CHAPTER TWO: Not Just A Feeling

715 32 6
                                    

Matapos ang small party na naganap sa mansyon, inayos ko ang mga gamit ko and I took a shower. Sobrang init nga talaga dito sa Pinas. Kung sa Paris ay sobrang lamig, dito naman sa Pinas ay sobrang init. Napabukas tuloy ako ng aircon ng wala sa oras. Nagbihis ako ng presko para hindi pagpawisan at nag-blower ng buhok kong basa 'tsaka humiga sa aking kama. Sa totoo lang, I'm so effin' tired. Kanina ko pa gustong magpahinga kaso kabastusan naman kung iiwan ko sila doon after nang pag-eeffort nilang mag-organize ng small party para sa homecoming ko 'di ba?

Pagkapikit ko ng aking mga mata, nagdire-diretso na ang aking pagtulog at nagising na lang ako nang matapatan ng sinag ng araw ang mukha ko. Nakalimutan kong isara ang kurtina kagabi sa sobrang pagod at antok.

"Good morning, Kidrea!" bumukas ang pinto at dire-diretsong pumasok sina Gem at Dine. Napatakip naman ako ng kumot sa'king dibdib nang malala kong wala nga pala akong bra na suot.

"Asus! Nagtakip ka pa 'te! Pareho naman tayong babae duh?" ani Dine na natatawang nakatingin sa'kin.

"Be, dalawa likod mo remember?" Gem laughed. Binato ko naman siya ng unan na nasa tabi ko pero imbis na matigil ay ngingisi-ngisi pa.

"Bakit ba kasi ang aga-aga nandito kayo? Hindi ba kayo umuwi ha?" I squint at them.

"Umuwi naman kaso wala e. Namimiss ka namin babae!" akmang yayakapin na sana nila ako nang pigilan ko sila.

"Hep! Hindi pa ko naliligo!"

"Wala kaming pake!" hindi naman sila nagpaawat at sinugod nila ako para yakapin. Tawa naman sila nang tawa habang kinikiliti ako dahil nagpupumiglas ako. In the end, napangiwi na natatawa na lang ako habang niyayakap nila.

Sabay-sabay kaming bumaba sa dining room para mag-breakfast. Nadatnan namin si Jed na kumakain at nakasuot siya ng fitted na sando at jogging pants. Sumulyap siya saglit sa'ming tatlo 'tsaka bumaling ulit sa pagkain niya.

"Mag-jajogging ka brother?" tanong ko at umupo sa katabing upuan niya.

"Obvious naman 'di ba 'te?" aniya nang hindi ako nililingon.

Ngumuso naman ako't umirap, "Masama bang magtanong?"

Huminga siya 'tsaka lumingon sa'kin, "Where did your common sense go?"

Hinampas ko naman siya sa braso at binigyan siya ng pinakamataray kong irap. Ngingisi-ngisi naman yung dalawa at nagkibit-balikat lang nung sinamaan ko sila ng tingin. Usually ganito talaga kaming magkapatid mag-usap. Ikaw ba naman ang magkaroon ng kapatid na ganito kasungit at bossy. Hindi ko nga alam kung saan nagmana 'tong kapatid ko since pareho namang mabait sila mommy at daddy.

Siguro, nagkamali ng lagay ng pangalan sa crib yung nurse noon.

"Ngayon ang enrollment sa Del Gallego University 'di ba? What time ka pupunta doon?" tanong ko habang naglalagay ng palaman sa tinapay.

"Mga third day of enrollment na ko pupunta doon. Bukas pa ang dating nung mga papeles ko needed sa pagtransfer ko." Aniya at sumubo ng kanin.

"Oh e teka, 'di pa pala graduate 'tong si Jed?" si Gem.

"Anong nangyari? Ba't 'di ka pa nakatapos?" pagtataka ni Dine.

Bumuntong-hininga naman ako at pinasadahan ng tingin si Jed. Pinandilatan naman niya ko ng mga mata at alam ko na kung anong ibig sabihin niya nun.

"Better off not to talk about it." Sumimsim ako ng aking kape. "Someone might get pissed if I spill it out." Ningitian ko ang dalawa at todo pigil naman ako sa pagtawa dahil sa titig sa'kin ng kapatid ko. Kung kanina pinandidilatan niya ko, ngayon pinanliliitan ako ng mga mata.

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon