CHAPTER SIXTEEN: Cry

419 24 3
                                    

Lutang at wala ako sa sarili nang makarating ako sa restaurant na pagkikitaan namin ni Aeron. Parang naiwan sa Power V, particular sa lift, ang kaluluwa ko nang dahil sa nangyari. Even now that we're apart, I can still feel his lips on mine.

Kinginang Blaze 'yon. Ginalingan!

"Ready to take your orders, Ma'am," napabaling ako sa waiter na lumapit sa'kin, breaking me out of my thoughts.

Walang ibang pumapasok sa utak ko kundi ang kissing scene na naganap sa lift. Paulit-ulit na nagsirkula sa isipan ko ang imahe naming dalawa at ang nag-aalab na apoy na umusbong sa loob ko habang ginagawa namin 'yon.

I still can't believe that I let that happen. And I even enjoyed it!

Damn you, Kidrea!

"One order of smoked tounge with sauce..."

"P-Pardon, Ma'am?"

Nandilat ang mga mata ko at pinilig ang ulo ko, "I... Uhh... A-I mean, m-mamaya pa ko oorder. I'm waiting for someone. For now, can I have a glass of water?"

Tumango't ngumiti naman ang waiter bago umalis. I took a sigh as the thoughts of what happened earlier bugged me again. I can't believe it really happened!

Ang hindi ko pagpalag at hindi ko pag-alma sa ginawa niya kanina ang hindi makapagpatahimik sa'kin. At mukhang hanggang ngayon, panay pa rin ang pagsasaya ng mga paru-paro sa loob ko. Hindi maka-get over sa ginawa ng bata nila!

Hays!

Mangalumbaba akong tinuon na lang ang mga mata ko sa paligid. Nasaan na ba ang Aeron na 'yon?

Ang usapan alas nuwebe kami mag-uusap. Pero mag-aalas diyes na ay hindi ko pa rin nakikita ang anino ng isang 'yon. Ni utot niya ay 'di ko naaamoy!

"Mukhang hindi ka na sisiputin ng hinihintay mo ha?" isang baritonong boses ang nagmula sa likod ko.

My eyes grew wide as I heard that familiar voice. Hindi ko pa man siya nililingon ay alam ko na kung sinong nagmamay-ari ng boses na 'yon.

Palingon na sana ako sa likod nang bahagyang mapaatras ako. Tumambad ang mukha ni Mark sa gilid ko at halos ilang sentimetro lang ang layo ng mukha namin.

Napahawak ako sa dibdib ko, "M-Mark!"

He tilted his head to face me, "Did I startle you?"

I gulped, nag-aalanganing ningitian ko siya, "N-Not at all..."

Umalis naman siya sa pagkakayuko at pinagmasdan siyang nagtungo sa kaharap kong upuan. Mga ilang saglit akong napakurap-kurap sa kanya at pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya.

He's wearing a black button-down long sleeves, sleeves rolled up just under his elbow. Naka-tucked in siya at kabaliktaran ng kulay ng long sleeves niya ang suot niyang slacks na medyo kumakapit sa binti niya which defined its muscles, and a pair of shiny black leader shoes. Maayos na nakataas ang buhok niya at nangingintab ang matangos niyang ilong nang matapat siya sa ilaw.

Halos lahat ng babae sa paligid ay 'di maalis ang mata sa kaharap ko.

"Can I sit here?" aniya at nginuso ang upuan na kaharap ko.

Tumango ako and he gave me a warm smile before sitting on the empty chair. Huminga siya nang malalim bago ako tinapunan ng tingin na parang naghihintay siya ng explanation ko kung bakit ako naririto.

He clasped his hands and put it on the table, "So... what brings you here, Kidrea?" nakangisi niyang tanong.

"May kakausapin lang sana. But I think you're right, hindi na ko sisiputin n'on."

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon