapat siya kay RB magalit.

Sa akin.

"Mom, a-akyat na po ako," ani Zaber nang matapos kumain.

Inalalayan ko siyang bumaba mula sa upuan. I turned to look at RB and Draze, and I found RB's puzzled look. Lumagpas ang tingin niya sa'kin at dumapo 'yon kay Zaber. Napahinto rin si Draze sa pakikipag-usap sa ama at napatingin din sa tinitingnan ni RB.

"Dad, w-wait lang..." bumaba naman si Draze mula sa upuan niya't mabilis na sinundan ang papaakyat na si Zaber.

My gaze went back to RB and his eyes met mine. He raised his brow as if he's asking me what's wrong with Zaber.

Hindi ko naman nasagot 'yon dahil hindi ko rin alam kung anong problema ni Zaber. Mamaya, pagkatapos naming magligpit at maligo, kakausapin ko siya.

Tahimik kaming dalawa ni RB na nagligpit ng mga pinagkainan namin. Ako ang nagligpit at si RB naman ang naghugas. Kala ko, magiging tahimik kami the whole time. Pero nagkamali ako nang magsimula nang magsalita siya, breaking the silence.

"I feel... there's something wrong with Zaber," he asserted.

I heaved a sigh. "After this, kakausapin-"

"Let me do that." He interrupted. "Seems to me he got jealous a while ago as he watched me and Draze talk..."

I furrowed my brow and turned to him. "Paano ka naman nakasisiguro that... that's the reason why his mood changed?"

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon