EPILOGUE

383 19 48
                                    

"Are you really sure about this?" tanong ni Baste nang sinabi ko sa kanyang aalis ako ng Elite-S7.

Anim kaming nasa loob ng conference room no'n. Wala si Mark no'n. Wala rin akong pakialam kung nasaan siya.

Tumango ako't pinagsalikop ang mga kamay ko, ipinatong 'yon sa lamesa at pinasadahan silang lahat ng tingin. Hindi mahirap para sa'kin talikuran ang pagiging idol. Sila itong nanghihinayang dahil alam nila kung gaano kapursigi noon para lang marating ko ang rurok ng katanyagan.

"Why all of a sudden you decided to quit?" kumunot ang noo ni James at pinagmasdan akong Mabuti, tila binabasa ang isipan ko.

Tumikhim ako't tinitigan ang mga kamay ko. "If this spotlight will hinder me to have what I really need..." nag-angat ako ng tingin kay James. "Then, I'll let go of it."

Just like what I said before, you can't have it all. You just can't. May mga kailangan kang isakripisyo para makuha ang ibang bagay.

"Today, I want to say goodbye to everyone and thank you for supporting me. I appreciate all your supports as I make my way to the top. I've just realized that the spotlight isn't meant for me. From now on, I'll start considering my needs too. What I'm saying is, I'll be living a simple life. And in order for me to have that kind of life, I will have to quit living under this spotlight..."

Iyon ang sinabi ko sa huling conference na dinaluhan ko. All eyes were on me. May mga ibang nagulantang at pinoproseso ang mga sinabi ko. Some were smiling warmly as they nodded their heads.

"Once again, goodbye and thank you." Mabilis akong tumayo at lumabas sa venue ng conference.

Sinubukan akong habulin ng mga taga-media. Pero hindi nila ako naabutan dahil sa pagmamadali kong makapasok ng sasakyan. Ilyza offered me to use her private jet to get back home. What I meant home, sa mansyon ng pamilya ko.

Memories flashed through my mind as the private jet landed on the helipad. Habang pinagmamasdan ang mansyon, naalala ko ang pagbabalik ko no'n para bisitahin si Mama sa mga huling araw niya rito sa mundo.

"What are you doing here?" Papa's voice thundered around the hall, making others look at our direction.

Nahinto ako sa paglapit sa kabaong ni Mama dahil humarang si Papa sa harap ko. Nasa likuran niya ang tatlo kong kapatid na mas bata sa'kin.

His eyes filled with anger and hatred bored into me. I was so scared that time, lalo na nang nakita ang pagkuyom ng mga kamao niya.

Lumapit si Drexon kay Papa. "Pa, hayaan na natin si Kuya—"

"Get out!" Dad hollered, he didn't give me a chance to at least have a look at Mama for the last time.

At first, natakot akong bumalik dahil baka itaboy ako ni Papa tulad no'ng bumisita ako sa funeral ni Mama noon. But then I realized it's time to face my fear of being rejected. 'Cause in life, rejections are inevitable. Kahit saan pwede mo siyang makaharap. You just have to learn to accept them and don't let those rejections prevail over your life.

Marahan ang bawat hakbang ko sa paunang hagdan ng mansyon habang pinagmamasdan ang kabuuan nito. Walang pinagbago ang putting mansyon. Naalagaan ito nang maayos at wala akong makitang bakas ng kahit anong sira.

Napahinto ako nang bumukas ang double doors nito't niluwa si Papa in his black formal suit. He was struck dumb as our eyes met. I was kind of taken aback when he slowly closed the door. Malamig na titig ang iginawad niya sa'kin. His usual serious demeanor never failed to scared my wits out of me.

Kung may nagbago man sa kanya, 'yon ay ang mga linya nito sa mukha dulot ng katandaan at medyo pagputi ng buhok nito. Pero bakas pa rin ang kakisigan na siyang minana ko mula sa kanya.

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon