CHAPTER FORTY-THREE: Little Girl

363 21 34
                                    

A/N: Happy New Year! Balak ko sanang mag-post ng update ng exact 12 para sakto sa New Year. Kaso 'di kinaya ng powers ko. Hahaha. Anyway, here's my update! Sorry at napakatagal kasi OJT na.

Enjoy reading! Have a blissful year! Love love <3

--

Hindi ako pumasok sa sumunod na araw dahil sa paghahanda sa birthday ng kambal sa susunod na linggo. Tinanong din ako ng mga kaibigan ko kung anong plano ko. Naisipan kong magkaroon na lang ng maliit na salu-salo dito sa bahay. Nasabi ko naman kina Draze at Zaber ang tungkol do'n at ayos lang naman sila roon.

Since wala namang ibang magluluto para sa birthday nila kung 'di ako, bumili ako ng mga rekado sa supermarket ng mall. Sinamahan naman ako ng kambal sa pamimili. 'Di tulad ng ibang bata, ni isa walang dinampot ang mga anak ko na bilihin. They just helped me buy the necessary ingredients for their favorite pasta. Hindi rin sila nagpasaway at wala rin akong narinig na asaran nilang dalawa na usually nilang ginagawa.

Strange. Hmm...

Matapos naming mabili lahat ng kailangan for their birthday, dinala namin ang mga pinamili sa sasakyan at bumalik din kalaunan sa mall para mag-bonding. Thanks to Floyd, pinahiram niya muna ako ng sasakyan nang malaman niyang mamimili kami.

"Mom..." nilunok muna ni Zaber ang laman ng bibig niya bago nagpatuloy, "Sino-sino po ba ang pupunta sa birthday namin ni Drazy?"

"Javier, I told you not to call me "Drazy" bro," Draze hissed.

"Who's Javier?" pangangasar naman ni Zaber at pinalatakan lang siya ni Draze.

Uminom muna ako ng tubig bago sinagot si Zaber, "Ang mga tito't tita niyo."

"How 'bout Daddy, My?" pagsingit naman ni Draze.

Umiling naman si Zaber na para bang may nasabing mali ang kakambal niya. He caught Draze's attention when he let out a heavy sigh. Draze furrowed his brow and turned to face his brother.

"What's your problem, Zave?" ani Draze na pinagmamasdan ang kapatid niyang busy sa pagkain.

Kinabahan naman ako sa naging approach ni Draze sa kapatid niya. Mukhang mag-aaway pa yata ang dalawa.

Hindi naman siya inimik ni Zaber. Para bang hindi nito nakikita ang kapatid niya at uminom lang ito ng tubig. Akala ko ay wala siyang balak na kausapin si Draze pero nang huminto't bumugang muli ng hininga, pagod niyang binalingan si Draze.

"I don't have a problem, Draze. It's just that... you're so makulit. Can't you wait for that to happen? K-Kung makikita natin siya, that will happen. So, stop asking nang paulit-ulit si Mom."

"Tinatanong ko lang naman si My, Zave. B-Ba't ba ang serious mo masyado?"

"Oh... baka pag-awayan niyo pa 'yan," pagsingit ko nang maramdaman kong masyado na silang nagiging mainit sa isa't isa. "You two, don't fight okay? Hahanapin ko ang Daddy niyo, don't worry..."

Dumapo naman ang tingin nilang dalawa sa'kin. Seryosong tingin ang iginawad sa'kin ni Zaber, samantalang may linya ng kasiyahan naman ang kay Draze. I gave them a timid smile.

Hindi naman na magiging mahirap ang pagsasabi kay RB ng tungkol sa kambal. Matapos kong makupirma mula sa kanya nang nalaman ko ay babanggitin ko na ang tungkol sa kambal. I know I have a lot to explain to him once I've done that. There's a possibility he'll get mad at me dahil sa hindi ko pagsasabi nito agad sa kanya. Pero wala na akong pakialam do'n, ang mahalaga ay maipaalam at madala ko siya sa mga bata. All I want is for our sons to be happy.

That's one of my gifts to them. Bukod pa sa binabalak kong pagbili ng laruan nila.

"Watch after your brother, Zaber. I'll be back after an hour, okay? Don't forget to put the face mask on. That's for your protection."

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon