CHAPTER TWENTY: One Kiss

501 21 16
                                    

Trouble. I think I'm in a big trouble.

Hinding-hindi na yata kami magkakasundo kahit kailan ng tadhana. Madalas siyang hindi pabor sa akin. But it keeps me expecting things will be good as how it should be. Then kapag nahulog ako sa patibong na 'yon, paglalaruan ako sa palad nito.

Nanatili akong tahimik at nakayuko na parang may sala kay Gem at Floyd. Pareho silang nakahalukipkip at nakatayo sa harap naming dalawa ni RB, staring at us like we did something iniquitous. RB is sitting beside me with arms folded over his chest, at nilalaban niya ang paninitig ng dalawa. His expression has no evidence of fear despite of the situation. Samantalang ako, nanlalamig ang mga kamay at halos sumabog na ang dibdib ko sa kaba at hiya sa nadatnan ng dalawa.

"What have... we just seen?" Floyd tilted his head and cocked a curious brow.

I can sense Floyd's eyes are on me. Naghihintay sa paliwanag kong hindi ko alam kung saan ko rin hahagilapin.

Sometimes, I just hate myself for being reckless. Sana ay hindi ako sumuko. Sana tinulak ko na lang si RB para sana walang confrontation na nagaganap ngayon.

RB smirked, "Ano ba sa tingin niyo ang nakita niyo? Malamang kami."

Nag-angat ako ng tingin kay Floyd na napaawang ang bibig at napahawak sa noo niya.

"Hoy! Ransom, nahihibang ka na ba ha?" suminghap si Floyd at kumunot ang noo niya.

"Naririnig mo ba ang sarili mo, RB?" pinanlakihan siya ng mga mata ni Gem.

Mariin akong pumikit at huminga nang malalim, "Kung ano man ang nakita niyo kanina-"

"Kalimutan na lang namin?" bumaling silang dalawa sa'kin at nagtaas ng kilay.

"We'd never forget what we saw," ngumuso si Gem at pinaningkitan ako ng mga mata.

Bumagsak muli ang tingin ko sa mga kamay ko at mariin na pumikit. Gusto kong sampalin ang sarili ko sa sobrang inis. Kung pwede ko lang i-rewind ang pangyayari kanina, sana sinikmuraan ko na lang si RB para 'di na nauwi sa landian portion!

But damn, I can't deny the fact that I like it as well. Traydor ang malalanding hormones.

"Dahil..." Floyd sighed, "Actually we've been waiting for this day to happen."

As he said that, I did a double take. Ramdam ko rin ang pagtigil ni RB at nagkatinginan pa kaming dalawa. Napaawang ang bibig ko at hindi pa rin makapaniwala sa narinig ko. Is this for real?

Hindi sila... galit?

Bumaling ulit ako kay Floyd, "What do you mean?" Nakakunot-noo kong tanong.

May multo ng ngiti sa labi niya at ngumuso siya saka pumamewang, "I knew there's something between the two of you."

Gem pursed her lips pero sa huli 'di rin napagilan ang pagngisi niya, "Pero shit lang talaga kayong dalawa! I almost had a heart attack sa nadatnan namin kanina!"

"H-Hindi kayo g-galit?" nag-aalangan kong tanong.

Floyd groaned a laugh, "Bakit naman kami magagalit?"

"Tuwang-tuwa pa nga ako for you, bes! Kasi sa wakas, you're not going to live alone in this world!" ani Gem na mukhang matatae na ng confetti sa sobrang saya.

"Plus, may aanakin pa ko sa favorite human ko!" Masayang utas naman ng boyfriend niya at naghawak kamay pa silang dalawa habang nagtatatalon.

I was struck dumb. Nahirapan akong iproseso ang mga sinabi nila at hindi makapaniwalang nagliligaya pa silang dalawa sa harap namin. I was too shocked to see them happy with the situation.

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon