CHAPTER TWELVE: What If

465 27 9
                                    

Nang tuluyan akong makalabas ng bar, pinilit kong makalapit sa gilid ng daan kahit pa umaalon-alon at nangangalumata na ko sa epekto ng alak sa'kin. Ngayon ko lang naranasang umikot ng ganito ang mundo ko nang dahil sa alak. I think I've drunk too much.

Kingina naman! Ba't ngayon pa kita naramdaman ng husto?

At mukhang nakipag-tandem pa 'yong alak sa frustrations na nararamdaman ko na hindi ko alam kung saan nanggaling. Hinilamos ko ang palad ko sa mukha ko; wala na akong pakialam kung nasira ko ang make-up ko tutal mukha na rin naman akong sabog.

Saan nga ba ko nanggagaling? Bakit ako nagkakaganito nang dahil lang sa naglapat na labi nilang dalawa?

Bago pa man ako makataas ng kamay sa ere para parahin ang paparating na taxi ay biglang may humablot ng palapulsuan ko at hinigit ako ako pabalik.

"What the hell?! Ano ba?!" nanlaban ako pero sa sobrang higpit ng hawak niya, hindi ako nakawala.

"Where do you think you're going?!" galit niyang utas at hindi ko pa man siya nililingon ay nakakasigurado akong si Parrot ang kausap ko.

"Let go of me!" Padabog ko siyang nilingon at hinila ang palapulsuan ko pero hindi pa rin niya ito binitawan.

"No, I won't! I'm in-charge of you!" mas humigpit ang hawak niya sa palapulsuan ako.

"No one is in-charge of me! I can take care of myself, dude!" kahit pa umiikot ang mundo ko ay hindi ako papatalo sayo sa parrot na 'to.

In-charge mo your ass! Tss!

Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga, isang ebidensya na nagpipigil siya ng galit at mukhang malapit ng sumabong sa inis. Mabilis ang pag-angat baba ng dibdib ko at hindi ko alam kung bakit naramdaman kong may tumusok sa puso ko no'ng mga oras na 'yon. Naramdaman ko rin ang pangangatog ng mga tuhod ko nang dahil sa intensidad ng titig niya. I've never been this scared my whole life. Kahit pa ganito rin tumitig si Jed kapag nagkakaaway kami.

Sa kanya ko lang talaga naramdaman 'to.

Mariin niyang pinikit ang mga mata niya saka bumuga ng mabigat na hininga bago ako hinila palayo sa daan pero nagpumiglas pa rin ako.

"What the?! Are you deaf?! I said I can take care of myself, dude-"

"Dude mo 'to!"

"What the fuck?!"

"Stop cursing, will you?!" huminto siya at hinarap ako nang hindi pa rin inaalis ang kapit sa palapulsuan ko.

Umigting ulit ang panga niya at kumunot ang noo niya. Kitang-kita ko ang pagpipigil niya at ang galit sa mga mata niyang matalim na nakatitig sa'kin.

I really don't know what's going on with my system. At hindi ko na rin maayos ang mga salita sa loob-loob ko. Basta ang alam ko ay ayaw ko nang nakita ko kanina. It makes my blood boil as the picture of him kissing whoever-that-bitch is keeps haunting me.

"Why don't you just go back inside and continue flirting with the girl who just effin' kissed you five minutes ago?"

Unti-unting lumambot ang expression ng kanyang mukha nang lumabas sa'kin ang mga salitang 'yan. Napawi ang kunot sa kanyang noo at napaawang ang kanyang bibig na para bang hindi makapaniwalang narinig niya ang mga 'yon. At that time, I heard my heart beating so loud that he could almost hear it.

Damn, I think nag-malfunction na yata ang puso ko and I don't even know why.

Mga ilang saglit kaming nagkatitigan bago niya kinagat ang kanyang labi na parang pinipigilan niyang ngumiti.

Yumuko siyang umiling at nakangising nag-angat muli ng tingin sa'kin, "Am I hearing you right? Why do you sound like a jealous girlfriend?" he smiled devilishly.

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon