CHAPTER FORTY-ONE: Selfless

346 26 33
                                    

A/N: Sorry sa matagal na update. Supposedly, this should've been posted two days ago but as per Mudra, I need to rest dahil nag-palpitate ako three days ago. So tinago sa'kin si Lappy and ngayon lang siya binalik. Lol. So, ayon. Sorry na guys. Love you. Hihihi!

Anyways, enjoy reading!

--

Ilang saglit pa kaming nagkatitigan do'n. Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng bahay. Hindi ko alam kung kanino ako titingin. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Draze at Zaber na tila hindi makapaniwalang kasama ko ang ama nila.

Gumalaw ang kamay ng kambal at kinurot nila ang isa't isa. Pareho silang napadaing sa sakit at hinimas ang nakurot na parte.

"This is true..." si Zaber na hindi maalis ang tingin sa ama.

"We're not dreaming!" masiglang utas ni Draze at tumakbo para yakapin si RB.

RB knelt to receive his hug. Draze wrapped his arms around him as his eyes glistened with tears. RB's back muscles tightened as he hugged him back. He leaned his head on Draze.

Tears pooled in my eyes as I watched them. Magkahalong saya at lungkot ang naramdaman ko habang pinagmamasdan ang anak kong mangiyak-ngiyak habang nakayakap kay RB. Kilalang pilyo itong si Draze na iisipin mong hindi siya umiiyak. But seeing him crying while he's in RB's arms, nakakapanibagong makita siyang ganito.

Dumapo naman ang tingin ko kay Zaber na nanatiling nakatayo sa 'di kalayuan at nakatanaw lang sa kapatid at ama niya, tila prinoproseso pa nito ang nangyayari. Sumulyap siya sa'kin ng isang beses at nag-angat din ng tingin sa kanyang Tita Gem at Floyd na sumenyas sa kanyang ayos lang na lumapit sa kanyang ama.

I saw him gulp once before he started walking towards us. Marahan ang bawat hakbang nito na mistulang kinakabahan habang siya'y papalapit ng papalapit sa'min. Zaber scratched his nape as he furrowed his brow. Nag-angat naman ng tingin sa kanya si RB at marahan na kumalas sa yakap ni Draze. Humarap si Draze sa kakambal niya na hindi inalis ang tingin kay RB.

"Zave..." Draze wiped his tears and smiled at his twin.

"Zave?" RB shifted his gaze from Draze to Zaber.

Huminto si Zaber nang maging kuntento sa distansya nilang dalawang mag-ama. He laid his serious eyes on his father. Slowly, he lifted one arm, pointing his index finger to poke RB's cheek. Mistulang sinigurado muna ni Zaber kung totoo nga bang nasa harapan niya ang kanyang ama. Napangisi naman si RB sa ginawa ng anak. May kung anong mainit na humawak sa puso ko sa ginawang 'yon ni Zaber. It felt good to see my boys together. Hindi ko lubos maisip na magiging ganito ang reaksyon ng mga anak ko.

Pero biglang nag-iba ang ihip ng hangin sa sumunod na nangyari.

Dumapo ang maliit na kamao ni Zaber sa pisngi ni RB. Napayukong nakahawak sa mukha si RB at nagulantang kaming lahat sa ginawa ni Zaber. Lumipad ang kamay ko sa'king bibig sa gulat.

"Zave!" Draze trotted out to Zaber. "What the hell is wrong with you?!" Lumipad ang kamao ni Draze sa mukha ni Zaber na siyang ikinakaba ko.

Isang beses akong napakurap at pagbukas ko ng mga mata ko ay bumungad ang puting kisame sa paningin ko. I was breathing heavily. Napahawak ako sa dibdib ko at ramdam na ramdam ko ang bayolenteng pagtibok ng puso ko. Nag-angat ako ng tingin sa tabi ko at bumungad sa'kin ang maamong mukha ni RB, payapang natutulog. He looked so damn handsome even with lights off.

Do'n ko lang din napagtanto na panaginip lang ang eksenang nagkita silang mag-aama dahil nasa sofa pa rin kaming dalawa. He was hugging me and his arm was my pillow. Suot ko ang white longsleeves niya, and he was topless. Hindi pa rin humuhupa ang nakakalasing niyang pabango. I would never ever get sick of his manly scent.

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon