CHAPTER FORTY-NINE: Wife

363 23 10
                                    

Nagkasundo kami ni RB na dalhin na muna ang kambal kina Floyd at Gem. Maaga kaming nagising kahit pa late na kami nakatulog kagabi dahil sa hindi pa nakuntento sa isang beses si RB. I think we'd done it three times. I didn't know he's that insatiable. At hindi rin nagbago ang intensidad ng galaw niya sa gabing 'yon.

Sore and sleepy, I still managed to wake up early. Just like what RB does every morning, nagluto siya para sa breakfast namin. Medyo inaantok pa nga ang mga bata while having our breakfast. I was already wearing a formal all-white suit while RB was in his all-gray suit. And again, the twins acted like grown up men. Sila na ang nag-ayos sa mga sarili nila kahit pa nagpumilit akong tulungan sila.

"Mommy, we're fine. We can do it ourselves," ani dalawang bata at napailing na lang ako.

I don't know if I should be grateful they're being like this. Pakiramdam ko ay maagang kakawala sa'kin ang dalawang 'to. Hindi naman ako binaback-upan ng ama nilang parrot. Mukhang masaya pa sa pagiging independent ng mga anak namin!

"Blaze, magti-three years old pa lang ang mga anak mo for Pete's sake..." nasapo ko ang aking noo habang nakaupo sa sofa at pinagmasdan lang ang dalawang kambal na umakyat sa second floor.

RB sighed heavily as he sat beside me. "Let them grow independent. I don't see anything wrong with that?"

"E paano kung mali na ang ginagawa ng mga anak mo?" nag-angat ako ng isang kilay sa kanya.

He turned to me, staring at me darkly. "Mga anak natin, Kidrea. Kung sakaling mali man ang ginagawa nila ay do'n ko lang sila pakikialaman. They will surely need our guidance on that."

Ilang beses pa naming pinagtalunan ang tungkol sa bagay na 'yon habang hinihintay ang mga bata na makababa. In the end, ako rin naman ang talo. He successfully proved that there's nothing wrong with letting our kids be independent. Hindi na ako nakaimik at pinalipas na lang ang usapan namin.

Natatakot lang talaga siguro ako na maiwan ng mga anak ko. Yes, I'll be happy for them once they found the one for them. But I can't help but get sad knowing that magkakaroon na rin sila ng sari-sariling buhay kapag ganoon.

Wow, Kidrea! Ang advance mong mag-isip? Magtatatlong taon pa nga lang ang mga anak niyo!

Nang makarating kami sa mansyon nina Floyd at Gem, nadatnan namin na naghihintay sila sa labas ng mansion, kasama sina Dine at Jake. Buhat-buhat at bahagyang niyuyugyog ni Jake si Strauss.

'Yong totoo, sino ba talaga ang magulang nitong si Strauss? 'Di ko alam na babysitter na pala 'tong si Jake?

"Tito Kyle invited us to join the dinner. Sasabay na lang namin ang kambal sa pagpunta mamaya," ani Floyd at binuhat si Zaber.

Medyo nabigla ako sa sinabi niyang 'yon at kumunot ang aking noo. "Bakit daw?"

"Magkakasama kasi sila ngayon nina Mommy at Daddy. May pag-uusapan daw sila about sa kompanya. Maybe, another deal?" Gem shrugged then smirked.

Marahan akong tumango as I pursed my lips. RB's arms then snaked around my waist and pulled me close to him. Pinaningkitan ko naman siya pero ang loko ay ningisian lang ako. Umirap at ngumisi naman ang dalawang mag-asawa. Napailing na lang at napabuga ng hininga sa pagiging clingy nitong si Parrot.

"Shall we go, Natalie?" he asked huskily.

Tumango ako at muling hinarap ang mga kaibigan. "Kayo na muna ang bahala sa kambal guys. I'm sorry sa abala."

"Ayos lang. Baliw 'to! Para namang ibang tao kami sa'yo!" si Dine.

"Atsaka it's a good thing na narito sila. At least, may nakakalaro itong si Strauss namin." Bumaba ang tingin niya kay Draze at nagkangitian silang dalawa.

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon