CHAPTER FIVE: Being Something That I'm Not

553 28 0
                                    


Pinaharurot ko ang sasakyan ko sa maluwag na highway. Hindi ako galit. Nairita lang ako sa inasal ng girlfriend ni Parrot. Napakakitid nga naman talaga ng ibang tao e 'no? Yan ang mahirap sa ibang tao, hindi marunong magtanong. Hindi muna inaalam ang totoong pangyayari bago umaksyon. Kung nakamamatay lang ang maling akala, malamang tigok na ang isang 'yon.

Malayo pa lamang ako ay binuksan na ng security ang gate ng aming mansyon. Pinarada ko ang sasakyan ko at pinatay ang makina. Nakakapit pa rin ako sa manibela at huminga ng malalim. Damn, I'm tired as fuck. Masakit ang mga paa ko dulot ng ginawa kong pag-walk out kanina sa inis kay RB.

Bumukas ang double door ng mansyon at nag-bow naman ang mga katulong sa pagdating ko.

"Mga ineng," pagod ko silang tiningnan. "Hindi na kailangang mag-bow ha? Next time, wala ng magbabow sa'kin, okay?" sabi ko at bahagyang ngumiti sa kanila.

"Yes po Ma'am Kid-" pinutol ko sa pagsasalita 'yong isang maid.

"And no 'Po' and 'Ma'am' please. Kidrea na lang." Sabi ko at ningitian siya.

Tumango naman silang pareho nang nakangiti at nilagpasan ko naman na silang dalawa. Nang makarating ako sa sala ay nadatnan ko na naman ang kapatid kong nakaupo sa sofa na nanonood at may hawak na bowl ng popcorn.

"Oh! Ba't ngayon ka lang, Ate?" tanong niya.

"Don't ask, Bro. I'm tired." Sagot ko at nag-angat ng kamay, senyas ko na ayaw ko munang pag-usapan ang mga nangyari ngayong araw.

Pahakbang na ko sa isang baitang sa hagdan nang hinigit niya ko sa braso at sapilitang inupo sa sofa.

"Jed! Ano ba?! Pagod ako, okay?!"

"Pagod mo 'to! Ako, Ate ha! Nauwi lang tayo dito sa Pinas, naging tagsungit ka bigla! Ano bang nangyayari sa'yo at puro 'Don't ask' ang linya mo ha?" aniya na ginaya pa ang boses ko nung sabihin ang linya ko.

"Aish! Pagod lang talaga ako, okay?"

"Ngayon ko lang narinig sa'yo na napapagod ka. Ang alam ko pag ganyang pagod ka, may nangyaring hindi maganda e. Why don't you just be honest with me and tell me what's wrong?" nakakunot ang noo niyang sabi nang mataman ang mga mata niyang nakatitig sa'kin.

I took a sigh and lowered my gaze into my hands, "Nagkausap kami nung isang member sa Elite-S7."

"Okay? So sino sa kanila ang nakausap mo?" ani Jed na nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin pa rin sa'kin.

"Well, yung leader nila," I gulped. "Si RB."

"And then... what happened?"

"Pinipilit niya kong i-delete 'yong ginawa kong story sa website, pero hello? Kahit i-delete ko 'yon, still na-publish na 'yong book at marami na ring nakabasa so what's the point of deleting it, right?" napahilot ako sa aking sentido saglit bago nagpatuloy.

"E sabi ko naman sa kanya na hindi madaling gawin 'yon. You know how important that book is, Jed. Alam mo kung anong naging struggles ko para lang matapos ang book na 'yon." Dagdag ko pa at tumingin ng mata sa mata kay Jed.

"Ano bang dahilan niya kung bakit pinadedelete niya 'yong story mo? At paano kung hindi mo i-delete ang story? Anong gagawin niya?" si Jed.

"Nag-break sila ng girlfriend niya dahil akala ng girlfriend niya at based on a true story 'yong story ko. Kung hindi ko ide-delete ang story ko, idedemanda niya daw ako."

Kumunot naman ang noo niya lalo at ngumisi, "Ang babaw naman nun, Ate! Nang dahil sa story mo, naghiwalay sila? Nauubusan naman ng common sense ang mga tao ngayon? Fictional story 'yong ginawa mo kaya nga nasa Fan Fiction ang category nun 'di ba?"

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon