CHAPTER FORTY-SIX: Fancy

416 24 25
                                    

Hindi pa rin nagsisink in sa'kin na nandito nga talaga sina Mommy, Daddy, at Jed. It's as if my feet were glued to the ground. I couldn't take my eyes off them.

They couldn't take their eyes off my twins. Parang isang malaking palaisipan sa kanila ang kambal.

"Sir..." RB said, making my dad look at him. "They are your grandsons..."

Binuhat ni RB ang kambal bago muling hinarap ang parents ko.

"Anak po namin ni Kidrea." He finished.

Napaawang ang bibig ng mga magulang ko, maging si Jed. Ilang saglit nilang tinitigan ang kambal. Bakas sa mukha nila ang pagkagulat at tila hindi makapaniwala sa sinabi ni RB. Ngunit mga ilang saglit pa, dumapo ang tingin ni Mommy sa'kin at natuptop niya ang kanyang bibig habang naluluhang nakatitig sa'kin.

My feet seemed to have its own mind that it moved without further ado. Marahan ang bawat hakbang ko patungo sa kinaroroonan nila habang naluluha rin sa halo-halong emosyon na bumabalot sa'kin.

Hindi na nakapaghintay si Mommy at walang pasubali niya kong dinaluhan at mahigpit na niyakap. Ibinalik ko naman ang yakap na 'yon at binaon ko ang aking mukha sa balikat niya habang umiiyak.

Her hug soothed my aching heart. Ang tagal ko ring hindi naramdaman ang mainit niyang yakap. Matagal ko ring tiniis na hindi niya mayakap nang ganito dahil sa mas pinairal ko ang aking pride.

"I missed you so much, anak..." Mom sobbed against my shoulder, at kumalas siya kalaunan para harapin ako. "I'm sorry, anak... I'm sorry for my shortcomings... I'm sorry dahil hindi kita nagawang pigilan... I'm sorry, anak..."

She cupped my cheeks as she said that. Panay naman ang iling ko at mga hikbi ko habang nakatitig kay Mommy. Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakahawak sa magkabilang pisngi ko at dinama ang init ng palad niya.

"My, wala kang kasalanan..." umiling ako. "Ako ang may problema. It's just that... hindi ko matanggap na bunga ako ng isang pagkakamali sa nakaraan..."

She shook her head as new tears pooled in her eyes. "No, anak... wag mong isipin 'yan. You are not a mistake. Kahit na hindi ka nanggaling sa'kin, even though I'm not your biological mother, you're still my daughter. I still love you and I always will, Kidrea. Hindi mababago 'yon ng kahit anong katotohanan. H'wag mo nang iisipin ulit na pagkakamali ka, Hija..."

Tanging iyak at hikbi lang namin ni Mommy ang bumalot sa loob ng bahay. Ramdam ko ang paninitig ng mga tao roon pero wala akong pakialam. Muli akong niyakap ni Mommy na hindi matigil sa paghikbi at pag-iyak. Dumapo ang tingin ko kina Daddy at Jed na seryoso ngunit may bahid ng pangungulila ang titig sa'kin.

Lumipad naman ang tingin nina Daddy at Jed kay RB nang inabot sa kanila nito ang kambal. Binuhat ni Jed si Zaber samantalang si Draze naman ay kay Daddy. Sumilay ang ngiti sa labi ni Daddy habang tinatanaw si Draze at ganoon din si Jed kay Zaber.

Pinatakan naman ng kambal ng isang halik sa pisngi sina Jed at Daddy.

Ilang saglit kaming ganoon ni Mommy bago napagpasyahang tumuloy na silang lahat sa sala. Sumaglit ako sa kusina para kumuha ng juice at gumawa ng sandwich para sa lahat. Nalibang naman ang magulang ko't si Jed kay Draze at Zaber na walang tigil sa pagdaldal sa kanila. Aliw na aliw sila sa pagiging talkative at hyper ng kambal.

Nang bumalik ako sa sala, nadatnan ko silang nag-uusap usap. Nilapag ko sa lamesa sa gitna ang ginawa kong sandwich at ang isang pitcher ng orange juice.

I glanced at RB and I caught him staring intently at me. Napaatras naman ako nang bigla siyang lumapit sa'kin at sinalinan niya ng juice ang mga baso.

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon