CHAPTER THIRTY-NINE: Hurts

336 29 9
                                    

Sinubukan kong tanggihan ang dinner na gusto niyang mangyari. Kinabahan ako sa katotohanang susunduin niya ko rito sa bahay niya at hindi malabong magkita sila mag-aama. No'ng una, ayos pa ang ideyang ipakilala ang kambal sa kanya. Pero nang mabanggit niya ang tungkol sa pamilya ay nagbago ang aking isip. Iniisip ko pa lang na malalaman ng mga bata ang tungkol do'n ay nalulungkot na ko.

Hindi ko kayang malungkot sila dahil alam ko kung bakit nila gustong makita ang ama nila. They are hoping for our reconciliation. Na mabubuo kaming apat at makakasama nila ang kanilang ama.

"I told you, I can't make it to the dinner meeting you've set." I sighed, pinching my brow.

Isang text ko lang na hindi ako makakapunta sa dinner meeting na gusto niyang mangyari, tumawag na agad siya at hindi ako tinigilan kahit na panay ang tanggi ko sa kanya.

"Bakit hindi? Hindi ba't priority mo ang work ngayon? May iba ka pa bang pinagkakaabalahan?" I could hear sarcasm in his tone.

"Who are you to ask me such things? Bakit ba ang dami mong tanong? Wala naman sigurong nakalagay sa kontratang pipirmahan ko na pwede mong pakialaman ang private life ko 'no?"

"I need a valid reason why you can't make it to the dinner," he said in a cold tone.

"Masama ang pakiramdam ko. I need to rest."

Bumuntong-hininga siya. "Then, diyan na lang tayo mag-meeting sa bahay ko."

"Bahay mo?" I smirked. "Hindi mo na pagmamay-ari 'to, Ransom. Binili na 'to sa'yo ng pinsan mo!"

"And you think it's true? Hindi mo man lang ba naisip na kasapakat ko siya sa lahat ng 'to? He's my cousin, remember?" aniya na may bahid ng pangangasar.

I squeezed my eyes shut in frustration and irritation. Napamura na lang ako sa isip ko sa sobrang irita now that it dawned on me that Denzel is his cousin.

I groaned in frustration. "Basta, hindi ako makakapunta ngayon sa dinner meeting. Set it some other time. I'm sorry...."

Hindi ko na hinintay pa siyang umimik at pinatay ko na ang tawag.

Pabagsak akong humilata sa kama ko. Mag-isa lang ako sa bahay dahil matapos ng pag-uusap namin ni Gem, nagpaalam siya para puntahan sina Floyd at ang kambal. Nagpaiwan na lang ako dahil nahapo ako sa pagkikita namin ni RB. Sinabihan ko na rin na 'wag munang iuwi ang kambal dito nang mga bandang alas-siyete ng gabi dahil baka pumunta si RB dito para ipagpilitan ang dinner meeting na gusto niyang mangyari.

I do know him a bit. Alam ko kung gaano katigas ang bungo ng ama nina Draze at Zaber. Kahit ilang beses kong tanggihan, hinding-hindi siya papayag. Himala na lang talaga kapag nakinig at tinanggap niya ang desisyon ko.

Kahit ilang beses kong kumbinsihin na para sa mga anak ko ang lahat ng 'to, hindi ko lubusang matanggap na magtatrabaho ako under him. Hindi ko maatim na sa kanya nanggaling ang big break na binigay sa'kin. Ilang beses ko nang nilunok ang pride ko, hindi ko pa rin talaga kayang tanggapin!

I hate the fact na iisang hangin lang ang hihingain namin. Feeling ko masu-suffocate ako. Mistulang naging masikip ang mundo para sa'kin ngayong nalaman kong planado ang lahat ng ito. Kung nandito lang si Denzel ay katakot na mura talaga ang ibibigay ko sa kanya!

No wonder he didn't come with us. Alam niya sigurong bubungangaan ko siya!

I just hope na hindi siya madalas sa building ng kung ano mang kompanya ang ipapahawak niya sa'kin.

"Bakit ba kasi nilalayo mo pa 'tong kambal sa ama nila? Malalaman at malalaman din naman niyang may anak siya," Ani Gem sa kabilang linya nang kinamusta ko ang mga anak ko.

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon