CHAPTER THIRTEEN: Make Love

473 34 3
                                    

Matapos ang eksena naming 'yon, umuwi na rin siya. Lutang akong nagpunta sa kwarto ko at inalis ang nakapatong na coat ni RB sa'kin. Hinayaan kong bumagsak ang katawan ko sa malambot kong kama at tulalang nakatingin sa kisame. Hanggang sa mga oras na 'to, hindi pa rin nahinto sa paghuhuramentado ang puso ko. Para bang naturukan ng pampa-hyper 'yong puso ko ngayon at sobra siyang magligalig ngayon sa loob ko.

The scene earlier kept me awake. Paulit-ulit na nagsirkula sa utak ko ang imahe naming magkayakap kanina at ramdam ko pa rin ang init ng katawan niya. Even his heavy breathing, rinig ko pa rin 'yon kahit na wala siya ngayon sa tabi ko.

This feeling is foreign to me. Hindi ko kailanman naramdaman 'to sa kahit sinong lalaking naging malapit sa'kin. Even Aeron hasn't made me feel this way. This feeling lingers in my system. I can't seem to understand why I feel like there's something special about him.

"What the heck did he do to me..." anas ko at bumuga ng mabigat na hininga.

Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko na namalayang napapikit at nakatulog na ako. Nagising na lang ako sa huni ng ibon sa labas at sa sikat ng araw na tinatamaan ang balat ko sa braso. Nakalimutan ko na namang isara ang kurtina kagabi.

Nasa kalagitnaan pa ko ng pagmumuni-muni ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Tamad ko namang inabot 'yon at tiningnan muna kung sino ang tumatawag. Kumunot ang noo ko nang makitang hindi nakaregister 'yong number.

Sino naman kayang poncio pilato 'tong gumagambala sa'kin?

I was about to swipe the green icon to answer it nang biglang huminto ang pagtawag. Aba'y hindi rin makapaghintay e 'no?

Nang mamatay 'yong tawag ay doon ko pa lang nakita ang siyam na messages at nanlaki ang mga mata ko roon. First time kong maka-receive ng ganito karaming mensahe. Tiningnan ko naman kung kanino nanggaling ang mga messages. Tig-dalawang messages mula kay Gem, Dine, Aeron at doon sa unknown number. Isa naman ang nanggaling kay Jenny.

Jenny:

Ma'am... ay este Kidrea, pina-cancel ko na muna 'yong mga appointments mo. Utos po 'yon ni Sir Aeron.

Gem:

Hoy babae! :3

Gem:

Hindi ka man lang nagsabing kasama mo pala ang bro ko? <3

Dine:

May dinner date pa lang nagaganap ha? 😐

Dine:

May utang kang kwento sa'min ni Gem :P

Aeron:

I went to Power V yesterday. 'Di ka raw nagpunta roon at hindi naman daw inutusan si RB na sunduin ka -_-

Aeron:

Pinagtripan na naman tayo ni Cabrera -_- That guy is really... ugh 😐

Ang ganda ng mga pambungad ng tao sa'kin ha? Wala man lang nakaisip na mag-text ng "Good morning".

Hinuli kong buksan ang message from the unknown number. Dahan-dahan akong gumilid ng higa habang binabasa ang text message.

Unknown Number:

Up already? Good morning 😊

Unknown Number:

Don't forget to eat your breakfast before going to work. Drive safely 😊

Hindi pa man siya nagpapakilala, alam ko na kung sino siya. I just found myself smiling as I'd read the message. And then again, the butterflies inside me also woke up at nagliligalig na naman sila.

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon