CHAPTER TWENTY-FIVE: First Things First

337 21 4
                                    

My mind was crowded with thoughts. Hindi ko na alam kung anong uunahin ko. Parang sasabog na ang utak ko sa dami nang problemang gumagambala sa'kin. Nilalamon ako ng samu't saring emosyon.

Galit. Takot. Pagod.

But one thing's for sure, napapawi ang lahat ng 'yon sa tuwing nakakulong ako sa mga bisig ni RB. Panandalian lang, but at least, nakatutulong sa pagpapakalma sa sarili kong nawiwindang nang husto sa mga nangyayari.

Hindi rin nagtagal si RB sa loob ng office ko dahil pinatawag siya ni Manager Go. Marahil ay hindi pa rin sila tapos mag-usap tungkol sa issue'ng ginawa namin ni RB.

Guilt surfaced inside me as the fact of me being involved in the said issue crept into me. Hindi ko talaga maiwasang sisihin ang sarili ko knowing na may kasalanan ako sa umusbong na issue.

I asked Jed to pick me up from Power V. I heaved a sigh of relief nang pumayag siya at wala pang ilang minuto ay pinababa na niya ko sa lobby ng building. When I went to the lobby, nagtaka ako dahil hindi ko natanaw ang sasakyan ni Jed sa main entrance. Instead, I saw a BMW car parked in front of the main entrance.

Bigla akong nanlamig at unti-unting bumagal ang bawat hakbang ko hanggang sa tuluyan akong huminto. Kilalang-kilala ko ang sasakyan na 'yon kaya kung hindi ako nagkakamali...

Bumukas ang pinto sa driver's side at iniluwa no'n si Aeron. In his pink button-down sleeves with two buttons opened and faded black jeans, nakatungo siya at may kung anong tinitingnan sa kanyang cellphone bago nag-angat ng tingin at napadpad sa direksyon ko ang mga mata niya.

He tilted his head with lips turned up at a corner. Ang kaba ay kumalat sa sistema ko nang umikot siya para buksan ang pinto ng shotgun seat. He stared back at me, minuwestra ang loob ng kanyang sasakyan.

I'm gonna kill you, Jed.

"Long time no see, Kidrea," ani Aeron matapos kong pumwesto sa shotgun seat.

"Sorry kung hindi na ako nagparamdam after-"

"No worries. Wala kang dapat ika-sorry. Hindi naman ikaw ang may kasalanan sa alaga ko," he chuckled then he closed the car's door.

Mga ilang saglit pa'y nakaalis na kami sa tapat ng Power V. All along, a defeaning silence filled the car. Diretso lamang ang tingin ni Aeron sa daan at medyo naninibago ako sa pagiging tahimik niya. Tila sa ilang araw lamang na hindi kami nagkita, marami nang nagbago sa kanya. Kung dati ay halos hindi siya maubusan ng sasabihin, ngayon ni isang letra walang lumalabas na bibig niya.

"Uhm..." tumungo ako sa mga daliri kong naglalaro, "D-Did my brother call you to pick me up?"

He tilted his head as he leaned his back against his seat. "We met accidentally in his school. Then, saktong tinawagan mo siya habang magkasama kami."

"Bakit sa'yo niya ako pinasundo?" I asked in a low voice.

He sighed and smirked. "Is there a problem if sunduin kita? Ayaw mo?"

"No!" nataranta naman ako't nilingon siya, "A-I mean... bakit ikaw? Hindi siya?"

Sinipat niya ko saglit bago nakangusong bumaling ulit sa daan. "Hindi pa tapos ang class niya. Ayaw ka naman daw niyang paghintayin dahil reklamadora ka daw."

I squeezed my eyes shut tightly as I took a deep breath. Aba't talaga namang...

Humanda talaga sa'kin ang lokong 'yon once I'm home!

"Pupwede naman kasi siyang tumanggi. Okay lang naman sa'kin. Riding a taxi won't make me poor though."

Hindi na umimik si Aeron matapos no'n. Muling nabalot ng nakakailang na katahimikan ang loob ng sasakyan. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagtanaw sa mga nadadaanan namin. I don't know if it's just me or somehow, he's still quite mad for what happened. Hindi naman ganoon kadaling makalimutan ang lahat.

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon