CHAPTER NINETEEN: Surprise

493 25 34
                                    

Nagising ako sa sikat ng araw nang tumama 'yon sa mukha ko. Nakalimutan sigurong isa ng mokong ang glass door ng veranda kagabi. Ang isang 'yon talaga!

Paano na lang kung may manananggal dito sa lugar niya? E 'di nayari pa ang kahuli-huliang diwata dito sa balat ng lupa!

Hindi na rin kami nagkausap after niyang pumasok sa banyo. Hindi ko na siya naabutang lumabas doon dahil dinalaw na rin ako ng antok at nakatulog agad.

I stretched my arms, still lying on his bed. Then my gaze turned to the sofa, only to find na wala roon si RB. Kumunot ang noo ko at bumalikwas nang bangon mula sa kama.

Where's that parrot?

When the vision's around you

Bring tears to your eyes

Bumaling ang tingin ko sa pinto ng kwarto. I know that song so well. Syempre, nakalagay 'yon mismo sa story'ng ginawa ko. And other than that, it's my favorite song after all.

I'll be your strength

I'll give you hope

Keeping your faith when it's gone

Marahan kong binuksan ang pinto ng kwarto at sinilip muna kung may tao sa sala. Sa totoo lang, hindi pa ko handang makita siya matapos nang naging interaction namin kagabi. I can still feel his lips on my forehead and nose. Like what the hell, para siyang nag-iwan talaga ng mga marka sa parteng 'yon.

And I don't really get it kung bakit hindi man lang ako nanlaban.

Kidrea, amin-amin din. Alam mo 'yan, sus.

Tigilan mo 'ko, subconscious mind.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina kung saan nanggagaling 'yong boses. Nang makarating ako sa kusina, a man's back with a peculiar sexy curves in their right places welcomed me. The indentation of his spine made my lips parted.

Define hot: Blaze.

And I will take you in my arms

And hold you right where you belong

Til' the day my life is through

This I promise you

This I promise you

Napako ang mga mata ko sa kanya at halos mabato sa kinatatayuan ko. I was struck dumb to hear him singing my favorite song. To be honest, nakukuha na niya 'yong boses nung singer. His husky voice is music to my ears. He makes my heart race hearing him sing my favorite song.

He turned around and as our eyes met, medyo napatalon siya habang hawak ang frying pan. He's wearing an apron and sport shorts. I suddenly felt that familiar feeling na naramdaman ko kagabi.

Nag-init ang pisngi ko nang pinasadahan ko ng tingin ang topless niyang katawan na natatakpan lang ng suot niyang apron. I couldn't help but gulp as my eyes went to his biceps and veins almost popping out of his arms.

"Good morning, baby..." he said huskily and the corners of his lips turned up.

Marahan akong bumuga ng hangin, almost unable to speak as I stared at his eyes. Para akong nalalagutan ng hininga with his soulful eyes on me. Parang kulang ang hangin sa paligid para pakalmahin ang puso kong naghuhuramentado.

Kidrea, tinititigan ka lang. 'Wag ka ngang ano diyan!

"B-Baby ka riyan!" pilit kong kinunot ang noo ko.

He chuckled, "How sulky..." he shook his head and pouted his lips.

Sinulyapan ko naman ang wall clock at kumunot ang noo ko nang mapagtantong alas-sais pa lang ng umaga. Anong oras nagising ang lalaking 'to? Did he actually sleep?

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon