CHAPTER TWENTY-FOUR: Destroyed

358 19 14
                                    

Ni isa sa kanila ay walang umimik. Disbelief is written all over their faces. Sa naging desisyon ko, tanging sina Manager Go at Lorraline lang ang natuwa. I won't deny the fact that it's not really what my guts and my heart's telling me the whole time.

But... my mind was too powerful that it won over them.

Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Lorraline as she clasped her hands merrily. "It's settled then!"

Umigting ang panga ni RB habang mataman na nakatitig sa'kin. Sa mga mata niya, naghahalo ang galit at panghihina roon. Hindi ko masabi kung ano ang mas nangingibabaw. Tila sa kalagitnaan ng galit na sumisiklab sa kanyang mga mata, may pighati at sakit roon.

I looked away and took a sigh, pilit na kumakapit at naninindigan sa naging desisyon ko.

Lumipad ang tingin ko sa pinto nang umawang 'yon, hudyat ng pagbukas ni Jenny nito. "Kidrea, Madam Gia Romualdez is waiting for you in your office."

Nanlaki ang mga mata ko at sumibol ang kaba sa aking dibdib. I don't know if she already knew that I didn't come home yesterday. Pakiramdam ko, 'yon ang magiging sentro ng usapan namin.

Hindi naman ganoon kahigpit si Mamang. But since I'm the first born at inaasahang magtaguyod ng pinakamalaki naming company, she expects me to be responsible enough and that, I won't do anything that will put our name at risk.

"Excuse me..." lumunok ako bago sila pasadahan ng tingin. "I have to go."

I took one last glance at RB before moving out of the room. He looked at me with gloomy eyes, walang lakas at tila nangungusap.

But... I ignored him and still went out of the room. Sa dahan-dahan kong pagsara ng pinto, the excruciating pain surfaced, making me sigh in frustration and squeeze my eyes shut tightly.

My mind was clouded with thoughts. It seemed as though nag-usap ang family problems at sarili kong problema na magsabay silang pasakitin ang ulo ko. Nagkakandabuhol-buhol na ang utak ko sa dami ng iniisip, and mixed emotions filled my whole system. These thoughts were overwhelming that I couldn't think straight anymore. Parang gusto ko munang mawala saglit sa mundong 'to tapos bumalik na lang 'pag okay na.

But no, Kidrea. You're not that kind of woman. You don't run away from these raging problems. Basic lang sa'yo 'to. There's so much more to life than this.

Pinuno ko ng hangin ang aking baga and gathered my senses before facing my grandmother. Marahan kong pinihit ang pinto ko at lumingon si Mamang sa pinto. Sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi at binalik ko naman 'yon sa kanya.

"Mamang..." lumapit ako't nagmano saka siya hinalikan sa pisngi.

"Did I disturb you hija?" nag-aalangan niyang tanong.

Ngumiwi ako at umiling. "Hindi naman po, Mamang. Alam niyo naman pong malakas kayo sa'kin." I forced a smile.

Thinking that Mamang will be disappointed once she knew that my father cheated on my mom, I can't smile at her genuinely. Pinipiga ang puso ko sa sakit at sa ideya na hindi ko kayang isiwalat kay Mamang ang tungkol sa bagay na 'yon. Bitterness surfaced inside me as those thoughts began to bother me again.

I have an unbending determination to save my family from complete destruction.

"Hija," marahan niyang kinuha ang mga kamay ko. "I heard you didn't come home yesterday. Why?" aniya sa nag-aalalang tono.

"I stayed at a friend's house po. N-Nagkayayaan lang po na magkaroon ng get together." For sure, I'll rot in hell for lying.

"Hmm..." she tilted her head, seemingly trying to read my mind. "Wala ka bang problema, hija?"

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon