CHAPTER THIRTY: Paranoid

354 18 29
                                    

A/N: Sorry sa napakahabang time na hindi nakapag-update. Multitasking po si Wormy. Graduating na kasi. Hehehe.

Anyway, enjoy reading guys!

--

Nabagabag ako nang husto sa mga sinabi ni Lorraline. Dinayo ng napakaraming kaisipan ang utak ko at hindi ito natahimik kahit pa ngayong nasa isang mamahalin kaming restaurant ni RB. I can't help but think of her. Especially, when she mentioned that she's making a move too which puzzled me.

Hindi ako gano'n kaganang kumain nang mga oras na 'yon. Hindi ko na nga masyadong nasusundan ang mga kinukwento ni RB dahil hindi ko matanggal sa isipan ko si Lorraline. Maraming tanong na naglaro sa isipan ko. Isang malaking palaisipan sa'kin ang pangingialam at pakikisawsaw ng babaeng 'yon sa mga bagay-bagay. I'm pretty much aware that she's after RB. Hindi naman ako tanga para 'di mapansin 'yon.

At, kahit nang nasa sasakyan na kaming dalawa ni RB at pauwi ay 'yon pa rin ang laman ng isipan ko.

"Are you okay?" RB queried, breaking me out of my thoughts.

"H-Ha?" wala sa sarili akong lumingon sa kanya.

Sinulyapan niya kong minsan at bumuntong-hininga. "You're too preoccupied. Is there something bothering you?"

Umawang naman ang bibig ko't mabilis na umiling. "W-Wala... naman."

Ngumuso naman siyang hindi inaalis ang tingin sa daan. "Nabusog ka ba? Gutom ka pa ba?"

I smiled weakly and shook my head. "No. Okay na ko sa kinain natin kanina."

Inikot naman niya ang manibela para iliko ang sasakyan sa street kung saan ang mansion namin. He sighed heavily as he parked the car on the right side of the street, just few meters away from our mansion's gate. Ramdam ko ang pag-aalala niya nang bumaling siya sa'kin nang mapupungay ang mga mata.

"Natalie, I wasn't born yesterday. I can feel there's something wrong," he asserted.

I sighed heavily. "Medyo napagod lang ako sa mga dami ng trabaho...." I lied.

Naninimbang ang kanyang tingin, tila hindi pa rin kumbinsido sa dinahilan ko. Parang kinukurot ang puso ko ngayong mas pinili kong hindi sabihin sa kanya ang tungkol sa peculiar movements ni Lorraline. I know that I should tell him about it. But I'm afraid that it might only add fuel to the fire. I know RB so well.

Mang-iinis kapag iniinis.

"Hmm... then, I should really get you home so you could rest." He finished with a timid smile.

I smiled and nodded. His somber gaze dropped to my hand and he held it gently. Ilang saglit niyang tinitigan 'yon bago suminghap at iginiya ang kamay ko sa pisngi niya. He rested his cheek on my palm, making my heart hurt. He kissed it once as he closed his eyes. Tila dinarama ang init ng kamay ko.

His eyes flew open and he laid his soulful eyes on me. "Can you promise me one thing, baby?"

"Hmm?" pinilit kong lumunok para pakalmahin ang naghuhuramentado kong sistema.

"No matter what happens, don't let me go...." Namamaos niyang sabi.

Parang pinipiga ang puso ko sa sakit nang marinig ko 'yon. Simple lang ang hiling niya pero naging mahirap dahil sa sitwasyon namin. If I were to choose, I would probably choose to end up with him. I want to spend my lifetime loving him. Gusto kong harapin ang bawat pagsubok sa buhay nang kasama siya. Kung pupwede lang, hindi na ko aalis sa tabi niya para lang maiparamdam sa kanya na wala akong balak iwanan siya.

But those things could only be done in fairytales with a happy ending. It's not pretty much applicable here in the real world. This world isn't make believe. That's why it's a sad world for some people.

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon