CHAPTER EIGHT: Hatid

506 33 2
                                    

Hindi naging boring ang ilang oras na naiwan kaming dalawa roon. Maraming kinwento si Mark tungkol sa pagiging silent reader niya at kung paano siya mag-react sa iba't-ibang stories na nabasa niya. I laughed at his jokes at bentang-benta ang mga 'yon sakin.

Hindi ko itatangging natutuwa ako dahil kinausap niya ko. Besides, nagpapasalamat pa nga ko at kinausap niya ko dahil kung hindi, baka nalason na ko sa sarili kong laway.

Matapos ang ilang oras na paghihintay naming dalawa kay Gem at Dine, kasama ang mga boyfriend nila, dumating na sila at katulad nga ng hinala ko, they really did it on purpose. Talagang binalak nilang iwanan kaming dalawa.

Mga impaktita talaga oh.

"Oh nasaan na 'yong sinasabi niyong bibilhin niyo ha?" Nagtaas ako ng isang kilay.

"Uhm," kinagat ni Gem ang kanyang ibabang labi. "Wala po kami sinabing bibili kami. Sabi namin may titingnan lang kami duh?" Aniya at ngumiti ng maloko. Alam na alam mong may ginawang kalokohan.

"Tara na Mark," pag-aaya ni Floyd at ngumiti naman si Mark 'tsaka tumayo.

Nilingon niya ko ulit, "Next time ulit. Nice talking with you, Miss Author." Ngumiti siya at naglahad ng isang kamay.

Imbis na kamayan siya ay tinampal ko 'yon at ngumisi, "Baliw. Kidrea na lang."

Tumawa naman siya at napangiti na lang din ako. Maloko naman akong tinitigan nung mga lovers at pinandilatan ko naman sila ng mga mata. Mga abnoy talaga.

Nung mga sumunod na araw, naging busy na ako sa paghahandle ng Power V Entertainment. Nagkaroon ng mga meetings and auditions na kailangan kong puntahan. I didn't expect that it's such a big responsibility to handle an entertainment industry. Mas magalaw at mas marami akong tasks na ginawa 'di tulad nang hinawakan kong business sa Paris.

Sumasama rin ako sa mga fan meetings ng mga performing groups at ngayong araw na ito ay nakatoka ako sa group ng Elite-S7.

"Anong oras ba darating ang Elite-S7? Nasaan na sila?"

"On their way na daw po, Ma'am. Na-traffic jam lang daw po diyan sa kanto." Jenny said.

Kumunot naman ang noo ko, "Traffic jam sa kanto? Wala naman gaanong traffic jam ngayon dahil Wednesday ah?"

"E sa 'yon ang sabi ni Manager Go e. May magagawa ba tayo?" Aba? Ang angas ah natin Jenny ah?

"E kung sabihin ko kaya kay Lola na kaltasan sahod mo 'te?" I raised eyebrows at her.

Ngumiti naman siya't nag-peace sign, "Joke lang naman po. Ito naman po, ang hot niyo naman po masyado, Ma'am."

"Ma'am mo 'to."

"Okay po Ma'am."

"Isa pa talagang 'Ma'am' at 'Po' mo, kokonyatan na kita." Ako.

"Sabi ko nga hindi na." Ngumisi naman siya.

Natawa na lang kami pareho dahil sa barahan namin. Pasimple akong sumilip sa gilid ng stage at nakita ko ang dagat ng mga taong naghihintay sa pagdating ng mga kolokoy.

Biruin mo 'yon, ngayon lang ako nakakita ng ganito karaming tao sa isang fan meeting. 'Yong mga nakaraang fan meetings na pinuntahan ko ay 'di ganito karami. 'Di tulad ngayon na halos mapuno na ang venue dahil sa dami ng fans na dumalo.

Well, I guess Elite-S7 is really that famous. Kung sabagay, they're good-looking and talented no wonder they have many fans.

"Good afternoon, Elites!" Umalingawngaw ang isang pamilyar na boses sa loob ng venue and the crowd screamed and cheered. Halos mabingi ako sa malalakas na hiyawan nila nang marinig ang boses ni Mark.

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon