CHAPTER ELEVEN: Jelly

452 25 4
                                    

Sa bilis ng pangyayari, ang sumunod na nangyari ay nadatnan ko na lang ang sarili kong nakaupo sa shotgun seat at tinitingnan na lang ang mga nadadaanan namin. Nakita ko naman sa isang malaking relo sa labas ng restaurant ang oras and it's past midnight. Bumuntong-hininga ako at sinandal ang ulo ko sa bintana.

Shit! I'm dead to my mom.

"Nakakain ka ba ng maayos sa restaurant ko?" Hindi ko alam kung talaga bang concern siya kung nakakain ako o pinagyayabang niya 'yong restaurant niya.

Nagpakawala ulit ako ng hininga at nakatuon pa rin sa daan, "What do you think?"

"Hmm... I think hindi," aniya nang nakangisi at hindi inaalis ang tingin sa daan.

"Ano bang mayroon sa Power V ngayon?"

"It was just an alibi," lalo siyang ngumisi.

Ngumuso ako para pigilan ang pagngisi ko. Ever since no'ng nagkakilala kami, ngayon pa lang ako natuwa sa mga pinaggagagawa niya. Pero naramdaman ko sa loob ko na hindi lang 'yon ang nagdidiwang ngayon at mukhang pati ang mga paru-paro ay nagpipiyesta rin sa tiyan ko.

Damn, butterflies. Parang dumarami yata kayo?

Humalukipkip ako at sumandal sa upuan, "So... you're just going to take me home?"

Suminghap siya at nakita ko sa gilid ng mata ko na tumingin siya sa'kin bago lumingon ulit sa daan. My fingers were fidgeting and I could feel my knees trembling. Parang bumaliktad ang tiyan ko nang mga oras na 'to. May parte sa'kin na may gustong marinig mula sa kanya at mukhang magwawala kapag hindi nasunod ang nais nito.

Shit! I don't want to go home yet.

But it's late, Kidrea! Dapat nga ay nakauwi ka na ng alas-onse, 'di ba? Yari ka na kay Mom and Dad!

Wait a minute. Speaking of them, bakit nga ba hindi pa nila ako tinatawagan gayong 'di ako nakatupad sa alas-onse?

Saktong pagkaisip ko no'n ay bahagya akong napatalon at napahawak sa dibdib ko nang biglang may nag-ring na bumasag sa katahimikan sa loob ng sasakyan. Tumugtog ang kantang "It Girl" ni Jason Derulo and I'm pretty sure it's not mine.

Nilingon ko si RB na gumalaw at sinuot ang bluetooth earphone sa kanyang tainga nang isang kamay lang.

"Hello," sinipat niya ko ng tingin bago bumaling ulit sa daan, "Yeah, she's with me. I'll bring her there so don't panic, okay?" umiling at ngumisi siya nang mala-demonyo.

"Gago! Oh siya, I'm driving! Alright! Okay!" hanggang sa pinatay niya ang tawag ay hindi pa rin niya inaalis ang ngisi niya.

Bigla akong dinalaw ng matinding kaba sa way ng pakikipag-usap niya. I feel like he's up to something evil and I kind of feel scared. Pinilit kong isara ang mga kamao ko at pakalmahin ang sarili ko dahil kung hindi ko gagawin 'to, baka 'di pa nagagawa ang crime ay mamatay na ko nang dahil sa heart attack.

I've seen a lot of thriller movies at madalas ganitong scene ang napapanood ko. Kasama ng biktima ang killer sa iisang sasakyan, tahimik at walang umiimik. Tapos 'pag nahanap ng killer ang best spot para patayin ka saka ka sisimulang balatan ng buhay o kaya naman gilitan sa leeg.

Like what the fuck! Ayaw kong mangyari sa'kin 'yon mga bes!

Tumikhim ako at pinuno muna ng hangin ang baga bago mahinahong nagsalita, "S-Saan mo ako dadalhin?"

He stopped the car as the traffic light went red. Nagmistulang bingi siya at hindi pinansin ang unang pagtatanong ko kaya muli akong nagtanong. Biglang pumasok sa utak kong may electroshock weapon ako sa bag. Kaya dahan-dahan kong pinasok ang kamay ko sa bag at hinawakan ang electroshock weapon.

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon